Barangay San Agustin East, Agoo La Union

Barangay San Agustin East, Agoo La Union Official Page of Barangay San Agustin East

🏆 GAWAD BATAS 2026 — ISANG KARANGALAN PARA SA BARANGAY SAN AGUSTIN EAST! 🏆Isang malaking karangalan para sa ating Barang...
26/08/2026

🏆 GAWAD BATAS 2026 — ISANG KARANGALAN PARA SA BARANGAY SAN AGUSTIN EAST! 🏆

Isang malaking karangalan para sa ating Barangay San Agustin East, Agoo, La Union ang pagkilala bilang isa sa mga barangay na ginawaran ng Gawad Batas 2026, isang paghahanap para sa pinakamahusay na naipatupad na Barangay Ordinance sa buong La Union. 🎖️

Sa buong Agoo, tayo lamang ang nagkamit ng award! 💪❤️ At sa buong La Union, 11 barangays lamang ang nabigyan ng pagkilalang ito. Isang patunay na ang ating mga ordinansa at programa ay tunay na nakatuon sa good governance, public welfare, at sustainable community development.

Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng bumubuo ng Barangay San Agustin East—sa ating mga barangay officials, committees, volunteers, at higit sa lahat, sa ating mga residente na patuloy na nakikiisa sa pagpapatupad ng ating mga ordinansa. 🙏

Espesyal na pasasalamat sa ating Barangay Secretary sa kanyang malaking effort, tiyaga, at dedikasyon sa paghahanda ng mga kinakailangang dokumento at requirements na naging bahagi ng pagkakamit ng parangal na ito. 👏❤️

Ang parangal na ito ay hindi lamang para sa isang tao—ito ay tagumpay ng buong Barangay San Agustin East!

San Agustin East, patuloy tayong umangat, maglingkod, at mamuno nang may malasakit! 🇵🇭







📢 PAUNAWA SA MGA MAY-ARI NG KAMBINGSa sinumang nakakakilala o may-ari ng mga kambing na nakalarawan, hinihiling po na pu...
25/08/2026

📢 PAUNAWA SA MGA MAY-ARI NG KAMBING

Sa sinumang nakakakilala o may-ari ng mga kambing na nakalarawan, hinihiling po na puntahan at i-claim ang inyong mga kambing sa Barangay Hall.

Ang mga kambing ay nakapasok sa Hapag ng Barangay at nakain ang ilan sa mga itinanim na halaman.

Mangyaring makipag-ugnayan sa Barangay upang maayos na ma-claim ang mga ito at maiwasan ang pag-ulit ng ganitong insidente.

📍 Barangay Hall, San Agustin East, Agoo, La Union

Paki-share po para makarating sa mga may-ari. Maraming salamat sa inyong pakikiisa! 🐐🙏

🌧️ WEATHER UPDATE | MAG-INGAT PO ANG LAHAT! 🌧️Patuloy nating bantayan ang lagay ng panahon dahil inaasahan ang mga pag-u...
17/08/2026

🌧️ WEATHER UPDATE | MAG-INGAT PO ANG LAHAT! 🌧️

Patuloy nating bantayan ang lagay ng panahon dahil inaasahan ang mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa ating lugar. Mayroon ding abiso sa posibleng pagbaha sa La Union.

🙏 Hinihikayat ang lahat na maging alerto, lalo na ang mga nakatira sa mabababang lugar at malapit sa mga ilog. Iwasan muna ang pagpunta sa mga lugar na maaaring bahain at manatiling updated sa mga opisyal na abiso.

Mag-ingat po tayong lahat. Unahin ang kaligtasan ng bawat isa! 💙

📢 NATIONAL ID REGISTRATION & SERVICES — NGAYON NA! 🇵🇭📍 Brgy. San Agustin East Multi-Purpose HallPunta na po at magparehi...
12/08/2026

📢 NATIONAL ID REGISTRATION & SERVICES — NGAYON NA! 🇵🇭

📍 Brgy. San Agustin East Multi-Purpose Hall

Punta na po at magparehistro, magpa-update ng status, at magpa-verify ng National ID!

✅ Para sa Change of Status:
• Dalhin ang National ID
• Original Marriage Certificate

📌 Paalala: Dalhin po ang inyong ORIGINAL DOCUMENTS para sa registration at updating.

🪪 Nabubura o nagtutuklap ang picture sa inyong National ID?
Magtungo lamang po dito! Maaari pong ipa-reprint ang inyong National ID.
👉 Kayo na lamang po ang magpalaminate pagkatapos

Huwag palampasin ang pagkakataon na ma-update at ma-verify ang inyong National ID. Punta na po tayo dahil hanggang 2pm lang sila!😊

📍 Brgy. San Agustin East Multi-Purpose Hall
🇵🇭 National ID — Para sa bawat Pilipino!

