Bataan EduChild

Bataan EduChild Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Bataan EduChild, Government Organization, Balanga.

09/06/2026
π—žπ—¨π— π—¨π—¦π—§π—”π—›π—”π—‘ π—žπ—”π—¦π—”π— π—” π—”π—‘π—š π— π—šπ—” 𝗗𝗔𝗬 𝗖𝗔π—₯π—˜ π—ͺ𝗒π—₯π—žπ—˜π—₯𝗦Dahil tampok ngayong taon sa ating Bisita Bayan ang EduChild Program, tayo po ...
14/04/2026

π—žπ—¨π— π—¨π—¦π—§π—”π—›π—”π—‘ π—žπ—”π—¦π—”π— π—” π—”π—‘π—š π— π—šπ—” 𝗗𝗔𝗬 𝗖𝗔π—₯π—˜ π—ͺ𝗒π—₯π—žπ—˜π—₯𝗦

Dahil tampok ngayong taon sa ating Bisita Bayan ang EduChild Program, tayo po ay nakipagkumustahan sa 32 Day Care Workers sa bayan ng Orani. Naging isang magandang pagkakataon po ito upang ating mapakinggan ang kanilang mga karanasan gayundin ang mga best practices na kanilang ipinatutupad sa kani-kanilang mga day care centers upang higit pang maging episyente at mapatatag ang ating responsible parenting program.


Sa ginanap na Iskolar ng Bataan General Assembly and Orientation, ibinahagi ang EduChild Program Overview bilang isang m...
17/03/2026

Sa ginanap na Iskolar ng Bataan General Assembly and Orientation, ibinahagi ang EduChild Program Overview bilang isang mahalagang inisyatiba na naglalayong palakasin ang kaalaman at kakayahan ng mga magulang at kabataan sa responsableng pagpapalaki ng bata. Binibigyang-diin ng EduChild ang kahalagahan ng positibong pag-aaruga, wastong paggabay, at matibay na ugnayan sa loob ng pamilya upang matiyak ang maayos na pag-unlad ng mga bataβ€”pisikal, emosyonal, at sosyal. Sa pamamagitan ng programang ito, mas napapalalim ang kamalayan ng bawat pamilyang BataeΓ±o sa kanilang mahalagang papel sa paghubog ng mga kabataang magiging responsable, may malasakit, at handang mag-ambag sa pag-unlad ng komunidad at ng buong lalawigan ng Bataan


Sa bawat pagbisita, may bagong kaalaman at inspirasyon.  Sa ating Bisita-Bayan sa Bagac noong February 9, 2026, nakipagp...
16/02/2026

Sa bawat pagbisita, may bagong kaalaman at inspirasyon. Sa ating Bisita-Bayan sa Bagac noong February 9, 2026, nakipagpulong si Jose Enrique S. Garcia III at Ron Michael Alexis del Rosario sa mga Child Development Workers upang pag-usapan ang mga best practices at mga hamon sa pagpapatupad ng EduChild Parenting Programβ€”sama-samang kumikilos para sa mas maunlad na kinabukasan ng bawat batang BataeΓ±o.
Sa pamamagitan ng bukas na talakayan at palitan ng karanasan, higit na napagtibay ang ating layunin na palakasin ang suporta sa mga magulang at pamilya, bilang pundasyon ng maayos na paghubog sa kabataan. Patuloy ang ating pagtutulungan upang matiyak na ang bawat programa ay epektibo, inklusibo, at tunay na nakatutugon sa pangangailangan ng komunidad.


11/02/2026



Maraming Salamat po Municipality of Bagac, Bataan
10/02/2026

Maraming Salamat po Municipality of Bagac, Bataan

BISITA BAYAN: EDUCHILD PARENTING PROGRAM SA HERMOSA! πŸ“βœ¨β€‹Matagumpay na naisagawa ang facilitation ng EduChild Module 9 sa...
02/02/2026

BISITA BAYAN: EDUCHILD PARENTING PROGRAM SA HERMOSA! πŸ“βœ¨
​Matagumpay na naisagawa ang facilitation ng EduChild Module 9 sa Little Baguio Child Development Center sa Brgy. Palihan, Hermosa. Sa pangunguna ni DCW Medene Manalansan, muling pinatibay ang kaalaman ng ating mga magulang sa wastong pagpapalaki ng anak.
​Kasabay nito, isang Sertipiko ng Pagkilala ang iginawad kay Governor Jose Enrique S. Garcia III bilang pasasalamat sa kanyang walang sawang suporta at dedikasyon sa pagpapatupad ng EduChild Parenting Program sa ating lalawigan.
​Maraming salamat kina Mayor Anne Lorraine Adorable-Inton, MSWDO Chasmalin Francisco, at sa lahat ng mga magulang na nakiisa! 🀝❀️
​

Address

Balanga
2100

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bataan EduChild posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share