16/08/2026
๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐
Ang pagpili ng Mythical Five ng Basud Basketball League 2026 ay isinagawa sa pamamagitan ng isang obhetibo at patas na pagsusuri sa OVERALL PERFORMANCE NG MGA MANLALARO SA BUONG LIGA, at HINDI LAMANG IBINATAY SA STANDING NG TEAM O SA KUNG UMABOT BA ANG ISANG MANLALARO SA SEMIFINALS.
Ang Mythical Five ay hindi kailangang limitado lamang sa mga manlalarong kabilang sa mga team na umabot sa semifinals. Ang mas patas na paraan ay ang pagsusuri sa bawat manlalaro batay sa kanilang kabuuang performance sa buong torneo.
PAANO NINYO NASASABING UNFAIR ANG PAGPILI NG MYTHICAL FIVE SA SENIOR CATEGORY? Dahil ba hindi nakabilang ang inyong paboritong mga manlalaro? Marami ang nagsasabing hindi naging patas ang pagpili ng Mythical Five, ngunit ang proseso ng pagpili ay NAKABATAY LAMANG SA OVERALL PERFORMANCE NG LAHAT NG MANLALARO SA BUONG LIGA. Kaya ang tanong namin: SAAN DITO NAGING UNFAIR?
MARAMING NAGREKLAMO AT NAGTANONG KUNG PAANO PINILI NG COUNCIL ANG MYTHICAL FIVE. PERO MAAARI BA NINYONG SABIHIN KUNG ANO MISMO ANG MALI SA DESISYON NA AMING GINAWA?
Bago kami nagsagawa ng pagpili, kumonsulta muna kami sa mga officials tungkol sa tamang batayan sa pagpili ng Mythical Five. Ipinaalam sa amin na maaaring ibatay ang pagpili sa overall performance ng mga manlalaro sa buong liga, at HINDI ITO LIMITADO LAMANG SA MGA MANLALARONG ANG TEAM AY UMABOT SA SEMIFINALS.
Sinunod namin ang gabay na iyon at sinuri ang performance ng mga manlalaro batay sa kanilang kabuuang performance sa buong liga, hindi batay sa personal na kagustuhan, team affiliation, popularity, o dahil lamang sa umabot o hindi umabot sa semifinals ang kanilang team.
SABIHIN NINYO SA AMIN: SAAN ANG PAGKAKAMALI? SAAN ANG HINDI PAGIGING PATAS?
Nauunawaan namin na lahat ay may kanya-kanyang opinyon at maaaring may mga manlalarong inaasahan ninyong mapasama sa Mythical Five. Ngunit ang hindi pagsang-ayon sa resulta ay hindi nangangahulugang naging unfair na ang proseso. Sa huli, responsibilidad ng Council na gumawa ng patas, obhetibo, at maingat na desisyon batay sa performance ng mga manlalaro, habang sinusunod ang gabay na ibinigay ng mga league officials. Nirerespeto namin ang opinyon ng bawat isa, ngunit hinihiling din namin na respetuhin ang proseso na aming sinunod.
At para naman sa mga mabilis manghusga, manira, at magsabing unfair ang pagpili nang hindi naman alam ang buong proseso, marahil mas mabuting alamin muna ang buong kuwento at matutong umintindi bago magbigay ng konklusyon. Hindi porke narinig ninyo sa iba, ibig sabihin ay iyon na ang buong katotohanan. Hindi porke isang panig lamang ang inyong narinig, iyon na ang buong kuwento.
Bago humusga, ALAMIN MUNA ANG PROSESO. Bago maniwala sa narinig ninyo, PAKINGGAN MUNA ANG MAGKABILANG PANIG. At bago ninyo tawaging unfair ang isang desisyon, SIGURADUHIN MUNANG ALAM NINYO KUNG PAANO ITO NABUO. Tumatanggap kami ng constructive criticism, ngunit hindi namin hahayaang ang mga haka-haka, sabi-sabi, at one-sided na opinyon ang magmisrepresent sa isang prosesong pinag-isipan at isinagawa nang maayos.
ANG MYTHICAL FIVE AY HINDI PINILI UPANG PABORAN ANG SINUMAN. PINILI SILA BATAY SA PERFORMANCE. Maaaring hindi ninyo nagustuhan ang resulta, pero bago ninyo batikusin ang proseso, alamin muna ninyo ang buong kuwento. Dahil sa isang patas na usapan, hindi sapat ang narinig lamang, kailangan alam ang KATOTOHANAN.