16/07/2020
Mga Mahal na Magulang malapit na ang August 24!
🚩 Wala po munang face to face class interaction hanggat walang Bakuna laban s Covid 19. May "pasok" pero hindi na pupunta ang bata sa schools.
🚩Hindi po online LANG ang mode of learning. May modular pa at blended learning din po. Kung wala kayong gadget at internet, wag po kayong mabahala. May printed modules po na darating sa inyo sa oras na magsimula ang "pasukan".
🚩 Wag po kayong magpanic sa pagbili ng workbooks. Ang mga g**o po ay naghahanda ng modules para sa inyong anak. Developmentally appropriate modules.
🚩 Huwag naman po kayong hihingi o bibili ng files na 1st to 4th Quarter 😅 Ang pagkatuto po ay parang pagkain--dahan-dahan. Portion by portion po yan. Baka po mabilaukan yung anak nyo 😅😅😅
🚩 Huwag pong magpanic buying ng mga nakikita online--wifi modem, laptops, gadgets, workbooks, printer. Grabe na ang presyo ng wifi modem at printer. Ang mga ito po ay mas kailangan po ng g**o upang madeliver ng maayos ang modules. Ang tindi po ng mark up ng presyo ng mga iyan ngayon. In demand kasi 😅
🚩 Wag ma stress kung paano magtuturo sa inyong mga anak 🙂 Wag din po kayong mastress kung hindi nyo alam ang sagot sa tanong ng anak niyo habang nag-aaral. 🎶Huwag mahihiyang magtanong 🎶
🚩 This new normal is a shared responsibility of teachers and parents. Wag pasanin lahat, nandito po kami 💖 Pero wag din i-asa lahat samin, share po tayo. Lahat ng effort na ito ay PARA SA BATA.
🚩 Magbasa. Magbasa ulit at intindihin ang binasa. Magtanong sa tamang awtoridad bago po tayo humanash dahil sa classroom may batas 😂
🔰 This NEW NORMAL is a great challenge for everyone -- parents, teachers & learners. Let's love and support each other. Stay safe..🔰
😊😊😊