iAtimonan Online Transparency Portal

  • Home
  • iAtimonan Online Transparency Portal

iAtimonan Online Transparency Portal Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from iAtimonan Online Transparency Portal, Public & Government Service, New Municipal Bldg. Brgy. Zone III Poblacion Atimonan, Quezon, .
(1)

Ang iAtimonan Online Transparency Portal ay isang hakbang ng Lokal na Pamahalaan upang ipakita ang Transparency at Accountability sa mga programa nitong isinasagawa mula sa buwis ng ating mga kababayan para sa kagalingan at kaayusan ng bayan ng Atimonan.

Upang patatagin ang mga gilid ng mga anyong tubig gaya ng ilog sa tuwing dumarating ang masamang panahon ay nagkaroon ng...
06/10/2022

Upang patatagin ang mga gilid ng mga anyong tubig gaya ng ilog sa tuwing dumarating ang masamang panahon ay nagkaroon ng Flood and Erosion Control Project na may habang nasa 54 meters sa Brgy. San Andres Labak, Sitio Bayanan sa ilalim ng administrasyon ng ating Punumbayan, Mayor Ticoy Mendoza.

Ito ay isang pamamaraan sa pagkontrol ng pagguho ng lupa sa pamamagitan ng mga retaining wall upang maiwasan ang pag-awas ng tubig, gayundin ang pagkaubos ng lupa sa gilid ng ilog na lubhang delekado sa mga naninirahan malapit dito.

Ang pagawaing ito ay sinimulan noong buwan ng Enero taong 2019 at natapos noong buwan ng Pebrero ng parehong taon. Ang proyektong ito ay pinaglaanan ng budget na nagkakahalagang 590,000.00 pesos na galing sa MDRRM Fund 2018 at matapos ang pagsasagawa nito ay naitala na ang aktwal na kabuohang halaga ng nagastos ay 571,730.00 pesos.


Isang open canal na may habang nasa 100 meters sa bahagi ng Brgy. Malusak Purok Bagong Sikat ang isinaayos sa ilalim ng ...
29/09/2022

Isang open canal na may habang nasa 100 meters sa bahagi ng Brgy. Malusak Purok Bagong Sikat ang isinaayos sa ilalim ng panunungkulan ng ating na Punumbayan, Mayor Ticoy Mendoza. Dito ay mas pinalalim at pinaganda ang nasabing kanal upang masolusyonan ang pag-overflow ng tubig sa mga kabahayan tuwing bumubuhos ang malakas na ulan.

Ang nasabing proyekto ay sinimulang gawin noong buwan ng Nobyembre taong 2018 at natapos noong buwan ng Disyembre ng parehong taon. Ang istruktura ng Flood Control Project ay idinisenyo upang mahawakan ang malalaking volume ng tubig sa matagal na panahon. Ito ay pinaglaanan ng budget na nagkakahalagang 281,500.00 pesos na mula sa MDRRM Fund 2018. Matapos ang pagsasagawa nito ay nasa 270,620.00 pesos ang naitalang aktwal na kabuohang halaga ang nagastos.


Ang pagpapagawa ng mga pampublikong imprastraktura ay isa sa mga proyekto ng lokal na pamahalaan, kaya naman sa ilalim n...
07/07/2022

Ang pagpapagawa ng mga pampublikong imprastraktura ay isa sa mga proyekto ng lokal na pamahalaan, kaya naman sa ilalim ng administrasyon ng ating Punumbayan, Mayor Ticoy Mendoza ay nagkaroon ng Rehabilitation and Provision of Sidewalks sa Juez Andres Street Brgy. Zone 4 Poblacion.

Ang nasabing sidewalk ay may sapat na lapad, gutter at bubong na masisilungan. Ang mga bangketa o sidewalks ay mahalaga dahil ito ay nagsisilbing lugar na lalakaran ng mga tao, ganun din upang hindi na sila maglakad sa kalsada na syang daanan ng mga sasakyan.

Ito ay sinimulang gawin noong buwan ng August taong 2018 at natapos noong buwan ng December taong 2020. Ito ay pinaglaanan ng budget na nagkakahalagang 5,000,000.00 na galing sa 20% MDF 2018, at matapos ang pagsasagawa nito ay naitala na ang aktwal na kabuohang halaga ng nagastos ay 4,989,223.00.


Naniniwala si Mayor Ticoy Mendoza na ang pagsasaayos ng mga lokal na daang kalsada ay magbibigay ng ginhawa at ligtas na...
01/07/2022

Naniniwala si Mayor Ticoy Mendoza na ang pagsasaayos ng mga lokal na daang kalsada ay magbibigay ng ginhawa at ligtas na biyahe para sa mga residente at mga motoristang dumadaan rito, kaya naman sa ilalim ng kanyang administrasyon ay nagkaroon ng Construction of Local Access Roads sa Brgy. Tinandog.

Ang nasabing kalsada ay may sukat na 158.00 ang haba, 2.00 ang lapad, at 0.152 ang kapal. Ito ay sinimulang gawin noong buwan ng Setyembre taong 2018 at natapos noong buwan ng Oktubre taong 2018 din. Ang nasabing proyekto ay pinondohan ng nagkakahalagang 350,000.00 na mula sa 20% MDF 2018 at ang aktwal na halaga ng pondong nagamit sa pagpapagawa ng proyekto ay 345,890.00.


