PIO - Parañaque City

  • Home
  • PIO - Parañaque City

PIO - Parañaque City Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from PIO - Parañaque City, Public & Government Service, Public Information Office, 3rd Floor, Parañaque City Hall, Barangay San Antonio, .

𝐀𝐍𝐍𝐎𝐔𝐍𝐂𝐄𝐌𝐄𝐍𝐓 | TULONG PANGKABUHAYAN PROGRAM NI MAYOR ERIC L. OLIVAREZMuling bubuksan ng lokal na pamahalaang lungsod ng ...
02/05/2024

𝐀𝐍𝐍𝐎𝐔𝐍𝐂𝐄𝐌𝐄𝐍𝐓 | TULONG PANGKABUHAYAN PROGRAM NI MAYOR ERIC L. OLIVAREZ

Muling bubuksan ng lokal na pamahalaang lungsod ng Parañaque sa pangunguna ni Mayor Eric L. Olivarez ang Tulong Pangkabuhayan Program ngayong buwan ng May 2024.

Para sa mga residente ng lungsod na nakapagtapos ng kahit anong livelihood skills training program sa ilalim ng Parañaque Livelihood Resource Management Office o Parañaque Skills Training Center at nais mag-avail ng panimulang kapital na nagkakahalaga ng Php10,000, maaari kayong makipag-ugnayan sa sumusunod na tanggapan:

➡️ Parañaque Livelihood Resource Management Office - PLRMO
🏛️ Address: PLRMO Bldg., Simplicio Cruz Compound, Barangay San Isidro (likod ng S&R Sucat)
☎️ Telephone nos.: 8820-6527 / 8820-6528 / 8820-6877 / 8634-3010 / 8808-9891

➡️ Parañaque Cooperative Development Office - PCDO
🏛️ Address: 4th Floor, Parañaque City Hall San Antonio Valley 1, Parañaque City
☎️ Telephone nos.: 8829-0877 / 8564-0937

Nakatakda ring sumailalim sa interview ang mga nais mag-avail ng naturang programa at ito ay gaganapin sa darating na May 31, 2024, 8:00 a.m., sa PLRMO Bldg., Simplicio Cruz Compound, Barangay San Isidro (likod ng S&R Sucat).

Ang Tulong Pangkabuhayan Program ay handog ng lokal na pamahalaang lungsod ng Parañaque sa pamamagitan ng PLRMO sa ilalim ni Ms. Marlette Yamsuan, PCDO sa ilalim ni Ms. Josephine Salomon, at Public Employment Service Office sa ilalim ni Ms. Amie Martin.

  𝐀𝐍𝐍𝐎𝐔𝐍𝐂𝐄𝐌𝐄𝐍𝐓 | MEGA JOB FAIR 2024Bilang bahagi ng paggunita ng Araw ng Manggagawa o Labor Day sa darating na Mayo 1, 2...
30/04/2024

𝐀𝐍𝐍𝐎𝐔𝐍𝐂𝐄𝐌𝐄𝐍𝐓 | MEGA JOB FAIR 2024

Bilang bahagi ng paggunita ng Araw ng Manggagawa o Labor Day sa darating na Mayo 1, 2024, ang lokal na pamahalaang lungsod ng Parañaque sa pangunguna ni Mayor Eric L. Olivarez ay nakatakdang magsagawa ng isang Mega Job Fair.

Ito ay gaganapin sa May 1, 2024 sa Parañaque City Sports Complex sa ganap na 8:00 a.m. hanggang 4:00 p.m.

Bukas ang job fair na ito sa mga residente ng Lungsod na edad 18 taong gulang pataas.

Ang mga interesadong aplikante ay pinapaalalahanan na magsuot ng smart casual attire at dalhin ang mga sumusunod na requirements sa mismong araw ng job fair:
➡️ 10 kopya ng inyong resume
➡️ Ballpen
➡️ Facemask at alcohol

🔗 Sa mga nais lumahok sa Mega Job Fair, iscan lamang ang QR code na nasa larawan.

