VMSilverConcha

VMSilverConcha Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from VMSilverConcha, Government Official, Osmeña Sr, Basista.

13/05/2025

Isang Taos-Pusong Pagbati sa mga Bagong Halal na Pinuno ng Bayan ng Basista

Isang mainit na pagbubunyi para sa mga nanalo at bagong mamumuno sa ating minamahal na bayan ng Basista! Isang malaking karangalan para sa akin na kayo'y makadaupang-palad—mga taong pinagkatiwalaan ng sambayanan upang mamuno tungo sa mas maliwanag na bukas.

Dalangin ko na nawa'y patuloy kayong gabayan ng Poong Maykapal sa bawat desisyon at hakbang na inyong tatahakin. Hinihiling ko rin na manatili kayong bukas sa pakikinig, matatag sa paninindigan, at tapat sa paglilingkod—dahil dito magsisimula ang tunay na pag-unlad.

Ang pangarap ko ay ang makita ang Basista na lalong umuunlad, isang bayan na maipagmamalaki.

Mabuhay kayo! Mabuhay ang ating bayan! Mabuhay ang Basista! 💙💛♥️

12/05/2025

Sa aking mga minamahal na kababayan sa Bayan ng Basista,

Sa maikli ngunit makabuluhang panahon ng ating pagsasama, taos-puso akong nagpapasalamat sa inyong lahat. Sa bawat ngiti, pakikipagkamay, at salita ng suporta—naramdaman ko ang tunay na pagmamahal ng isang komunidad na may malasakit at pagkakaisa. Kayo ang naging lakas ko sa bawat hakbang ng ating paglalakbay.

Sa aking mga naging katunggali sa pagka-bise alkalde, maraming salamat sa pagkakataong makilala at makasama kayo sa prosesong ito. Ipinakita ninyo ang inyong dedikasyon at pagmamahal sa Basista—kaya't ako'y bumabati ng taos-pusong pasasalamat! 🩵💛❤️

Tayo po ay nakapag boto na. 🩵💛❤️
12/05/2025

Tayo po ay nakapag boto na. 🩵💛❤️

11/05/2025

Isang Pagbati para sa mga Ina ng Tahanan!

Happy Mother's Day po sa lahat ng nanay diyan!
Saludo kami sa lahat ng sakripisyo n’yo—mula sa walang sawang pag-aalaga, pagtitiis, at pagmamahal para sa pamilya at komunidad.
Kayo ang tunay na haligi at ilaw ng bawat tahanan.

Maraming salamat po sa lahat ng ginagawa n’yo, araw-araw.
Mabuhay kayo, mga nanay! ❤️💛💙

10/05/2025

𝙄𝙨𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙞𝙣𝙞𝙩 𝙣𝙖 𝙥𝙖𝙨𝙖𝙨𝙖𝙡𝙖𝙢𝙖𝙩 𝙖𝙣𝙜 𝙣𝙖𝙞𝙨 𝙠𝙤𝙣𝙜 𝙞𝙥𝙖𝙧𝙖𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙨𝙖 𝙗𝙖𝙬𝙖𝙩 𝙞𝙨𝙖 𝙨𝙖 𝙞𝙣𝙮𝙤.

Sa loob ng limang buwang pag-iikot, pakikipagkilala, at pakikipag-usap sa inyong mga komunidad, isang mahalagang koneksyon ang ating nabuo—isang koneksyon na hindi ko kailanman malilimutan. Sa bawat kamay na aking nakadaupang-palad, sa bawat ngiting aking nasilayan, at sa bawat salitang inyong ibinahagi, nahanap ko ang inspirasyon at lakas upang magpatuloy.

Ang inyong pagmamahal at tiwala ang nagsilbing apoy sa aking damdamin upang huwag mapagod at patuloy na magsumikap. Dahil sa inyo, mas lalong tumibay ang aking hangaring makapaglingkod—hindi bilang isang lider lamang, kundi bilang isang tunay na lingkod-bayan.
Sa aking paglalakbay, aking nakita at narinig ang mga tunay na suliraning kinahaharap ng ating mahal na bayang Basista. Mga isyu na matagal nang kinakaharap ng ating mga nakatatanda, kabataan, magsasaka, at ng ating sektor ng edukasyon at kalusugan. Mga isyung nangangailangan ng agarang pansin, malasakit, at tunay na aksyon.

