26/08/2026
"Bawat Barangay, Makikinabang"-
Barangay Cambug, Al-Barka, Basilan
Ang Barangay Cambug ay buong pusong sumusuporta sa programang "Bawat Barangay, Makikinabang", na naglalayong mabigyan ng pantay na pagkakataon ang mga kwalipikadong kabataan na makapagpatuloy ng kanilang pag-aaral.
Bilang bahagi ng aming pangako sa transparency, fairness, at accountability, ang pagpili ng mga iskolar ay isinasagawa batay sa malinaw at patas na pamantayan, alinsunod sa mga itinakdang kwalipikasyon at proseso ng programa. Ang mga benepisyaryo ay napili nang walang kinikilingan, diskriminasyon, o paboritismo.
Ang impormasyon tungkol sa mga kwalipikasyon, proseso at aplikasyon bilang ng benepisyaryo, at iba pang mahahalagang detalye ay naipaalam sa mga residente ng Barangay Cambug sa pamamagitan ng opisyal na mga anunsyo.
Layunin ng programang ito na matiyak na ang bawat kwalipikadong mag-aaral binibigyan ng patas na pagkakataon. Ang scholarship ay para sa kapakinabangan ng mga kabataan at hindi dapat gamitin bilang kapalit ng anumang pabor o suporta.
Taos-pusong pagbati sa mga bagong iskolar ng Bawat Barangay, Makikinabang:
1. SALWA I. SATTAR
2. NURSIMA M. ANJAO
3. NUR-AIMA M. TAING
4. ARWA A. SALARAIN
5. SAIBA A. AHID
"Bawat Barangay, Makikinabang- Bawat kabataan, may pagkakataong umunlad"
Barangay Cambug
Para sa isang patas, malinaw, at makabuluhang serbisyong pang-edukasyon.
Magmaap duk magsabar si gah katuperanin, bang kinabayaan kamihin kaurungan kaam kemon sugah peggeh saien du ekkahan ineddoin. Kaw du niyah balik In Shaa Allah
Magsucur si Allah!
Duk magsucur du isab si Kapitan tebi kalasahan duk malasa si kite bi.
Hon. Rusmin Maalup Asnawi