13/05/2026
βππππ ππ ππππ π
πππ β
πππ ππ, ππππ
Isang insidente ng post fire ang naganap bandang 1:30 ng madaling araw na agad namang tinugunan ng mga otoridad upang maiwasan ang paglala ng sunog at masiguro ang kaligtasan ng mga residente sa lugar.
Sa pangunguna ni Kapitan Mike Catindig kasama ang Sangguniang Barangay, Makinabang Rescue, at BFP Baliwag City, mabilis na nagsagawa ng agarang responde at koordinasyon upang tuluyang maapula ang apoy.
Dahil sa maagap na aksyon ng ating mga responders at volunteers, naiwasan ang posibleng mas malaking pinsala at panganib sa komunidad. Patuloy ang paalala sa lahat na maging maingat at alerto upang maiwasan ang mga insidente ng sunog.
Maraming salamat sa lahat ng responders na walang sawang naglilingkod para sa kaligtasan ng mamamayan.