02/09/2026
𝙋𝘼𝘼𝙉𝙔𝘼𝙔𝘼 | 2026 𝙄𝙉𝙏𝙀𝙍𝙉𝘼𝙏𝙄𝙊𝙉𝘼𝙇 𝘾𝙊𝘼𝙎𝙏𝘼𝙇 𝘾𝙇𝙀𝘼𝙉-𝙐𝙋 𝘿𝘼𝙔
September na! Panahon na naman upang sama-sama nating isagawa ang malawakang paglilinis at pangangalaga sa ating mga coastal areas bilang bahagi ng 2026 International Coastal Cleanup (ICC) Day, na may temang “Clean Seas for Resilient Communities.”
Sa taong ito, muli tayong inaanyayahan na makiisa sa isang makabuluhang gawaing pangkalikasan.
Para sa lahat ng ahensya, grupo, organisasyon, pribadong sektor, at mga indibidwal na nais makilahok, inaanyayahan po ang lahat na i-scan ang QR Code at punan ang registration form para sa mga kinakailangang impormasyon ng mga kalahok.
Ang registration form na ito ay bahagi ng ating paghahanda para sa gaganaping aktibidad, upang maayos na maitala ang mga kalahok at maibigay ang mahahalagang impormasyon at detalye tungkol sa programa.
Sama-sama tayo! Tulong-tulong para sa mas malinis, mas ligtas, at mas kahanga-hangang kalikasan ng ating Lungsod ng Balanga.
Maraming salamat po sa inyong pakikiisa, suporta, at koordinasyon!