Bayung Pulung Cacutud Page

Bayung Pulung Cacutud Page Official source of Information, News, Advisories and Educational Campaign of the Local Government of Bayung Pulung Cacutud.

Ang pahinang ito ay para sa mga naninirahan sa Pulung Cacutud para sa kanilang mga komento o nais malaman sa ating Barangay.

MAHALAGANG PAALALA SA WASTONG PAGTATAPON NG BASURA โ™ป๏ธ๐Ÿš›Mula sa Pamunuan ng Sangguniang Barangay Pulung Cacutud, patuloy p...
27/08/2026

MAHALAGANG PAALALA SA WASTONG PAGTATAPON NG BASURA โ™ป๏ธ๐Ÿš›

Mula sa Pamunuan ng Sangguniang Barangay Pulung Cacutud, patuloy po nating ginagawa ang lahat ng paraan upang matugunan ang problema sa mga basurang naiipon sa ating barangay.

Dahil sa hirap at limitadong bilang ng mga truck na maaaring maghatid ng basura sa dumpsite, nagpasya po ang ating Pamunuan na kumuha ng pribadong hauler upang makatulong sa agarang paghakot at paglilinis ng mga basurang nakatambak sa ating mga lugar.

Ginagawa po natin ito upang mapanatili ang kalinisan, kaayusan at kaligtasan ng ating barangay. Hinihiling po namin ang pang-unawa at pakikiisa ng bawat residente habang inaayos natin ang kasalukuyang sitwasyon sa waste collection.

โš ๏ธ MAHIGPIT NA PAALALA: BAWAL NA PO ANG PAGTATAPON NG BASURA SA PULU BASE.

Ang Pulu Base ay hindi dumping area at hindi po dapat gawing tapunan ng basura. Anumang pagtatapon ng basura sa ipinagbabawal na lugar ay maaaring magresulta sa kaukulang multa at parusa alinsunod sa mga umiiral na ordinansa at batas.

๐Ÿ™ Sa halip na magtapon kung saan-saan, hinihikayat ang lahat na:
โœ… Itapon ang basura sa tamang lugar at sa itinakdang oras.
โœ… Iwasang mag-iwan ng basura sa kalsada, bakanteng lote, creek at iba pang pampublikong lugar.
โœ… Makipagtulungan sa mga isinasagawang paghakot at paglilinis ng barangay.
โœ… Ipaalam agad sa Barangay ang mga nakikitang illegal dumping o maling pagtatapon ng basura.

Ang kalinisan ng ating barangay ay hindi lamang responsibilidad ng Pamunuan ng Barangayโ€”responsibilidad nating lahat. ๐Ÿ’š

Malaking tulong po ang inyong disiplina at pakikiisa upang mapanatili nating malinis, maayos at ligtas ang Pulung Cacutud.

Walang ibang dapat sisihin sa maruming barangay kung hindi tayo mismo ay makikiisa.

Magtulungan po tayo.โ™ป๏ธ๐ŸŒฟ

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at patuloy na pakikiisa.

โ€” Pamunuan ng Sangguniang Barangay Pulung Cacutud
Punong Barangay Kap. Francisco N. Cura at Sangguniang Barangay

27/08/2026

Maligayang Kaarawan, Cong. Pogi! ๐ŸŽ‰๐ŸŽ‚๐ŸŽˆ

Taos-puso po ang aming pagbati ng Maligayang Kaarawan kay Congressman Carmelo โ€œPOGIโ€ Lazatin Jr.!

Sa espesyal na araw na ito, nais po naming ipaabot ang aming taos-pusong pasasalamat sa inyong patuloy na malasakit, suporta, at tapat na paglilingkod para sa ating mga kababayan. Ang inyong walang sawang pagsusumikap at pagtugon sa pangangailangan ng ating mga komunidad ay tunay na malaking tulong at inspirasyon sa marami.

Nawaโ€™y patuloy kayong pagkalooban ng Panginoong Diyos ng mabuting kalusugan, mahabang buhay, karunungan, lakas, at higit pang tagumpay upang maipagpatuloy ninyo ang inyong makabuluhang paglilingkod sa ating mga kababayan. ๐Ÿ™โค๏ธ

Dalangin po namin na maging makabuluhan, masaya, at puno ng biyaya ang inyong kaarawan kasama ang inyong pamilya, mga kaibigan, at mga taong patuloy na sumusuporta sa inyong adhikain.

