23/07/2015
Isang dakilang Pagtupad sa tungkulin ng isang Policewoman na si PINSP GINA DR. PARINAS, Chief PCR & PIO ng VALENZUELA CITY POLICE STATION, upang madakip ang suspect sa insidente ng ROBBERY HOLD-UP sa isang ADRIAN CELLPHONE SHOP sa Brgy Lolomboy, Bocaue, Bulacan kung saan ang kinikilalang biktima na si Mary Anne Magno y Ansero, 18 at ang suspect ay kinilala na si Jessie Aquino y Estrella, 32 years old.
Ayon sa ulat, habang kasalukuyang pumaparada ng kanyang sasakyan ang nabanggit na Policewoman, namataan nya ang isang kahinahinalang lalaki na tumatakbo. Nang lumabas sya ng sasakyan ay nabalitaan nyang may holdapan na naganap at ang babaeng biktima ay di umanong sinaksak sa leeg ng sinasabing holdaper. Agad nyang sinundan ang suspek kasama ang 2 rumespondeng Bocaue Police at 2 tanod sa direksyon kung saan sya patungo. Sa kabutihan palad ay nadakip ang suspect na tumakbo, tumalon, nagtago sa mga Waterlilly sa maruming tubigan ng Bunlo Creek, Bocaue, Bulacan.
Sa kasalukuyan ang suspek ay nasampahan na ng kaso sa Office of the Provincial Prosecutor, Malolos Bulacan. Ito ay isa sa mga patunay na ang ating kapulisan, ano man ang estado sa buhay, lalaki man o babae, ay handang tumupad sa kanilang tungkulin sinumpaan sa bayan na ipatupad ang katahimikan at maibigay ang hustisya sa mga nangangailangan.