03/08/2026
๐ ๐ฆ๐ฎ ๐๐ป๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ธ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐ผ๐ป, ๐บ๐ถ๐๐บ๐ผ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ข๐๐ช ๐ป๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ด๐ถ๐ด๐ถ๐ป๐ด ๐ถ๐๐ธ๐ผ๐น๐ฎ๐ฟ ๐ป๐ด ๐ข๐ช๐ช๐ ๐๐ฎ ๐ธ๐ผ๐น๐ฒ๐ต๐ถ๐๐ผ.
Ngayong taon, 500 kwalipikadong OFWs ang bubuo sa unang batch ng LEAP-OFWs scholars. Sila ay bibigyan ng pagkakataong maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral at mas mapalapit sa pangarap na magkaroon ng college degree.
Maraming OFW ang isinantabi ang sariling edukasyon upang unahin ang kinabukasan ng pamilya. Matagal nang sinusuportahan ng OWWA ang pag-aaral ng mga anak ng OFWs. Ngayon, katuwang ang CHED, mismong mga OFW naman ang tutulungan nating makapagtapos ng kolehiyo.
Sa ilalim ng Lifelong Learning Education Assistance Program for OFWs o LEAP-OFWs, maaaring makatanggap ang bawat kwalipikadong benepisyaryo ng hanggang โฑ50,000 educational assistance para sa tuition at iba pang assessment-related costs sa pagkuha ng bachelorโs degree sa pamamagitan ng Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program o ETEEAP.
Sa ETEEAP, maaaring kilalanin at bigyan ng katumbas na academic credits ang kaalaman, kasanayan, at karanasang nakuha sa trabaho. Ang bawat aplikante ay dadaan sa kaukulang assessment at kailangang matugunan ang mga requirement ng CHED at ng kinauukulang paaralan.
Matapos ninyong unahin ang pangarap ng inyong pamilya, panahon naman upang suportahan ang sarili ninyong pangarap.
500 OFW scholars sa unang batch. 500 pangarap na mas inilapit sa diploma.
Alamin ang qualifications at application process sa mga art card. Maaari ring magsimula sa reintegration.owwa.gov.ph at bisitahin ang eteeap.ched.gov.ph para sa karagdagang impormasyon.
Sa OWWA at CHED, ang karanasan ng OFW ay maaari nang maging daan tungo sa college degree. ๐๐ต๐ญ