Para naman sa ating mga First Time Job Seekers, maaari kayong makakuha ng free employment requirements. Magtungo lamang sa inyong barangay at kumuha ng First Time Job Certification at Oath of Undertaking na pirmado ng inyong barangay captain o ng awtorisadong barangay official. Dalhin at ipresenta ito sa araw ng job fair.

𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍: Personal na bumisita si Mayor Eric L. Olivarez kasama si District 1 Congressman Edwin L. Olivarez ngayong Marte...
30/04/2024

𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍: Personal na bumisita si Mayor Eric L. Olivarez kasama si District 1 Congressman Edwin L. Olivarez ngayong Martes sa 36 pamilyang naapektuhan ng sunog sa M. Rodriguez st. sa Barangay La Huerta.

Ayon sa punong lungsod, sila ay nabigyan ng agarang tulong, gaya ng mga relief packs, banig, kumot, family kits, at hygiene kits, gayundin ang tulong pinansyal.

Nagpaabot din ng tulong ang tanggapan ni District 1 City Councilor Pablo “Paolo” Olivarez II sa pamamagitan ng paghandog ng libreng sopas sa mga residente.

Inihayag naman ng butihing alkalde ang kanyang pakikiramay sa mga nasunugan at tiniyak na ang lokal na pamahalaang lungsod ay patuloy na magbababa ng tulong upang sila ay makabangon mula sa sakuna.

Kasama ring naghatid ng tulong sina Barangay La Huerta Captain Peter Augustine “P.A.” Velasco, Barangay Kagawad Alan Cruz, Barangay San Dionisio Captain Eva L. Olivarez, Unified Marketing and Services Cooperatives of Parañaque Fishermans Wharf Chairperson at UMADO Assistant OIC Marlon Balbastro, ang mga kawani ng 1st Congressional District Office sa pangunguna ni Mr. Bernie Amurao at Atty. Ding Soriano, at ang mga kawani ng tanggapan ni Coun. Pao.

Kaisa rin sa pamamahagi ng tulong ang mga tanggapan ng Urban Mission Areas Development Office sa pangunguna ni Ms. Shella Bernal, General Services Office sa pamumuno ni Ms. Josephine Mary C. Centena, at ng City Social Welfare Development Department sa ilalim ni Ms. Vivian Gabriel.

Naroon din sina City Disaster Risk Reduction and Management Office Head Dr. Teodoro Gonzalez Jr., Traffic and Parking Management Office Chief Mr. Rey Murillo, Local Housing Development Office Head Engr. Oscar Fernandez, Dr. Darwin David bilang kinatawan ng City Health Office, at City Environment and Natural Resources Office OIC Mr. Mark Allen Besa.

(Mga larawang kuha ni Lora Reyes/PIO)

𝐀𝐍𝐍𝐎𝐔𝐍𝐂𝐄𝐌𝐄𝐍𝐓 | Pursuant to MMDA’s Resolution no. 24-08, series of 2024, the City Government of Parañaque shall implement...
30/04/2024

𝐀𝐍𝐍𝐎𝐔𝐍𝐂𝐄𝐌𝐄𝐍𝐓 | Pursuant to MMDA’s Resolution no. 24-08, series of 2024, the City Government of Parañaque shall implement/adopt the modified working schedule from 7:00 a.m. to 4:00 p.m. effective on May 2, 2024 until October 31, 2024.

Meanwhile, income-generating offices and offices that provide vital services on health, disaster and calamities shall continue their services and operations until 5:00 p.m.

Please be guided accordingly.

𝐌𝐀𝐘𝐍𝐈𝐋𝐀𝐃 𝐀𝐃𝐕𝐈𝐒𝐎𝐑𝐘 | Makakaranas ng water service interruption ang ilang sineserbisyuhan ng Maynilad sa lungsod ng Parana...
30/04/2024

𝐌𝐀𝐘𝐍𝐈𝐋𝐀𝐃 𝐀𝐃𝐕𝐈𝐒𝐎𝐑𝐘 | Makakaranas ng water service interruption ang ilang sineserbisyuhan ng Maynilad sa lungsod ng Paranaque dahil sa isasagawang water audit activity sa kahabaan ng FB Harrison.