Muli, Maligayang Maligayang Kaarawan po, Cong. Pogi!

Mula po kay Punong Barangay Francisco N. Cura, sa Sangguniang Barangay, at sa buong Pulung Cacutud Employees Family, maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta at malasakit sa ating Barangay Pulung Cacutud.

Happy Birthday, Cong. Pogi! God bless you always!
Mabuhay po kayo at ang inyong patuloy na paglilingkod sa ating mga kababayan! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญโค๏ธ






๐Ÿ“ข PAALALA SA LAHATKung sino man po ang nakakakilala sa batang nakita sa District 4, Pulung Cacutud, ang bata po ay na-tu...
26/08/2026

๐Ÿ“ข PAALALA SA LAHAT

Kung sino man po ang nakakakilala sa batang nakita sa District 4, Pulung Cacutud, ang bata po ay na-turn over na sa Pulu Base, Pulung Cacutud para sa kanyang kaligtasan.

Sa mga magulang o kamag-anak po ng bata, mangyari lamang pong agad na pumunta sa Pulu Base, Pulung Cacutud upang makuha at makasama na muli ang bata.

Paki-share po ang post na ito upang mas mabilis nating mahanap ang pamilya ng bata. ๐Ÿ™

Maraming salamat po sa inyong tulong at pakikiisa. โค๏ธ

COURTESY VISIT SA TANGGAPAN NG PUNONG BARANGAY Isang mainit at magiliw na pagtanggap ang isinagawa sa tanggapan ng Punon...
24/08/2026

COURTESY VISIT SA TANGGAPAN NG PUNONG BARANGAY

Isang mainit at magiliw na pagtanggap ang isinagawa sa tanggapan ng Punong Barangay Kap. Francisco N. Cura para sa courtesy visit nina Mr. David S. Praza, , at Mr. Michael Angelo D. Colle ng Angeles Electric Corporation.

Nagkaroon ng makabuluhang pag-uusap at pagpapalitan ng mga ideya hinggil sa mga usapin at pangangailangan ng ating barangay, lalo na sa mga bagay na may kaugnayan sa serbisyo ng kuryente, koordinasyon, at patuloy na pagtutulungan para sa kapakanan ng ating mga residente.

Ang ganitong mga pagbisita ay mahalagang bahagi ng pagpapatibay ng ugnayan sa pagitan ng ating barangay at mga katuwang na institusyon at organisasyon. Sa pamamagitan ng maayos na komunikasyon at koordinasyon, mas napapadali ang pagtugon sa mga concern at pangangailangan ng ating komunidad.

Maraming salamat po kina Mr. David S. Praza at Mr. Michael Angelo D. Colle sa inyong oras, pagbisita at pakikipag-ugnayan sa Barangay Pulung Cacutud.

Patuloy nating isinusulong ang maayos na serbisyo, bukas na komunikasyon, at pagkakaisa para sa mas ligtas, maunlad at progresibong Barangay Pulung Cacutud.

Maraming salamat po at mabuhay ang Barangay Pulung Cacutud!






MATAGUMPAY NA SENIOR NIGHT 2026 โ€“ PULUNG CACUTUD!Isang napakasaya, makulay at puno ng tawanan ang naging Senior Night Pu...
24/08/2026

MATAGUMPAY NA SENIOR NIGHT 2026 โ€“ PULUNG CACUTUD!

Isang napakasaya, makulay at puno ng tawanan ang naging Senior Night Pulung Cacutud 2026, na ginanap noong Agosto 22, 2026 sa EPZA Covered Court!

