Alaminos, Laguna LGU

Alaminos, Laguna LGU Patuloy po tayong mag hahatid ng Serbisyong May Pagmamahal
(1)

📢ABISO SA PUBLIKO!Ang Libreng Legal Assistance ay gaganapin sa araw ng Huwebes, Mahalagang paalala:✔️ Notary 20 slots " ...
09/06/2026

📢ABISO SA PUBLIKO!
Ang Libreng Legal Assistance ay gaganapin sa araw ng Huwebes,

Mahalagang paalala:
✔️ Notary 20 slots " First Come First Serve"
✔️ 1 transaction Per Person
✔️Unli consultation until 2:00 pm

Kung kayo ay may mga katanungang legal o nangangailangan ng payo ukol sa inyong mga karapatan, bukas po ang tanggapan upang kayo ay matulungan.

🗓 Huwebes
⏰ 9:00 AM – 2:00 PM
📍 Office of the Municipal Mayor

Maaring naiiba lang po ang petsa sa araw ng peoples day.

Ang serbisyong ito ay handog upang mas mapalapit ang tulong at katarungan sa ating mamamayan.


📣 PAANYAYA SA LAHAT!Inaanyayahan po ang ating mga kababayan na makiisa sa darating na June 12-13, 2026 mula 8:00 AM – 4:...
08/06/2026

📣 PAANYAYA SA LAHAT!

Inaanyayahan po ang ating mga kababayan na makiisa sa darating na June 12-13, 2026 mula 8:00 AM – 4:30 PM na gaganapin sa Municipal Quadrangle, Lokal na Pamahalaan ng Alaminos, Laguna.

Magkakaroon po ng mga sumusunod na serbisyo:

✔️ National ID Application
✔️ Consultation
✔️ Verification ng National ID

Samantalahin po natin ang pagkakataong ito upang mapabilis at maayos ang inyong mga transaksyon ukol sa National ID.

Inaanyayahan ang lahat na makilahok! Kita-kits po tayo!




08/06/2026
📣 PAANYAYA SA LAHAT!Inaanyayahan po ang ating mga kababayan na makiisa sa darating na June 9, 2026 | 9:00 AM para sa gag...
08/06/2026

📣 PAANYAYA SA LAHAT!

Inaanyayahan po ang ating mga kababayan na makiisa sa darating na June 9, 2026 | 9:00 AM para sa gaganaping KONSULTA SA BARANGAY: MLGOO-on-Wheels na may temang:

“Serbisyong Lumalapit, Suliraning Naaksyunan”

📍 Gaganapin sa Lumang Basketball Court, Brgy. San Benito, Alaminos, Laguna

Samahan po ninyo kami at samantalahin ang mga serbisyong hatid ng pamahalaan kasama ang ating DILG Alaminos na mas inilalapit sa ating komunidad. Ito na po ang pagkakataon upang marinig ang inyong mga hinaing at agad na mabigyan ng kaukulang aksyon.

Kita-kits po tayo!




08/06/2026
Isang makabuluhan at makabayang Lingguhang Pagtataas ng Watawat ng Pilipinas ang isinagawa sa Pamahalaang Lokal ng Alami...
08/06/2026

Isang makabuluhan at makabayang Lingguhang Pagtataas ng Watawat ng Pilipinas ang isinagawa sa Pamahalaang Lokal ng Alaminos, Laguna sa pangunguna ng Office of the Mayor.

Patuloy nating ipinapakita ang ating pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng pagkakaisa, disiplina, at dedikasyon sa paglilingkod sa ating mga kababayan.

Sama-sama nating itaguyod ang isang mas maunlad, maayos, at makabagong Alaminos!



Isang matagumpay na araw ng pakikinig, pakikipag-ugnayan, at paghahatid ng serbisyo sa ating mga kabarangay!Sa isinagawa...
05/06/2026

Isang matagumpay na araw ng pakikinig, pakikipag-ugnayan, at paghahatid ng serbisyo sa ating mga kabarangay!

Sa isinagawang MLGOO-on-Wheels, sa pangunguna ni Maam. Marilen Abejero ang MLGOO ng Alaminos Laguna at sa DILG Alaminos Staff, katuwang si Mayor Eric "Bolado" Reyes Lopez, at ang ating dating Konsehal Rammel E. Banzuela, mas lalo pang napapalapit ang pamahalaang lokal sa mamamayan upang marinig at matugunan ang kanilang mga hinaing, mungkahi, at pangangailangan.

Taos-puso rin ang aming pasasalamat sa pamunuan ng Brgy. Sta. Rosa sa pangunguna ni Brgy. Chairman Dyung Flores at sa buong Sangguniang Barangay sa kanilang suporta at pakikiisa.

Patuloy na isinusulong ng ating lokal na pamahalaan ang isang bukas, maagap, at makataong serbisyo publiko para sa bawat Alaminense.

“Serbisyong Lumalapit, Suliraning Naaaksyunan!”

Sa pamumuno ni Mayor Eric "Bolado" Reyes Lopez, sama-sama tungo sa mas maunlad at mas maasikasong Alaminos.



📢ABISO SA PUBLIKO!Simula Hunyo 15, 2026, ang mga tanggapan ng PhilHealth sa Region 4A ay bukas sa publiko mula alas-7:00...
05/06/2026

📢ABISO SA PUBLIKO!
Simula Hunyo 15, 2026, ang mga tanggapan ng PhilHealth sa Region 4A ay bukas sa publiko mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-6:00 ng gabi, Lunes hanggang Huwebes lamang. Ang mga araw ng Biyernes, Sabado, at Linggo ay ituturing na mga araw na walang pasok.

LEVEL UP ang iyong NEGOSYO gamit ang AI! 🚀Handa ka na bang dalhin sa susunod na level ang iyong negosyo? Gamitin ang kap...
05/06/2026

LEVEL UP ang iyong NEGOSYO gamit ang AI! 🚀

Handa ka na bang dalhin sa susunod na level ang iyong negosyo? Gamitin ang kapangyarihan ng Artificial Intelligence para mapalago ang kita, mapabilis ang trabaho, at manatiling nangunguna sa kompetisyon.

Work smarter, not harder. Simulan na ang AI-powered na pagnenegosyo ngayon! 💡




Address

Pandino Street
Alaminos
4001

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Alaminos, Laguna LGU posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share