28/11/2023
Magandang araw po sa lahat! Ipinapabatid po sa lahat na gustong mag abroad na wala po tayong deployment sa Bansang Lebanon (Banned po ang Deployment and at the same time tayo po ay nasa alert Level 3 dahil sa kaguluhan sa Israel at Hamas). (Marami pong nahihikayat sa ating mga Kababayan ng mga illegal recruiters na pumunta ng Lebanon (lalabas ng bansa papuntang Malaysia o Hongkong saka pupunta ng Lebanon at ang iba ay mag co cross country galing ng Middle East Papangakuan po kayo na bibigyan ng Financial Assistance na 15k to 50k para mahikayat lamang na pumunta ng Lebanon at pagdating nyo ng Lebanon kayo ay magsisisi at dahil HINDI PO TOTOO LAHAT NG IYAN! Marami na pong naloko at napahamak. Kaya maging ismarte at alerto po kayo sa lahat ng oras dahil kaligtasan nyo ang nakataya! Mag verify po sa DMW kung ligal na recruiter ang inyong mga kausap. Huwag mag madali sa pag aabroad dapat magsiguro para sainyong kaligtasan. Maraming Salamat po.