08/05/2026
๐๐๐๐-๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐
BUTUAN CITYโIsang (1) high-value individual na kinilalang si Jerry Marapao Deligero, alyas โAdaw-Adaw,โ miyembro ng Sub-Regional Committee (SRC) 1 ng North Central Mindanao Regional Committee (NCMRC), ang boluntaryong sumuko sa pwersa ng pamahalaan kasunod ng pinaigting na operasyon ng 402nd Infantry (Stingers) Brigade (402Bde) sa pamumuno ni BGEN EDMUND PAUL R DELOS SANTOS PA.
Isinagawa ang kanyang pagsuko sa ilalim ng 23rd Infantry (Masigasig) Battalion, sa pamumuno ni LTC GLENNFORD C LIBRE INF (GSC) PA, kung saan isinuko rin niya ang isang mataas na kalibre ng armas at mga kagamitang pandigma.
Ayon sa mga opisyal ng militar, ang nasabing pagsuko ay patunay ng patuloy na tagumpay ng focused military operations, pinalakas na suporta ng komunidad, at epektibong whole-of-nation approach laban sa insurhensiya. Ipinakita rin nito ang lumalalim na tiwala ng mga dating rebelde sa pamahalaan at ang kanilang pagpiling magbalik-loob sa lipunan.
Binigyang-diin ng pamunuan ng 402Bde na ang pangyayaring ito ay nagpapakita ng tuloy-tuloy na pag-igting ng kapayapaan at seguridad sa Agusan del Norte. Patuloy din nilang tiniyak ang pagbubukas ng oportunidad para sa mga nais sumuko at magsimulang muli tungo sa mapayapa at produktibong pamumuhay.
๐๐๐๐: https://www.facebook.com/share/p/18Y3exca33/