Ang sumusunod ang schedule ng water service interruption at ng mga apektadong barangay:
🗓️ Schedule of interruption: Mula 10:00 PM ng April 30, 2024 hanggang 6:00 AM ng May 1, 2024
📍 Affected barangays: Barangay Baclaran, Barangay Don Galo, Barangay Sto. Niño, at Barangay Tambo

Pinapayuhan ang mga apektadong residente na mag-imbak ng tubig bago ang scheduled interruption.

Para sa inyong concerns, maaaring makipag-ugnayan sa Maynilad sa mga sumusunod:
☎️ Hotline: 1626
📱 Text Hotline: 0998-8641446
✉️ Email: [email protected]
🌐 Facebook: https://www.facebook.com/MayniladWater

𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍: Matagumpay na idinaos noong Lunes, ika-29 ng Abril, ang Immune Nation Conference sa Parañaque City Sports Compl...
30/04/2024

𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍: Matagumpay na idinaos noong Lunes, ika-29 ng Abril, ang Immune Nation Conference sa Parañaque City Sports Complex.

Dumalo sa naturang programa si Mayor Eric L. Olivarez na nagpabatid ng makabuluhang mensahe sa mga lumahok na barangay health workers, partners mula sa iba’t ibang pampubliko at pribadong ospital, at mga Kagawad for Health Committee ng 16 barangay sa lungsod.

Ayon sa punong lungsod, layunin ng Immune Nation Conference na ito na bigyan ng diin ang kahalagahan ng pagpapabakuna. Aniya, ito ay isang ligtas at mabisang paaran na proteksyon mula sa mga iba’t ibang sakit, lalo na sa mga bata upang sila ay lumaking malusog at may malakas na immune system.

Inihayag din ni Mayor Eric ang kanyang pasasalamat sa bawat isa gayundin sa City Health Office sa pangunguna ni Dr. Olga Z. Virtusio at sa mga katuwang na ahensya na makamit ang adhikain ng isang healthy Parañaque City.

Bukod dito, pinangunahan din ng alkalde ang awarding ceremony sa mga nanalong kalahok sa Bakuna Champions: Bakunadong Protektado, isang social media contest na pinangasiwaan ng CHO.

Nagpakita rin ng suporta sa programang ito sina District 2 Congressman Gus Tambunting at Ospital ng Parañaque II Director Dr. Patrick Cruz.

(Mga larawang kuha ni Donalyn Dumanat/PIO)

30/04/2024
𝐓𝐑𝐀𝐅𝐅𝐈𝐂 𝐀𝐃𝐕𝐈𝐒𝐎𝐑𝐘 | In view of the celebration of Labor Day on May 1, 2024 (Wednesday), the expanded number coding scheme...
30/04/2024

𝐓𝐑𝐀𝐅𝐅𝐈𝐂 𝐀𝐃𝐕𝐈𝐒𝐎𝐑𝐘 | In view of the celebration of Labor Day on May 1, 2024 (Wednesday), the expanded number coding scheme from 7:00 a.m. to 10:00 a.m. and 5:00 p.m. to 8:00 p.m. is suspended in the City of Parañaque.

The City of Parañaque, however, will still implement the truck ban from 6:00 a.m. to 9:00 a.m. and 4:00 p.m. to 8:00 p.m.

All motorists are reminded to drive carefully and safely.
Please be guided accordingly.

𝐓𝐑𝐀𝐅𝐅𝐈𝐂 𝐀𝐃𝐕𝐈𝐒𝐎𝐑𝐘 | In view of the celebration of Labor Day on May 1, 2024 (Wednesday), the expanded number coding scheme from 7:00 a.m. to 10:00 a.m. and 5:00 p.m. to 8:00 p.m. is suspended in the City of Parañaque.

The City of Parañaque, however, will still implement the truck ban from 6:00 a.m. to 9:00 a.m. and 4:00 p.m. to 8:00 p.m.

All motorists are reminded to drive carefully and safely.

Please be guided accordingly.

