Magandang Agoncillo Batangas

Magandang Agoncillo Batangas "Magandang Agoncillo, Magandang Serbisyo Publiko" 🇵🇭✨
(1)

May 9, 2026- Samahang Batangueña Tanauan City Chapter, nagdaos ng awarding ceremony para sa ULIRANG INA 2026, Mayor Atty...
09/05/2026

May 9, 2026- Samahang Batangueña Tanauan City Chapter, nagdaos ng awarding ceremony para sa ULIRANG INA 2026, Mayor Atty. Cinderella Valenton-Reyes, panauhing pandangal.

Kasabay ng maagang paggunita sa Mother’s Day, pinarangalan ng Samahang Batangueña ang 30 na Ulirang Ina mula sa iba’t-ibang barangay ng syudad.

Isang karangalan na napili nilang Guest Speaker ang ating mahal na mayor, na nagbahagi ng kanyang sariling karanasan bilang ina at bilang anak, at ang kanyang tinaguriang Circle of Life, na nagpa-emosyonal sa mga nakikinig.

“Iparinig natin at ipadama sa ating mga ina ang ating pagmamahal, habang may panahon pa.”, sabi pa ni Mayor Cindy.

Nagsalita rin sina Nasugbu Former Mayor Charito M Apacible, bilang presidente ng provincial Samahang Batangueña, at Tanauan City former mayor Francisco Lirio.

Pagbati sa samahan, para sa matagumpay na activity!

09/05/2026

MGA KABABAYAN

Baka po mayroong nakapulot o nakakita ng isang Wallet na Black Gray.

Makikitulungan po ang ating kababayan ❤️


MALIGAYANG KAARAWAN BOSS ILAT ❤️✨Ang lokal na pamahalaan ng Magandang Agoncillo sa pangunguna ng ating minamahal na Puno...
09/05/2026

MALIGAYANG KAARAWAN BOSS ILAT ❤️✨

Ang lokal na pamahalaan ng Magandang Agoncillo sa pangunguna ng ating minamahal na Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes kasama ang ating Pangalawang Punong Bayan, Atty. Remjelljan Humarang, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, Pambayang Administrador, Dr. Noel Mendoza at lahat ng kawani ay bumabati ng Maligayang Kaarawan sa masipag na kawani mula sa tanggapan ng Punong Bayan, Kuya Gerald Angulo.

Maligayang Kaarawan, Boss Ilat ❤️✨

Nawa’y maging puno ng pagmamahal, kaligayahan at biyaya ang iyong espesyal na araw.

Sama-sama tayong maglingkod ng Tapat sa Diyos at sa Bayan tungo sa isang Mas Magandang Agoncillo, Mas Magandang Serbisyo Publiko.


MALIGAYANG KAARAWAN TITA DAISY ❤️✨Ang lokal na pamahalaan ng Magandang Agoncillo sa pangunguna ng ating minamahal na Pun...
08/05/2026

MALIGAYANG KAARAWAN TITA DAISY ❤️✨

Ang lokal na pamahalaan ng Magandang Agoncillo sa pangunguna ng ating minamahal na Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes kasama ang ating Pangalawang Punong Bayan, Atty. Remjelljan Humarang, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, Pambayang Administrador, Dr. Noel Mendoza at lahat ng kawani ay bumabati ng Maligayang Kaarawan sa masipag na kawani mula sa tanggapan ng Pambayang Tagatasa, Ma'am Dionisia Mendoza.

Maligayang Kaarawan, Tita Daisy ❤️✨

Nawa’y maging puno ng pagmamahal, kaligayahan at biyaya ang iyong espesyal na araw.

Sama-sama tayong maglingkod ng Tapat sa Diyos at sa Bayan tungo sa isang Mas Magandang Agoncillo, Mas Magandang Serbisyo Publiko.