Ang tagumpay ng gabing ito ay bunga ng sipag, dedikasyon at pagtutulungan ng Senior Citizens Association Officers โ€“ Pulung Cacutud Chapter, sa pangunguna ni:

๐Ÿ‘ค President: Rodolfo R. Esguerra
๐Ÿ‘ค Vice President: Helen C. Sangil
๐Ÿ‘ค Secretary: Gloria F. Catacutan
๐Ÿ‘ค Treasurer: Angelica A. Jose
๐Ÿ‘ค Auditor: Quirino C. Tayag Jr.
๐Ÿ‘ค PIO 1: Dante S. Montecalvo
๐Ÿ‘ค PIO 2: Romeo M. Paras

๐Ÿ‘ Board of Directors:
Joel F. Ocampo โ€ข Angelo T. Santos โ€ข Olivia D. Macapagal โ€ข Endrica B. Anicete โ€ข Jemima C. Mamangun โ€ข Violeta C. Rodriguez โ€ข Maria G. Macapagal โ€ข Alfredo N. Angeles โ€ข Vilma S. Mendoza โ€ข Vilma M. Nuqui โ€ข Mercedes S. Bondoc โ€ข Elvira D. Franco โ€ข Josephine B. Pascual โ€ข Lorna T. Paguio โ€ข Andrea N. Galingan

๐Ÿ†โœจ FACE OF THE NIGHT
๐Ÿ‘‘ Male โ€“ Reynaldo Melo
๐Ÿ‘‘ Female โ€“ Enrica Anicete

โญโœจ STAR OF THE NIGHT
๐ŸŒŸ Male โ€“ Alfredo Angeles
๐ŸŒŸ Female โ€“ Vilma Nuqui

Dumalo at nakisaya rin sina Kap. Francisco N. Cura, Kagawad Jomel P. Capili, Kagawad Angelito โ€œBoyโ€ Manansala, at Kagawad Moises Israel D. Cunanan.

Taos-pusong pasasalamat din sa ating masisipag na Admin Staff na sina Cherry Umali, Jacobin Maguigad, Anthony Calinao, Chersey Carbungco, at Mark Angelo Paras sa kanilang oras, tulong at buong pusong suporta upang maging matagumpay ang okasyong ito.

Sa lahat ng naging bahagi ng Senior Nightโ€”maraming maraming salamat!

Ang Senior Night ay hindi lamang tungkol sa saya at paligsahan, kundi tungkol sa pagkakaisa, pagkakaibigan at pagpapahalaga sa ating mga minamahal na senior citizens.

Mabuhay ang Senior Citizens Association โ€“ Pulung Cacutud Chapter!
Mabuhay ang ating mga Senior Citizens!







MATAGUMPAY NA SENIOR NIGHT 2026 โ€“ PULUNG CACUTUD!Isang napakasaya, makulay at puno ng tawanan ang naging Senior Night Pu...
24/08/2026

MATAGUMPAY NA SENIOR NIGHT 2026 โ€“ PULUNG CACUTUD!

Isang napakasaya, makulay at puno ng tawanan ang naging Senior Night Pulung Cacutud 2026, na ginanap noong Agosto 22, 2026 sa EPZA Covered Court!

Ang tagumpay ng gabing ito ay bunga ng sipag, dedikasyon at pagtutulungan ng Senior Citizens Association Officers โ€“ Pulung Cacutud Chapter, sa pangunguna ni:

๐Ÿ‘ค President: Rodolfo R. Esguerra
๐Ÿ‘ค Vice President: Helen C. Sangil
๐Ÿ‘ค Secretary: Gloria F. Catacutan
๐Ÿ‘ค Treasurer: Angelica A. Jose
๐Ÿ‘ค Auditor: Quirino C. Tayag Jr.
๐Ÿ‘ค PIO 1: Dante S. Montecalvo
๐Ÿ‘ค PIO 2: Romeo M. Paras

๐Ÿ‘ Board of Directors:
Joel F. Ocampo โ€ข Angelo T. Santos โ€ข Olivia D. Macapagal โ€ข Endrica B. Anicete โ€ข Jemima C. Mamangun โ€ข Violeta C. Rodriguez โ€ข Maria G. Macapagal โ€ข Alfredo N. Angeles โ€ข Vilma S. Mendoza โ€ข Vilma M. Nuqui โ€ข Mercedes S. Bondoc โ€ข Elvira D. Franco โ€ข Josephine B. Pascual โ€ข Lorna T. Paguio โ€ข Andrea N. Galingan