May mga lugar sa Atimonan ang nakararanas ng madilim na kalsada dahil sa kakulangan ng mga ilaw o street lights at isa n...
23/06/2022

May mga lugar sa Atimonan ang nakararanas ng madilim na kalsada dahil sa kakulangan ng mga ilaw o street lights at isa na dito ang Brgy. Inaclagan, kaya naman sa administrasyon ng ating Punumbayan, Mayor Ticoy Mendoza ay nagkaroon ng Installation ng walong ( 8 ) sets ng Streetlights & Posts with Pedestal sa Brgy. Inaclagan na sinimulang gawin noong buwan ng Hunyo taong 2018 at natapos noong mismong buwan ng Hunyo taong 2018 din.

Ang proyektong ito ay nilaanan ng budget na 100,000.00 na mula sa 20% MDF 2018, at nang matapos ang pagsasagawa nito ay naitala na ang kabuuhang halaga ng nagastos dito ay 86,790.00. Malaki ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mga street lights sa ating mga barangay upang walang lakas ng loob ang mga kriminal na isagawa ang kanilang masamang balak at hindi na rin matatakot ang ating mga kababayan na maglakad sa gabi dahil maliwanag na ang mga lugar na kanilang dadaanan.

Isa sa adhikain ni Mayor Ticoy Mendoza ang magkaroon ng maayos na pasilidad ang mga tanggapan ng lokal na pamahalaan par...
16/06/2022

Isa sa adhikain ni Mayor Ticoy Mendoza ang magkaroon ng maayos na pasilidad ang mga tanggapan ng lokal na pamahalaan para sa mas mahusay na pagseserbisyo sa mamamayan ng Atimonan kaya naman sa ilalim ng kanyang panunungkulan ay nagkaroon ng Asphalt Membrane for Roofing of the MDRRM Operation Center & BFP Multi-Purpose sa Brgy. Zone I Poblacion na sinimulang gawin noong buwan ng Marso taong 2019 at natapos sa parehong buwan at taon.

Ang proyektong ito ay pinondohan ng nagkakahalagang 300,000.00 mula sa SAIP 2018 at ang aktwal na halaga ng pondong nagamit matapos ang pagsasagawa nito ay 296,650.00. Malaking tulong ang pag aaspalto at pagpapaganda dito upang maprotektahan at mapatibay ang gusali sa ilalim at upang maiwasan ang pagpasok ng tubig sa gusali.


Nababatid ni Mayor Ticoy Mendoza na dapat maihanda ang ating lokal na pamahalaan pagdating sa maayos na pag-iingat at pa...
26/05/2022

Nababatid ni Mayor Ticoy Mendoza na dapat maihanda ang ating lokal na pamahalaan pagdating sa maayos na pag-iingat at pamamahala ng mga kagamitan, kaya naman sa ilalim ng kanyang administrasyon ay nagkaroon ng Construction of Multi-Purpose Building sa Brgy. Talaba.

Ang konstruksyon nito ay pinaglaanan ng budget na nagkakahalagang 2,500,000.00 na mula sa 20% MDF 2018 at ang aktwal na halaga ng pondong nagamit sa pagpapagawa ng proyekto ay 2,475,555.00. Nagsimulang gawin ito noong January 2019 at natapos noong December 2019 at ito ay may sukat na 560 square meter.

Sa kasalukuyan, ang nasabing Multi-purpose Building ay nagsisilbing Municipal Warehouse ng ating lokal na pamahalaan na naglalaman ng agricultural at hardware materials. Nakatakda din itong gamitin bilang storage ng mga tanggapan ng ating LGU kung saan ang bawat tanggapan ay may nakalaang espasyo para sa organisadong pag-iingat ng kanilang mga kagamitan.


Proyekto para sa kagalingan ng bawat mamamayan, ito ang layunin ng paglaanan ng pondo ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng A...
12/05/2022

Proyekto para sa kagalingan ng bawat mamamayan, ito ang layunin ng paglaanan ng pondo ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Atimonan sa pamumuno ni Mayor Ticoy Mendoza ang pagkumpleto sa konstraksyon ng isang Multi-Purpose Building para sa Brgy. Lubi noong unang quarter ng taong 2019.

Ang nasabing pagkumpleto sa nasabing gusali ay sinimulan gawin buwan ng Enero at natapos noong Pebrero 2019. Pinaglaanan ito ng pondo buhat sa SAIP 2018 na nagkakahalaga na 300,000.00 Php., ang aktwal na halagang nagamit sa nasabing gusali ay nagkakahalaga ng 292,289.00 Php.

Sa kasalukuyan ang natapos ng Multi-purpose Buidling ay nagsisilbing Daycare Center ng Brgy. Lubi at kanlungan upang hubugin ang murang kaisipan ng susunod na henerasyon ng ating bayan.