TAGUMPAY NG PAGKAKAISA AT PAGPAPAUNLAD NG KABATAAN ✨🏐Matagumpay na nagtapos ang ilang araw na Volleyball Workshop na ini...
08/05/2026

TAGUMPAY NG PAGKAKAISA AT PAGPAPAUNLAD NG KABATAAN ✨🏐

Matagumpay na nagtapos ang ilang araw na Volleyball Workshop na inilunsad ng Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng programang pangkabataan, pagpapaunlad ng talento, at pagpapalakas ng disiplina at sportsmanship sa ating komunidad.

Sa pangunguna ng ating masipag na Tourism Officer na si Ma’am Charlyn Dela Luna, katuwang ang Everlasting Volleyball Community, naging makabuluhan at puno ng aral ang isinagawang workshop para sa mga kabataang lumahok. Sa pamamagitan ng programang ito, nabigyan ng pagkakataon ang ating mga kabataan na malinang hindi lamang ang kanilang kakayahan sa larangan ng volleyball kundi maging ang kanilang kumpiyansa sa sarili, pagtutulungan, at pagpapahalaga sa pagkakaisa at tamang disiplina.

Lubos ang pasasalamat ng Lokal na Pamahalaan sa lahat ng nakiisa, sumuporta, at naging bahagi ng matagumpay na gawaing ito. Nawa’y magsilbi itong inspirasyon upang lalo pang paigtingin ang suporta sa sports development at youth empowerment sa bayan ng Agoncillo.

Mabuhay ang bawat kabataang Agoncillian!


ART WORKSHOP PARA SA KABATAANG AGONCILLIAN, IPAGPAPALIBAN MUNA, BAGONG SCHEDULE ATING ALAMIN! 🇵🇭✨Ipinababatid po ng Loka...
07/05/2026

ART WORKSHOP PARA SA KABATAANG AGONCILLIAN, IPAGPAPALIBAN MUNA, BAGONG SCHEDULE ATING ALAMIN! 🇵🇭✨

Ipinababatid po ng Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo, sa pakikipagtulungan sa BAGSIK, na ang nakatakdang 𝗔𝗿𝘁 𝗪𝗼𝗿𝗸𝘀𝗵𝗼𝗽 ay muling itinakda at gaganapin sa 𝗠𝗮𝘆𝗼 𝟮𝟮–𝟮𝟰, 𝟮𝟬𝟮𝟲 sa Gregorio Brotonel Event Center mula 9:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon.

Layunin ng gawaing ito na higit pang mapaunlad ang kakayahan, talento, at malikhaing pag-iisip ng ating mga kabataang Agoncillian sa larangan ng sining. Kabilang sa mga aralin at aktibidad ang 𝗕𝗮𝘀𝗶𝗰 𝗦𝗸𝗲𝘁𝗰𝗵𝗶𝗻𝗴, 𝗢𝗶𝗹 𝗣𝗮𝘀𝘁𝗲𝗹, at 𝗔𝗰𝗿𝘆𝗹𝗶𝗰 𝗣𝗮𝗶𝗻𝘁𝗶𝗻𝗴 na magsisilbing daan upang higit pang mahubog ang kanilang pagkamalikhain at kumpiyansa sa sarili.

Sa mga sumali, ipakita ninyo ang husay sa pagguhit ng kabataang Agoncillian.


MALIGAYANG KAARAWAN MS. HALEN ❤️✨Ang lokal na pamahalaan ng Magandang Agoncillo sa pangunguna ng ating minamahal na Puno...
07/05/2026

MALIGAYANG KAARAWAN MS. HALEN ❤️✨

Ang lokal na pamahalaan ng Magandang Agoncillo sa pangunguna ng ating minamahal na Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes kasama ang ating Pangalawang Punong Bayan, Atty. Remjelljan Humarang, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, Pambayang Administrador, Dr. Noel Mendoza at lahat ng kawani ay bumabati ng Maligayang Kaarawan sa masipag na kawani mula sa tanggapan ng MPDC. Ms. Herlyn M. Gener.

Maligayang Kaarawan, Ms. Halen❤️✨

Nawa’y maging puno ng pagmamahal, kaligayahan at biyaya ang iyong espesyal na araw.

Sama-sama tayong maglingkod ng Tapat sa Diyos at sa Bayan tungo sa isang Mas Magandang Agoncillo, Mas Magandang Serbisyo Publiko.