๐Ÿ†โœจ FACE OF THE NIGHT
๐Ÿ‘‘ Male โ€“ Reynaldo Melo
๐Ÿ‘‘ Female โ€“ Enrica Anicete

โญโœจ STAR OF THE NIGHT
๐ŸŒŸ Male โ€“ Alfredo Angeles
๐ŸŒŸ Female โ€“ Vilma Tudla

Dumalo at nakisaya rin sina Kap. Francisco N. Cura, Kagawad Jomel P. Capili, Kagawad Angelito โ€œBoyโ€ Manansala, at Kagawad Moises Israel D. Cunanan.

Taos-pusong pasasalamat din sa ating masisipag na Admin Staff na sina Cherry Umali, Jacobin Maguigad, Anthony Calinao, Chersey Carbungco, at Mark Angelo Paras sa kanilang oras, tulong at buong pusong suporta upang maging matagumpay ang okasyong ito.

Sa lahat ng naging bahagi ng Senior Nightโ€”maraming maraming salamat!

Ang Senior Night ay hindi lamang tungkol sa saya at paligsahan, kundi tungkol sa pagkakaisa, pagkakaibigan at pagpapahalaga sa ating mga minamahal na senior citizens.

Mabuhay ang Senior Citizens Association โ€“ Pulung Cacutud Chapter!
Mabuhay ang ating mga Senior Citizens!







24/08/2026

๐Ÿ“ข PAALALA SA LAHAT!

Ipinapaalam po sa ating mga residente na pansamantalang isasara ang daan sa Barangay Hall, Purok 2, Barangay Pulung Cacutud simula Agosto 24, 2026, alas-10:00 ng gabi hanggang Agosto 26, 2026, alas-2:00 ng madaling-araw.

Ang pagsasara ng daan ay bahagi ng paghahanda at pagsasagawa ng YOUTH NIGHT. ๐ŸŽ‰๐ŸŽถ

Hinihiling po namin ang inyong pang-unawa at pakikiisa. Mangyaring gumamit ng ibang ruta upang maiwasan ang abala at panatilihing maayos at ligtas ang daloy ng trapiko.

Maraming salamat po sa inyong kooperasyon!

โ€” Barangay Pulung Cacutud

๐ŸŽ‰๐ŸŽ‚ MALIGAYANG KAARAWAN, KAGAWAD JOMEL CAPILI! ๐ŸŽ‚๐ŸŽ‰Taos-pusong pagbati ng Maligayang Kaarawan kay Kagawad Jomel Capili mula...
23/08/2026

๐ŸŽ‰๐ŸŽ‚ MALIGAYANG KAARAWAN, KAGAWAD JOMEL CAPILI! ๐ŸŽ‚๐ŸŽ‰

Taos-pusong pagbati ng Maligayang Kaarawan kay Kagawad Jomel Capili mula kay Punong Barangay Kap. Francisco N. Cura at sa buong Pulung Cacutud Barangay Council!

Nawaโ€™y maging puno ng saya, biyaya, magandang kalusugan, at tagumpay ang inyong espesyal na araw. Maraming salamat sa inyong patuloy na paglilingkod, dedikasyon, panahon, at malasakit sa ating mga kabarangay. Ang inyong pagiging aktibo at pakikiisa sa mga programa at gawain ng barangay ay malaking ambag sa patuloy nating pagsisikap na magkaroon ng mas maayos, mapayapa, at progresibong Pulung Cacutud.

Sa panibagong taon ng inyong buhay, nawaโ€™y patuloy kayong gabayan at pagpalain ng Panginoon sa bawat desisyon at hakbang na inyong tatahakin. Hiling namin ang inyong kalakasan upang patuloy ninyong magampanan ang inyong tungkulin bilang lingkod-bayan, kasama ang buong Barangay Council.

God bless you and your family always!

Mabuhay po kayo, Kagawad Jomel! Happy Birthday!






