10/02/2026
Lubos na nagpapasalamat ang Comod-om Elementary School sa Distrito ng Alcantara sa Department of Information and Communications Technology (DICT), sa butihing Sds Roger Capa katuwang ang aming PSDS Jose Ombao Garcia sa matagumpay na pagpapatupad ng Free Wi-Fi for All Program sa aming paaralan. Ang programang ito ay malaking tulong sa pagpapabuti ng access sa impormasyon at sa pagpapaigting ng makabagong pamamaraan ng pagtuturo at pagkatuto.
Sa pamamagitan ng libreng koneksyon sa internet, higit na napadali ang paggamit ng mga digital learning resources, online platforms, at komunikasyon sa loob ng paaralan, na lubos na nakatutulong sa mga mag-aaral, g**o, at kawani.
Muli, taos-puso po kaming nagpapasalamat sa DICT sa patuloy nitong suporta sa sektor ng edukasyon at sa adhikain nitong maihatid ang inklusibo at de-kalidad na serbisyong digital para sa lahat.