🙏 TAOS-PUSONG PASASALAMAT! 🙏Ang Barangay San Agustin East, Agoo, La Union ay buong-pusong nagpapasalamat kay Governor Ma...
10/08/2026

🙏 TAOS-PUSONG PASASALAMAT! 🙏

Ang Barangay San Agustin East, Agoo, La Union ay buong-pusong nagpapasalamat kay Governor Mario Eduardo C. Ortega at sa mga Sangguniang Panlalawigan Members ng Province of La Union sa pagkakaloob ng Multi-Purpose Vehicle (MPV) para sa ating barangay. ❤️

Malaking tulong at biyaya ang MPV na ito dahil kaagad na natin itong nagamit sa oras ng pangangailangan. Naging mahalagang katuwang ito sa pagdadala at pag-asikaso ng mga pangangailangan sa panahon ng pagluluksa sa pagpanaw ni Kagawad Doro Aspuria, at higit na napatunayan ang kahalagahan nito nang tumama ang Habagat, kung saan ginamit ito sa pagde-deliver ng tubig at pagbisita at pagmomonitor ng Brgy. Councils sa mga residenteng naapektuhan ng pagbaha sa Barangay San Agustin East sa pamumuno ni PB Isagani Aspillaga Bulatao.

Ang MPV na ito ay hindi lamang isang sasakyan—ito ay isang karagdagang katuwang sa serbisyo publiko, lalo na sa panahon ng sakuna, emergency, at iba pang pangangailangan ng ating mga kabarangay. 🚐❤️

Muli, maraming maraming salamat po, Governor Mario Eduardo C. Ortega, at sa buong Sangguniang Panlalawigan ng La Union, sa inyong suporta at malasakit sa Barangay San Agustin East.

Makakaasa po kayo na gagamitin at pangangalagaan namin ang MPV na ito nang wasto, responsable, at para sa kapakanan ng ating mga kabarangay.

Serbisyo para sa San Agustin East!
Para sa ating mga kabarangay, lalo na sa panahon ng pangangailangan. 🇵🇭❤️







06/08/2026

𝗖𝗔𝗟𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗔𝗟𝗟 𝗦𝗧𝗨𝗗𝗘𝗡𝗧 𝗔𝗣𝗣𝗟𝗜𝗖𝗔𝗡𝗧𝗦 𝗜𝗡 𝗧𝗛𝗘 𝟮𝗡𝗗 𝗗𝗜𝗦𝗧𝗥𝗜𝗖𝗧 𝗢𝗙 𝗟𝗔 𝗨𝗡𝗜𝗢𝗡! 📢💚

The 𝟐𝐧𝐝 𝐂𝐨𝐧𝐠𝐫𝐞𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐃𝐢𝐬𝐭𝐫𝐢𝐜𝐭 𝐀𝐟𝐟𝐚𝐢𝐫𝐬 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞 is now accepting applications for the 𝐂𝐇𝐄𝐃-𝐓𝐮𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐃𝐮𝐧𝐨𝐧𝐠 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦 (𝐓𝐃𝐏) 𝐟𝐨𝐫 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥 𝐘𝐞𝐚𝐫 𝟐𝟎𝟐𝟔-𝟐𝟎𝟐𝟕!

✅ 𝗤𝗨𝗔𝗟𝗜𝗙𝗜𝗖𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗦:
• Currently enrolled in ANY first undergraduate degree
• Must NOT have an existing scholarship with CHED, Tertiary Education Subsidy, or other National Government-funded Financial Assistance Programs

📋 𝗥𝗘𝗤𝗨𝗜𝗥𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧𝗦:
• Two(2) 2x2 picture
• TDP Application Form (2026 Version)
• Certificate of Registration/Enrollment for 1st Semester SY 2026-2027
• Certificate of Indigency or Low-Income issued by your Punong Barangay
• Photocopy of School ID or any government-issued ID

📍 𝗪𝗛𝗘𝗥𝗘 𝗧𝗢 𝗦𝗨𝗕𝗠𝗜𝗧:
• 𝟐𝐧𝐝 𝐂𝐨𝐧𝐠𝐫𝐞𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐃𝐢𝐬𝐭𝐫𝐢𝐜𝐭 𝐀𝐟𝐟𝐚𝐢𝐫𝐬 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞
DSG Building, Purok 3, Barangay Leones East, Tubao, La Union
• 𝟐𝐧𝐝 𝐂𝐨𝐧𝐠𝐫𝐞𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐃𝐢𝐬𝐭𝐫𝐢𝐜𝐭 𝐀𝐟𝐟𝐚𝐢𝐫𝐬 𝐒𝐚𝐭𝐞𝐥𝐥𝐢𝐭𝐞 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞, Esmeralda Building, Gana, Caba, La Union

🗓️ 𝗗𝗘𝗔𝗗𝗟𝗜𝗡𝗘: 𝗔𝘂𝗴𝘂𝘀𝘁 𝟭𝟰, 𝟮𝟬𝟮𝟲 (𝗙𝗿𝗶𝗱𝗮𝘆)

Please note that we have limited slots, so registration is on a first-come, first-served basis.