Hindi ako nangangako ng perpektong solusyon, ngunit aking ipinapangako ang tapat na serbisyo, bukas na pakikinig, at hindi matitinag na paninindigan para sa kapakanan ng bawat Basisteño.
Maraming salamat sa tiwala, sa pakikiisa, at sa pagbibigay sa akin ng pagkakataong makilala kayo. Sama-sama nating paunlarin ang Basista—isang bayan na tunay na para sa lahat.

𝓜𝓪𝓫𝓾𝓱𝓪𝔂 𝓪𝓷𝓰 𝓑𝓪𝓼𝓲𝓼𝓽𝓪! 𝓜𝓪𝓫𝓾𝓱𝓪𝔂 𝓽𝓪𝔂𝓸𝓷𝓰 𝓵𝓪𝓱𝓪𝓽!

𝐒𝐈𝐋𝐕𝐄𝐑𝐂𝐎𝐍𝐂𝐇𝐀 𝐍𝐔𝐌𝐁𝐄𝐑 𝟏🩵❤️💛

Habang kami'y nalulungkot sa iyong paglisan, kami rin ay nagpapasalamat sa Diyos sa biyaya ng iyong buhay at paglilingko...
21/04/2025

Habang kami'y nalulungkot sa iyong paglisan, kami rin ay nagpapasalamat sa Diyos sa biyaya ng iyong buhay at paglilingkod. Nawa'y tanggapin ka ng Ama sa Kanyang walang hanggang kaharian, at patuloy mong ipanalangin ang iyong Simbahan mula sa langit.

Paalam, Pope Francis. Sa puso ng mundo, ikaw ay mananatiling buhay.

"My heart mourns during this time of sorrow as we bid farewell to the great and iconic Ms. Pilita Corrales. She was a tr...
21/04/2025

"My heart mourns during this time of sorrow as we bid farewell to the great and iconic Ms. Pilita Corrales. She was a true inspiration, whose music has touched countless hearts and will continue to do so for generations to come. Her voice and talent were truly one of a kind—bringing joy, hope, and emotion through every song.

Thank you, beloved Pilita, for the gift of your music and the legacy you’ve left behind. You will always be remembered with love and admiration. Adiós, Asia's Queen of Songs.

"‘He is not here; He has risen, just as He said.’ (Matthew 28:6) Happy Easter Sunday! Sa muling pagkabuhay ni Kristo, na...
19/04/2025

"‘He is not here; He has risen, just as He said.’
(Matthew 28:6)

Happy Easter Sunday! Sa muling pagkabuhay ni Kristo, nawa’y mapuno ang ating puso ng pag-asa, kapayapaan, at panibagong pananampalataya."

Maraming SALAMAT!!! Brgy. Mapolopolo 💛💙♥️
15/04/2025

Maraming SALAMAT!!! Brgy. Mapolopolo 💛💙♥️

Day 2 sa Brgy. Mapolopolo: Pinuntahan natin ang bawat sulok para sa isang mas bukas na usapan at mas malapit na ugnayan....
13/04/2025

Day 2 sa Brgy. Mapolopolo: Pinuntahan natin ang bawat sulok para sa isang mas bukas na usapan at mas malapit na ugnayan. Maraming salamat sa pagtanggap at pagbabahagi ng inyong kwento.

We are ready 💛💙♥️Brgy, Mapolopolo, House to house afternoon schedule!Hindi lang sapat na tayo'y magpakilala. Sa simula p...
12/04/2025

We are ready 💛💙♥️

Brgy, Mapolopolo, House to house afternoon schedule!

Hindi lang sapat na tayo'y magpakilala. Sa simula pa lang, mahalaga na agad nating tukuyin at alamin ang mga problema ng bawat barangay. Sa ganitong paraan, mas mauunawaan natin ang tunay na kalagayan at pangangailangan ng ating mga kababayan. Ang pagkilala sa kanilang mga isyu ay unang hakbang tungo sa pagbibigay ng konkretong solusyon. Sama-sama nating hanapin ang boses ng bawat komunidad—dahil ang tunay na pagbabago, nagsisimula sa pakikinig.

Serbisyong dekalidad at may puso!!!

Handa na ba kayo??? Brgy, Mapolopolo!! 💛💙♥️
11/04/2025

Handa na ba kayo??? Brgy, Mapolopolo!! 💛💙♥️

Address

Osmeña Sr
Basista
2422

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when VMSilverConcha posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share