30/03/2026
Modernong Pasilidad para sa Ani ng mga Magsasaka!
Malaking ginhawa para sa mga magsasaka sa Ramon, Isabela ang cold storage facility para sa maayos na imbakan hindi lamang ng sibuyas kundi pati ng iba pang high-value crops at gulay, gayundin ang drying pavement para sa pagpapatuyo ng palay—upang mapanatili ang kalidad nito, maiwasan ang pagkalugi, mapataas ang kita ng mga magsasaka, at matiyak ang sapat na suplay sa bansa.