See you there, Ka-distrito!💚

06/08/2026

: Weather Update (As of 5:00 AM | August 6, 2026) 🌧

Ka-Elyucano, nag-landfall na ang bagyong Maymay sa Magsingal, Ilocos Sur, ayon sa DOST-PAGASA.

Nakataas pa rin ang Signal No. 1 sa buong La Union at ramdam ang pag-ulan na dulot nito.

Patuloy na mag-ingat at maging alerto, Ka-Elyucano.

Para sa anumang emergency, tumawag sa 911, PDRRMO hotline number (09989611519) o sa inyong lokal na hotline.

06/08/2026

𝗞𝗔𝗜𝗟𝗜𝗔𝗡, 𝗦𝗔𝗩𝗘 𝗧𝗛𝗘𝗦𝗘 𝗛𝗢𝗧𝗟𝗜𝗡𝗘𝗦 📱☎️

Narito po ang updated emergency hotline numbers ng mga opisina ng Lokal na Pamahalaan ng Agoo at iba pang ahensya sa ating bayan na maaari nating tawagan kung kinakailangan lalo ngayong panahon ng kalamidad.

Lagi po tayong maging handa at alerto sa hagupit ng anumang kalamidad. Annad kanayon, Kailian! 💚

⚠️ PAALALA SA MGA RESIDENTE ⚠️Dahil sa epekto ng Tropical Storm MAYMAY, hinihikayat ang lahat na manatiling alerto at pa...
05/08/2026

⚠️ PAALALA SA MGA RESIDENTE ⚠️

Dahil sa epekto ng Tropical Storm MAYMAY, hinihikayat ang lahat na manatiling alerto at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na anunsyo ng ating barangay at mga kinauukulang ahensya.

Kung kinakailangan ang paglikas (evacuation) para sa inyong kaligtasan, huwag po tayong mag-alinlangan makipag-ugnayan agad sa inyong Sectoral Kagawad o tumawag kay Punong Barangay Isagani Bulatao upang agad kayong matulungan.

Mga Sectoral Kagawad:
📍 Sector 1 – Kgwd. Dothy - 0946 305 8078
📍 Sector 2 – Kgwd. Pogs - 0946 044 7382
📍 Sector 3 – Kgwd. Larry - 0963 993 2502
📍 Sector 4 – Kgwd. Joseph - 0939 941 2244
📍 Sector 5 – Kgwd. Rene - 0966 640 0545
📍 Sector 6 – Kgwd. Joey - 0945 487 3266
📍 Sector 7 – Kgwd. Lo**ta - 0945 499 3496

Ihanda ang inyong mga mahahalagang gamit, mga gamot, at mahahalagang dokumento upang maging handa kung sakaling kailanganing lumikas.

Sumunod sa abiso ng mga awtoridad. Ang maagap na paglikas ay makatutulong upang maiwasan ang anumang panganib

Ang kaligtasan ng bawat isa ang ating pangunahing prayoridad. Mag-ingat po tayong lahat at manatiling handa.

📢 MOBILE NATIONAL ID REGISTRATION IS COMING TO BARANGAY SAN AGUSTIN EAST! 🇵🇭📣 Inaanyayahan ang lahat ng mga residente ng...
04/08/2026

📢 MOBILE NATIONAL ID REGISTRATION IS COMING TO BARANGAY SAN AGUSTIN EAST! 🇵🇭

📣 Inaanyayahan ang lahat ng mga residente ng Barangay San Agustin East na wala pang National ID na magparehistro sa gaganaping Mobile National ID Registration.

🗓 Date: August 12, 2026
📍 Venue: Barangay San Agustin East Multi-Purpose Hall
🕗 Time: 8:00am onwards

Huwag palampasin ang pagkakataong magkaroon ng National ID, na magsisilbing opisyal na pagkakakilanlan at magpapadali sa pag-access ng iba't ibang serbisyo ng pamahalaan at pribadong sektor.

✅ Magdala ng mga kinakailangang dokumento para sa inyong pagpaparehistro.

Tara na at magparehistro! Sama-sama nating isulong ang mas mabilis at mas maayos na serbisyong pampubliko.

Maraming salamat at inaasahan namin ang inyong pakikiisa!

Dirección

Agoo
La Union
2504

Horario de Apertura

Sábado 9am - 5pm
Domingo 9am - 5pm

Página web

Notificaciones

Sé el primero en enterarse y déjanos enviarle un correo electrónico cuando Barangay San Agustin East, Agoo La Union publique noticias y promociones. Su dirección de correo electrónico no se utilizará para ningún otro fin, y puede darse de baja en cualquier momento.

Atajos

Compartir