13/08/2024
Turnover ng Alternative Learning School Phase 2 Sub-project sa Barangay Dado, Alamada, Cotabato, ginanap noong Biyernes, Agosto 09, 2024.
Alamada, Cotabato- DSWD XII – KALAHI nag-turnover ng Alternative Learning School Phase 2 Sub-project na nag kakahalaga ng 1,981,992.93
Ang turnover ceremony ay isinagawa sa pamamagitan ng ribbon-cutting na pinangunahan ng LGU Alamada, sa pamumuno ni Hon. Mayor Jesus N. Sacdalan, kasama ang mga SB Members, Municipal Heads, DEPED Officials, at Deputy Regional Program Manager, John Kevin Camarinas ng KALAHI CIDSS NCDDP AF, DSWD FO XII.
Sa mensahe ni Abdulrahman M. Andie, Senior Education Program Specialist for Human Resource and Development, "Lubos po kaming nagpapasalamat sa DSWD at KALAHI. Sa mahabang panahon, isa sa napakagandang proyekto na nakita ko ay ang KALAHI—standard at kumpleto po. Napakaganda at napakatibay ng mga school buildings, at umaasa po kami na marami pang proyekto,"
Sinabi rin ni Allan Singco, Administrative Officer IV mula sa Mayor's Office, "Ito ay isang convergence project, isang collaborative effort. Ito ay Community Driven Development na kung saan nagtutulungan ang mga tao sa komunidad para maisakatuparan ang napakagandang proyektong ito."
Dagdag pa ni BDC TWG Chairperson Elizabeth C. Belvis, isang ALS Teacher, "Ang proyektong ito ay naging resulta ng collaborative effort ng community, ng mga volunteers, Kalahi staff, LGU, at BLGU. Kami po ay lubos-lubos na nagpapasalamat dahil sa nadang proyektong ito. Hindi rin basta-basta maging volunteer dahil kami ang gumagawa, kaagapay ang BLGU, mula sa planning hanggang implementation. Masaya po ako sa mga natutunan ko bilang volunteer, at pinapangako namin na iingatan namin ito."
Ang KALAHI-CIDSS ay patuloy na tutulong sa mga lokal na komunidad sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa pagdidisenyo at pagpapatupad ng mga proyekto para sa pagbabawas ng kahirapan at pagpapabuti ng partisipasyon sa lokal na pamahalaan.