MALIGAYANG KAARAWAN KAP. CRISING ❤️✨Ang lokal na pamahalaan ng Magandang Agoncillo sa pangunguna ng ating minamahal na P...
05/05/2026

MALIGAYANG KAARAWAN KAP. CRISING ❤️✨

Ang lokal na pamahalaan ng Magandang Agoncillo sa pangunguna ng ating minamahal na Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes kasama ang ating Pangalawang Punong Bayan, Atty. Remjelljan Humarang, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, Pambayang Administrador, Dr. Noel Mendoza at lahat ng kawani ay bumabati ng Maligayang Kaarawan sa masipag na Punong Barangay ng Bilibinwang, Kgg. Cresencio Almanzor.

Maligayang Kaarawan, Kap. Crising❤️✨

Nawa’y maging puno ng pagmamahal, kaligayahan at biyaya ang iyong espesyal na araw.

Sama-sama tayong maglingkod ng Tapat sa Diyos at sa Bayan tungo sa isang Mas Magandang Agoncillo, Mas Magandang Serbisyo Publiko.


AGONCILLO LGU EMPLOYEES ASSOCIATION (ALEA), ACCREDITED NA NG CIVIL SERVICE COMMISSION 🇵🇭✨Sa pagdiriwang ng Buwan ng Pagg...
05/05/2026

AGONCILLO LGU EMPLOYEES ASSOCIATION (ALEA), ACCREDITED NA NG CIVIL SERVICE COMMISSION 🇵🇭✨

Sa pagdiriwang ng Buwan ng Paggawa, buong galak at pagmamalaki na ibinabahagi ng Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo ang isang makabuluhang tagumpay sa mga kawani ng Lokal na Pamahalaan, ang pagkakaloob ng Certificate of Accreditation mula sa Civil Service Commission sa Agoncillo LGU Employees Association (ALEA).

Ang prestihiyosong pagkilalang ito ay sumasalamin sa matibay na pagkakaisa, organisadong pamumuno, at taos-pusong dedikasyon ng samahan sa pagsusulong ng kapakanan at karapatan ng mga kawani ng pamahalaan sa pangunguna ng kanilang Pangulo na si G. Donato Martinez.

Ang akreditasyong ito ay hindi lamang isang pormal na pagkilala, kundi isang patunay ng patuloy na pagsisikap ng bawat miyembro ng ALEA na maging katuwang ng pamunuan sa pagtataguyod ng maayos na ugnayan sa lugar ng trabaho, makatarungang kondisyon ng paggawa, at higit na epektibong paghahatid ng serbisyo publiko.

Sa pamamagitan ng pagkilalang ito, higit pang napagtitibay ang papel ng samahan bilang kinatawan ng boses ng mga empleyado sa usapin ng kanilang kapakanan at propesyonal na pag-unlad.

Sa diwa ng Buwan ng Paggawa, nawa’y magsilbing inspirasyon ang tagumpay na ito upang lalo pang paigtingin ang diwa ng malasakit, integridad, at kahusayan sa paglilingkod.

Mabuhay ang mga empleyado ng Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo!
Mabuhay ang manggagawang Pilipino!


PATALASTAS NG NAWAWALA AT NATAGPUAN 🇵🇭✨Mga kababayan, baka po may nakakita ng isang Black na Samsung S21 na cellphone pa...
05/05/2026

PATALASTAS NG NAWAWALA AT NATAGPUAN 🇵🇭✨

Mga kababayan, baka po may nakakita ng isang Black na Samsung S21 na cellphone pagmamay-ari ni G. Richard Gallarde.

Nawala ito pagkatapos niya magturo ng Zumba sa Agoncillo at habang binabagtas niya ang daan patungong Brgy. Laguile, Taal.

Makipag-ugnayan lamang sa page na ito kung sakaling natagpuan ang nasabing card holder

Umaasa po kami sa inyong kabutihan at pakikiisa upang maibalik ito.

Maraming salamat po!


Address

Poblacion
Agoncillo

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Magandang Agoncillo Batangas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Magandang Agoncillo Batangas:

Share