06/09/2026
โ ๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ โ ๐๐ ๐๐๐ | ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐
Masayang nakasama ng Team Kap ArielโSK Joy ang ating mga kabarangay sa Sitio Riles para sa isang makabuluhang Kapihan at simpleng kumustahan.
Bukod sa pakikinig sa kanilang mga saloobin at pangangailangan, isinagawa rin natin ang libreng blood pressure (BP) checking, blood sugar/FBS checking, bilang bahagi ng ating malasakit sa kalusugan ng bawat pamilya, lalo na sa ating mga kabataan. โค๏ธ
Maraming salamat sa lahat ng naglaan ng oras at taos-pusong nakipagkwentuhan sa amin. Ang bawat salitang ibinabahagi ninyo ay mahalaga at nagsisilbing gabay upang mas maunawaan namin kung ano ang tunay na kailangan ng ating barangay.
Naniniwala kami na ang paglilingkod ay gumagamit ng puso at isip-may malasakit, may pakikinig, at may pagkilos. Patuloy nating isulong ang isang mas maayos, mas maunlad, mas ligtas at mas malusog na Barangay Tarcan, na puno ng pagkalinga sa kalusugan at kapakanan ng bawat mamamayan. ๐๐
Maraming salamat, Sitio Riles! Sama-sama tayo para sa mas magandang kinabukasan ng ating barangay. ๐