29/10/2025
OPISYAL NA PABATID MULA SA SANGGUNIANG KABATAAN NG BARANGAY VILLA ILAYA๐ข
Isang taos-pusong pasasalamat sa ating mga kabataan, sa Sangguniang Barangay sa ilalim ng pamumuno ni Kgg. Alfredo V. Repaso, at sa SK Federation ng Atimonan sa ilalim ng pamumuno ni Kgg. Rachel Lavilla gayundin sa tagapag ingat-yaman ng pederasyon na si Kgg. Aaron De Guzman sa patuloy na pagtitiwala at pagsuporta.
Ipinapaabot namin ang magandang balita na sa isinagawang pagsusuri ng Commission on Audit (COA), ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Villa Ilaya ay walang natanggap na Audit Observation Memorandum (AOM) at walang findings sa Statement of Allotment, Obligations, and Reimbursement (SAOR) na nangangahulugang nagamit ng tapat at maayos ang pondo ng kabataan ng walang anumang anomalya para sa taong 2024 na panunungkulan ni SK Chairperson Karl Andrei V. Prudente.
Sa 39 Barangay na mayroong Sangguniang Kabataan sa Atimonan, tanging SK Villa Ilaya lamang ang walang AOM at findings mula sa COA.
Hindi ito bilang pagmamayabang, kundi isang pabatid upang maipakita ang transparency at integridad sa lahat ng aming naging financial transactions sa taong 2024, isang patunay na ang pondo ng kabataan ay nagastos nang tama, maayos, at walang anumang anomalya. Sapagkat:
โAng tunay na pamumuno ay hindi lamang nasusukat sa dami ng proyekto, kundi sa katapatan sa bawat sentimong tiwala ng taumbarangay.โ