11/06/2026
Bilang bahagi ng pagsusulong ng mga programang pangkalusugan sa bayan, isinagawa ang Bloodletting Activity na may temang “Daya Ku, Bie Mu” sa pakikipagtulungan ng Municipal Health Office, Rotary Club of Villa de Bacolor, at JBL Memorial General Hospital.
Lubos na pasasalamat sa RHU Bacolor sa pangunguna ni Dra. Esperanza Hernandez, kasama sina Hon. Jude Edward Datu, Hon. Aiza Mae Cunanan, at Hon. Renz Louie Canlas, gayundin kina Kap. Elma David ng Brgy. Sta. Barbara, Kap. Joel Pineda ng Brgy. Mesalipit, at Kap. Mishil Turla ng Brgy. Talba. Taos-puso rin ang aming pasasalamat sa lahat ng blood donors na naging bahagi ng matagumpay na programa. Ang inyong pakikilahok ay malaking tulong sa ating komunidad.