19/04/2022
This is good news!
Kudos to the wonderful people behind this project!
🐮
DAIRY PROCESSING PLANT AT MARKETING OUTLET ITATAYO SA AURORA
Sa patuloy na pagnanais ng Pamahalaang Panlalawigan ng Aurora na higit pang mapaunlad ang sektor ng mga magsasakang nag – aalaga ng Kalabaw sa Bayan ng Maria Aurora, Aurora ay nilagdaan ang Memorandum of Agreement sa pagitan nina Dr. Estrella C. Buenaventura, Pangulo, Cornerstone Training and Learning Corporation; Dr. Ericson N. Dela Cruz, Center Director, Philippine Carabao Center at Central Luzon State University; Dr. Angelo Silvestre, Provincial Veterinarian ng Pamhalaang Panlalawigan ng Aurora; Dr. Ronnie D. Domingo, OIC Executive Director Philippine Carabao National Headquarters and Gene Pool; Mayor Amado Geneta ng Maria Aurora at Governor Gerardo A. Noveras. Ginanap ito noong ika – 8 ng Abril 2022 sa SB Hall, Maria Aurora, Aurora.
Ang programang ito ay nilayon ng Pamahalaang Panlalawigan ng Aurora sa pamamagitan ng pakikipag – ugnayan ng Tanggapan ng Provincial Veterinary Office sa Department of Agriculture at sa Tanggapan ni Senador Cynthia A. Villar, Senate Committee on Food and Agriculture sa pagnanais ng Cornerstone Training & Learning Center Corporation na magkaroon ng Dairy Processing Plant at Marketing Outlet.
Nagpasalamat naman si Dr. Buenaventura sa Pamahalaang Panlalawigan ng Aurora; sa Department of Agriculture at kay Senador Villar sa pagkakaloob nito ng nabanggit na proyekto. Hinimok ni Dr. Dela Cruz ang Cornerstone Training & Learning Center Corporation na pagyamanin ang proyektong kanilang tinanggap upang sa gayon ay higit pang makaakit ng mga turista sa lalawigan.
Ayon naman kay Dr. Domingo, ang proyektong ito ang mag – aangat upang matugunan ang kakulangan sa pagpoproseso ng gatas ng kalabaw sa lugar.
Hinimok naman ni Gov. Jerry ang mga benepisyaryo na magtayo ng mga tindahan ng mga produktong gawa ng nabanggit na Korporasyon. Hiniling ding ibahagi nila ang kanilang kaalaman sa mga taga Aurora upang mas matulungan ang industriya ng pag-aalaga ng Kalabaw sa lalawigan.
Matapos ang Ceremonial Signing of Memorandum of Agreement ay agad na isinagawa ang Ground Breaking Ceremony ng itatayong Dairy Processing Plant and Marketing Outlet sa Barangay Malasin, Maria Aurora, Aurora. (paiadpgo/vinz)
===
Jerry A. Noveras Vice GOVERNOR Christian M. Noveras Provet Aurora