16/03/2026
WHY I QUIT BEING A DIE-HARD DUTERTE SUPPORTER (DDS)
This is probably one of the hardest things I have to admit publicly. For years, I proudly called myself a DDS. I defended him in arguments, I shared posts supporting him, and I even mocked those who criticized him. But today, I want to be honest with myself and with everyone.
I quit.
Hindi ito dahil may kapalit akong sinusuportahan. Hindi rin dahil gusto kong makisabay sa kung ano ang uso. I quit because I realized I am no longer the person I used to be before Duterte came into power.
⸻
Dati hindi ako ganito
Before all of this, I was a different person.
Masaya akong naglilingkod sa simbahan. I valued faith, humility, and kindness. Those were the things I believed in.
Pero dumating ang panahon na narinig ko mismo si Digong say that my God is a “stupid God” because He was crucified on the cross.
Blasphemy iyon.
Bilang Kristiyano, dapat doon pa lang tumayo na ako at nagsalita.
Pero dahil sa fanaticism, I chose to keep my eyes blind and my ears deaf.
Mas masakit pa, isa pa ako sa tumatawa.
⸻
Unti-unti akong nagbago… at hindi sa magandang paraan
Dati galit ako sa mga taong palamura at bastos magsalita. I believed leaders should speak with dignity.
Pero nung si Digong ang gumagawa nito, okay lang sa akin kasi idol ko siya.
Hanggang sa napansin ko, naging normal na lang ang pagmumura sa TV.
Even kids and minors started copying it because they saw it from someone in power.
At doon ko naisip:
Ganito ba dapat ang example ng isang lider?
⸻
The War on Drugs
Isa ako sa sumuporta sa War on Drugs noon. I believed drugs were destroying the country and something had to be done.
Pero habang tumatagal, may realization ako:
Drugs ang dapat patayin, hindi tao.
Ang ugat ng problema ay ang drug lords, pero bakit parang ang namamatay ay puro mahihirap na adik at pushers?
May mga pangalan na matagal nang kilala ng publiko, pero bakit parang walang nangyari?
At doon ko naintindihan kung bakit sinasabi ng iba na “War on Poor.”
Unti-unting naging normal ang balita ng patayan.
Naging normal ang karatulang may nakasulat na:
“Adik ako, wag tularan.”
At kapag may napapatay o nasasalvage, ang unang assumption ng lahat:
“Adik siguro.”
Kahit wala namang ebidensya.
Ang mas masakit, may mga inosenteng nadamay.
May batas pa rin tayo sa bansa.
Kahit may kasalanan ang isang tao, due process should still exist.
Pero dahil sa pride ko bilang supporter, nanahimik ako.
Then I realized something painful:
If you stay silent when you know something is wrong, you are siding with that wrong.
⸻
Ang Pilipinas at ang mga isla natin
Mahal ko ang Pilipinas.
Pero may mga pagkakataon na nalito ako kung bakit parang handang ibigay ang mga isla natin.
I even heard statements that sounded like we might as well become a province of China.
Masakit iyon pakinggan bilang Pilipino.
Para itong harap-harapang pagtataksil sa sariling bayan.
Pero nanahimik pa rin ako.
Hindi dahil tama iyon.
Kundi dahil ayokong mapahiya sa mga kaibigan kong DDS din.
⸻
Mga bagay na hindi ko na kayang ipagtanggol
There were also statements and actions that made me deeply uncomfortable.
May mga biro tungkol sa r**e, may mga bastos na jokes kahit tungkol sa mga biktima.
May pagkakataon pa na pati ang madreng nir**e at pinatay ay ginawan pa ng biro.
At oo…
isa ako sa tumawa noon.
Pero habang iniisip ko ngayon, nakakahiya at nakakadiri pala iyon.
⸻
Napagtanto ko na nagbago ako
Patong-patong ang mga pangyayaring ito hanggang sa dumating ako sa isang realization:
Hindi naman ako ganito dati.
I have morals.
I hate violence.
I hate r**e jokes.
Ayoko sa mamatay-tao.
Ayoko sa palamura.
Ayoko sa hambog, arogante, at feeling Diyos.
Pero bakit parang naging normal na lang sa akin ang lahat ng iyon?
⸻
Ang kultura ng blind loyalty
Mas lalo akong nalungkot nang makita ko ang ilang pages at groups na dati kong kinabibilangan.
Kahit may malinaw na mali, pinagtatanggol pa rin nila.
Lalo na sa mga recent issues kung saan may pangbabastos sa babae.
You can support a politician, yes.
But you should never justify immorality just because it came from someone you support.
May mga kapatid kayong babae.
May mga nanay kayo.
May mga anak na babae.
So bakit okay lang sa inyo ang pangbabastos?
⸻
This is my wake-up call
Doon ko napagtanto ang isang masakit na katotohanan:
Hindi lang ang lider ang nagbago sa kultura… pati ang mga followers.
Marami sa amin ang naging:
• mas bastos
• mas mapanlait
• mas walang empathy
At tinatanong ko ang sarili ko:
Bakit tayo nagkaganito?
⸻
My decision
So today, I am choosing to step away.
I quit being a die-hard Duterte supporter.
Hindi na ito aligned sa morals at values na pinaniniwalaan ko.
Hindi ko na kayang ipagtanggol ang mga bagay na alam kong mali.
⸻
Babawi ako
To my fellow Filipinos, lalo na sa mga nasaktan ng mga polisiya at salita na minsan kong ipinagtanggol:
I’m sorry.
Babawi ako.
I will try to be a better citizen.
I will try to think critically.
And I will never again allow blind loyalty to replace my conscience.
Mahal ko ang Pilipinas.
At kung naging bahagi man ako ng dahilan kung bakit naluklok sa kapangyarihan ang isang sick man, humihingi ako ng tawad.
This time, I choose conscience over fanaticism.
Padayon, Pilipinas. 🇵🇭😭
CTTO:
IKAW KABAYAN KAILAN KA MAGIGISING SA PAGIGING PANATIKO?...PANAHON NA PARA BAGUHIN MO ANG PAGKATAO MO DAHIL MALI ANG ANG INIIDOLO MO!....