25/03/2026
MAY 50% DISCOUNT NA PO SA LRT2 AT MRT3 ANG LAHAT NG PASAHERO NITO. 🤔
At mag aapply po ito kahit white beep cards o blue beep cards man po ang hawak ninyo. 🤔
Kaya ang ibig pong sabihin nito, hiwalay na discount pa po ito, sa kasalukuyang fare discounts na ibinibigay po sa mga seniors, PWDs at sa mga estudyanteng pasahero. 🤔
At kung wala naman po kayong beep cards na katulad nito, discounted narin po ang lahat ng single journey tickets na bibilhin po ninyo. 🤔
Magsisimula po ang discount na ito ngayong Lunes, ika-23 po ng Marso. 🤔
At mananatili pong effective ito, hangga't hindi pa po ito binabawi ng ating gobyerno. 🤔
Nakikipagpulong narin po ang DoTr sa management ng LRT1 mismo, upang gayahin narin po nila ang patakarang ito. 🤔
Ingat po sa biyahe, mga Ka-G ko! 🫡