๐Ÿด๐ŸŽ‰ MAG-START NA PU ING FIESTANG FOOD BAZAAR 2026! ๐ŸŽ‰๐ŸดHanda na ba kayo, mga kabarangay? ๐Ÿ˜‹ Tara na at maki-fiesta, mamili a...
23/08/2026

๐Ÿด๐ŸŽ‰ MAG-START NA PU ING FIESTANG FOOD BAZAAR 2026! ๐ŸŽ‰๐Ÿด

Handa na ba kayo, mga kabarangay? ๐Ÿ˜‹ Tara na at maki-fiesta, mamili at tikman ang masasarap na pagkain at ibaโ€™t ibang produkto na siguradong magpapasaya sa inyong panlasa!

Masarap na pagkain, masayang bonding at maraming pagpipilian!

๐Ÿ“ FIESTANG FOOD BAZAAR 2026
Tara na, mga Ka Pulung Cacutud! See you there!

FIESTANG FOOD BAZAAR 2026 !
๐ŸŒญ๐ŸŒฏ๐ŸŸ๐Ÿค๐Ÿฃ๐ŸฅŸ๐Ÿง‡๐Ÿช๐Ÿฆ๐Ÿง๐Ÿง‹๐Ÿ›๏ธ

Get ready to indulge and explore! ๐Ÿคฉ

We proudly present our amazing lineup of merchants for this yearโ€™s bazaar โ€” bringing you a wide variety of ๐๐ซ๐ข๐ง๐ค๐ฌ, ๐ฆ๐จ๐ฎ๐ญ๐ก๐ฐ๐š๐ญ๐ž๐ซ๐ข๐ง๐  ๐Ÿ๐จ๐จ๐๐ฌ, ๐๐ž๐ฅ๐ข๐œ๐ข๐จ๐ฎ๐ฌ ๐ฉ๐š๐ฌ๐ญ๐ซ๐ข๐ž๐ฌ, ๐ญ๐š๐ฌ๐ญ๐ฒ ๐ฌ๐ง๐š๐œ๐ค๐ฌ, ๐œ๐จ๐Ÿ๐Ÿ๐ž๐ž, & ๐Š๐จ๐ซ๐ž๐š๐ง ๐Ÿ๐š๐ฏ๐จ๐ซ๐ข๐ญ๐ž๐ฌ ๐Ÿ‡ฏ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ฐ๐Ÿ‡ทโœจ

From sweet cravings to savory bites, siguradong satisfied ang bawat panlasa! ๐Ÿ˜‹๐Ÿ’ฏ

๐Ÿ“… ๐Ž๐ฉ๐ž๐ง๐ข๐ง๐ : AUGUST 22 | 4:00 PM
๐Ÿ“… ๐๐š๐ณ๐š๐š๐ซ ๐ƒ๐š๐ญ๐ž๐ฌ: August 22-28 | 4:00 PM - 1:00 AM
๐Ÿ“ ๐‹๐จ๐œ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง: EPZA( COVERED COURT)

Letโ€™s support our local businesses and make this fiesta even more special by visiting their booths! ๐Ÿ’–

SEE YOU AT FIESTANG APUNG GUSTIN FOOD BAZAAR 2026!

For Inquiries DM Jamaica Tuazon

๐Ÿ“ข ABISO PUBLIKOSarado po ang mga daan mula Kanto EPZA Covered Court hanggang sa School sa Agosto 23, 2026 (Linggo), mula...
22/08/2026

๐Ÿ“ข ABISO PUBLIKO

Sarado po ang mga daan mula Kanto EPZA Covered Court hanggang sa School sa Agosto 23, 2026 (Linggo), mula 3:00 AM hanggang 8:00 AM, bilang bahagi ng gaganaping KabataRUN Pulung Cacutud. ๐Ÿƒโ€โ™€๏ธ๐Ÿƒโ€โ™‚๏ธ

Pinapayuhan po ang lahat ng motorista at residente na gumamit ng alternatibong ruta at maglaan ng sapat na oras sa pagbiyahe.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakikiisa sa matagumpay at ligtas na pagdaraos ng ating programa.

KEEP SAFE PO SA LAHAT!



Address

Barangay Pulung Cacutud
Angeles City
2009

Telephone

+639190017155

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bayung Pulung Cacutud Page posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Bayung Pulung Cacutud Page:

Shortcuts

Share