27/03/2026
TIPID TIPID SA GITNA NG KRISIS โ Lokal na pamahalaan ng Araceli, magpapatupad ng pagtitipid sa gitna ng krisis
Magpapatupad ng โausterity measuresโ ang lokal na pamahalaan ng Araceli upang higpitan ang gastusin at matiyak na mapupunta ang pondo sa mga programang direktang makikinabang ang mga residente, ayon kay Mayor Sue S. Cudilla.
Ipinatupad ang Executive Order No. 26, Series of 2026, na nagbabawal sa anumang luho at hindi kinakailangang gastos sa lahat ng departamento. โAusterity muna tayo sa ngayon, sana naiintindihan naman ng lahat, okay naman po. Hindi pa po mararamdaman sa ngayon, bago pa kasi, ako naman nakikiramdam naman po,โ ayon kay Cudilla.
Binigyang-diin ng alkalde na sa gitna ng fuel crisis at hamon sa ekonomiya, ang bawat sentimong matitipid sa kuryente, papel, at travel ay magsisilbing dagdag pondo para sa mga priority development programs ng mga pamilyang taga-Araceli.
Nagbabala rin siya sa mga opisina na hindi susunod sa bagong polisiya. โMako-callout naman ang attention nila pagka-ganun, although Executive order lang naman ito, syempre dadaan naman sa opisina ko ang mga vouchers and everything, machi-check pa rin talaga,โ dagdag ni Cudilla.
Kasama sa mga patakaran ang limitasyon sa opisyal na biyahe, โspending capโ sa pagkain (โฑ200 kada meal at โฑ75 para sa snacks), pagtigil sa pagbili ng mamahaling seminar kits at bags, at itinakdang oras ng paggamit ng aircon mula 9:00 AM hanggang 4:00 PM lamang. Target din ang 20% bawas sa paggamit ng papel sa pamamagitan ng digitalization at tamang paggamit ng mga sasakyan ng gobyerno.
Ayon sa Municipal Budget Office, inaasahang magdudulot ang mga hakbang na ito ng 10% hanggang 20% na kabuuang savings sa operasyon ng LGU. Magsasagawa rin ng quarterly monitoring ang Budget, Accounting, at Planning Office upang matiyak ang pagsunod ng lahat ng tanggapan sa bayan.
โvia RUIL ALABI