Alagang Parañaque: Immune Nation Conference | April 29, 2024Highlights from today's gathering, held at the Parañaque Spo...
30/04/2024

Alagang Parañaque: Immune Nation Conference | April 29, 2024
Highlights from today's gathering, held at the Parañaque Sports Complex. The conference provided updates on the City's immunization efforts, a talk on the importance of vaccination, and a special segment awarding the mothers that participated the 'Bakuna Champions: Batang Bakunado Protektado' social media contest, hosted by the Parañaque City Health Office.

Special appearances by Mayor Eric L. Olivarez, Congressman Gus Tambunting, Kagawads for health, and representatives from city's private hospitals added to the day's significance. Together, we are champions of health and immunity! 💉🛡️

𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐂 𝐀𝐃𝐕𝐈𝐒𝐎𝐑𝐘 𝐅𝐑𝐎𝐌 𝐓𝐇𝐄 𝐁𝐔𝐒𝐈𝐍𝐄𝐒𝐒 𝐏𝐄𝐑𝐌𝐈𝐓𝐒 𝐀𝐍𝐃 𝐋𝐈𝐂𝐄𝐍𝐒𝐈𝐍𝐆 𝐎𝐅𝐅𝐈𝐂𝐄  𝐑𝐄: New official email address for business-related tran...
30/04/2024

𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐂 𝐀𝐃𝐕𝐈𝐒𝐎𝐑𝐘 𝐅𝐑𝐎𝐌 𝐓𝐇𝐄 𝐁𝐔𝐒𝐈𝐍𝐄𝐒𝐒 𝐏𝐄𝐑𝐌𝐈𝐓𝐒 𝐀𝐍𝐃 𝐋𝐈𝐂𝐄𝐍𝐒𝐈𝐍𝐆 𝐎𝐅𝐅𝐈𝐂𝐄

𝐑𝐄: New official email address for business-related transactions and other inquiries

Starting May 01, 2024, please be informed that the Business Permits and Licensing Office (BPLO) shall have a new official and government-designated email address in addition to existing email addresses as shown below:

📩 [email protected]
📩 [email protected]
📩 [email protected]
📩 [email protected]

The public is also advised to visit the website and FB messenger for available online services and other inquiries.

🌐 BPLO Website: bploparanaque.com
💬 Messenger: BPLO Paranaque

Thank you for continued support.

𝐀𝐍𝐍𝐎𝐔𝐍𝐂𝐄𝐌𝐄𝐍𝐓 | MEGA JOB FAIR 2024Bilang bahagi ng paggunita ng Araw ng Manggagawa o Labor Day sa darating na Mayo 1, 202...
29/04/2024

𝐀𝐍𝐍𝐎𝐔𝐍𝐂𝐄𝐌𝐄𝐍𝐓 | MEGA JOB FAIR 2024

Bilang bahagi ng paggunita ng Araw ng Manggagawa o Labor Day sa darating na Mayo 1, 2024, ang lokal na pamahalaang lungsod ng Parañaque sa pangunguna ni Mayor Eric L. Olivarez ay nakatakdang magsagawa ng isang Mega Job Fair.

Ito ay gaganapin sa May 1, 2024 sa Parañaque City Sports Complex sa ganap na 8:00 a.m. hanggang 4:00 p.m.

Bukas ang job fair na ito sa mga residente ng Lungsod na edad 18 taong gulang pataas.

Ang mga interesadong aplikante ay pinapaalalahanan na magsuot ng smart casual attire at dalhin ang mga sumusunod na requirements sa mismong araw ng job fair:
➡️ 10 kopya ng inyong resume
➡️ Ballpen
➡️ Facemask at alcohol

🔗 Sa mga nais lumahok sa Mega Job Fair, iscan lamang ang QR code na nasa larawan.

Para naman sa ating mga First Time Job Seekers, maaari kayong makakuha ng free employment requirements. Magtungo lamang sa inyong barangay at kumuha ng First Time Job Certification at Oath of Undertaking na pirmado ng inyong barangay captain o ng awtorisadong barangay official. Dalhin at ipresenta ito sa araw ng job fair.

Address

Public Information Office, 3rd Floor, Parañaque City Hall, Barangay San Antonio

17000

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PIO - Parañaque City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to PIO - Parañaque City:

  • Want your organization to be the top-listed Government Service?

Share