Nagkaroon ng Improvement of Multi-Purpose Covered Hall sa Brgy. San Rafael sa ilalim ng administrasyon ni Mayor Ticoy Me...
05/05/2022

Nagkaroon ng Improvement of Multi-Purpose Covered Hall sa Brgy. San Rafael sa ilalim ng administrasyon ni Mayor Ticoy Mendoza kaya naman labis ang pasasalamat ng mga residente dahil ang multi-purpose building na pinaayos para di na muling mabasa at pumasok ang sikat ng araw sa loob ng bulwagan ay nakakatulong upang magamit sa iba't-ibang mga kaganapan o aktibidad.

Ang nasabing gusali ay inumpisahang ipaayos noong buwan ng Oktubre taong 2018 at natapos sa parehong buwan at taon. Mabilis ang implementasyon ng pagpapaayos nito upang agad itong magamit ng mga mamamayan ng barangay. Ang proyektong ito ay pinondohan ng nagkakahalagang 300,000.00 mula sa 20% MDF 2018 at ang aktwal na halaga ng pondong nagamit matapos ang pagsasagawa nito ay 278,035.00.


Construction of Local Roads sa parte ng Brgy. San Isidro isinagawa sa ilalim ng administrasyon ng ating visionary na Pun...
21/04/2022

Construction of Local Roads sa parte ng Brgy. San Isidro isinagawa sa ilalim ng administrasyon ng ating visionary na Punumbayan, Mayor Ticoy Mendoza. Ang kalsadang papuntang Sitio Lavides na bato-bato, lubak-lubak kapag tag-araw, maputik naman kapag tag-ulan, at may delikadong bahagi dahil paahon, ay naging maayos at nakakatulong ng malaki sa mga residente. Sa kasalukuyan ay madali na ang pag-access sa mga pamilihan at serbisyo tulad ng kabuhayan, panlipunan, at marami pang iba dahil madaraanan papunta dito ang Maharlika Highway na pangunahing daan kapag pupunta sa kabayanan.

Ang nasabing kalsada ay may sukat na 91.00 ang haba, 3.60 ang lapad, at 0.152 ang kapal. Ang konstruksyon nito ay pinaglaanan ng budget na nagkakahalagang 350,000.00 na mula sa 20% MDF 2018 at ang aktwal na halaga ng pondong nagamit sa pagpapagawa ng proyekto ay 331,755.00. Ito ay sinimulang gawin noong buwan ng Setyembre taong 2018 at mabilis na natapos noong buwan ng Oktubre taong 2018 din.


Isang maayos na drainage canal system sa bahagi ng Leon Guinto Boulevard, Brgy. Zone I Poblacion ang isinaayos sa ilalim...
06/04/2022

Isang maayos na drainage canal system sa bahagi ng Leon Guinto Boulevard, Brgy. Zone I Poblacion ang isinaayos sa ilalim ng panunungkulan ni Mayor Ticoy Mendoza. Malaking tulong ito upang maiwasan at makontrol ang pagbaha lalo na kapag tag-ulan.

Ang nasabing proyekto ay sinimulang gawin noong buwan ng Setyembre taong 2017 at natapos noong buwan ng Enero taong 2018. Ito ay pinaglaanan ng budget na nagkakahalagang 500,000.00 na galing sa 20% Municipal Development Fund 2017 at matapos ang pagsasagawa nito ay naitala na ang aktwal na kabuohang halaga ng nagastos ay 483,590.19.


Sa ilalim ng administrasyon ng ating visionary na Punumbayan, Mayor Ticoy Mendoza ay nagkaroon ng Concreting of Barangay...
11/03/2022

Sa ilalim ng administrasyon ng ating visionary na Punumbayan, Mayor Ticoy Mendoza ay nagkaroon ng Concreting of Barangay Road sa kritikal na bahagi ng Brgy. Inaclagan. Ito ay sinimulang gawin noong buwan ng Hunyo taong 2017 at natapos noong buwan ng Agosto taong 2017 din. Ang nasabing proyekto ay pinondohan ng nagkakahalagang 500,000.00 na mula sa Continuing Appropriation (SAIP NO. 1-2016) at ang aktwal na halaga ng pondong nagamit sa pagpapagawa ng proyekto ay 409,835.00.

Sa kasalukuyan, ang Lokal na Pamahalaang ay naglaan ng 5 Milyong Pisong pondo upang muling maipagpatuloy ngayong taon ang pagsasaayos ng iba pang kritikal na bahagi ng kalsadang lubak-lubak sa Brgy. Inaclagan na lubhang maputik kapag tag-ulan. Ang proyektong ito ay inaasahang makatulong upang magkaroon ng madali at ligtas na pag-access sa mga dumadaan.


Address

New Municipal Bldg. Brgy. Zone III Poblacion Atimonan, Quezon

4331

Opening Hours

Monday 08:00 - 17:00
Tuesday 08:00 - 17:00
Wednesday 08:00 - 17:00
Thursday 08:00 - 17:00
Friday 08:00 - 17:00

Telephone

+639704790366

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when iAtimonan Online Transparency Portal posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to iAtimonan Online Transparency Portal:

  • Want your organization to be the top-listed Government Service?

Share