22/03/2026
Itinuturing na iligal ang isang negosyo kung ito ay walang kaukulang Mayorโs Permit, lalo na kung kulang ito ng Fire Safety Inspection Certificate na mahalagang requirement sa pagkuha ng permit.
Dahil dito, may kapangyarihan ang lokal na pamahalaan na maglabas ng kautusan para sa agarang pagpapasara ng naturang establisemyento. Alinsunod sa Fire Code of the Philippines, maaari ring patawan ng multa ang may-ari o administrador ng negosyo dahil sa paglabag sa itinakdang regulasyon.
Upang maiwasan ang ganitong suliranin, kinakailangang tiyakin ng mga negosyante na kumpleto ang kanilang mga permit, kabilang ang Fire Safety Inspection Certificate, upang maging legal at ligtas ang kanilang operasyon.