Pagsanjan RHU

Pagsanjan RHU Kalusugan para sa bawat Pagsanjeño! Punta na sa inyong Barangay Health Station o sa RHU. Kami ang inyong katuwang sa kalusugan dito sa Pagsanjan.

Maligayang pagdating sa opisyal na page ng Pagsanjan Rural Health Unit! Nandito ang aming health team upang sagutin ang inyong mga tanong at magbigay ng tamang impormasyon at serbisyo para sa inyong kalusugan. Para sa mga usapin tulad ng bakuna, nutrisyon, kalusugan ng ina at sanggol, at iba pa—handa kaming tumulong. Dito rin sa page na ito, magbabahagi kami ng mga health tips, updates, a

t paalala para sa mas malusog na pamumuhay. Huwag mahiyang mag-message sa amin kung may tanong o concern. Ang inyong kalusugan ang aming prioridad. Maraming salamat sa pagtitiwala sa Pagsanjan RHU!

22/08/2025

🎥 𝐖𝐀𝐓𝐂𝐇 𝐍𝐎𝐖: 𝐄𝐏𝐈𝐒𝐎𝐃𝐄 𝟒 🎥
𝐁𝐏 𝟏𝟎𝟏: 𝐆𝐀𝐁𝐀𝐘 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐀𝐋𝐔𝐒𝐎𝐆 𝐍𝐀 𝐏𝐔𝐒𝐎
❗HINDI KA PA BA NAGPAPASURI?
Kung madalas kang nakararanas ng pananakit ng ulo, pagkapagod, panlalabo ng paningin, o palpitations — baka senyales na 'yan ng altapresyon!

⏰ Huwag nang maghintay pa!
Pumunta na sa RHU (Rural Health Unit) PAGSANJAN para sa libreng blood pressure check at medical consultation.

🧠 Kaalaman = Proteksyon!
Ang regular na pagpapasuri ay unang hakbang sa pag-iwas sa komplikasyon gaya ng stroke, atake sa puso, at kidney problems.

✅ SA RHU, MAARI KANG:

✔ Magpa-BP check
✔ Kumonsulta sa doktor o nurse
✔ Humingi ng payo tungkol sa tamang diet at ehersisyo
✔ Malaman kung kailangan mo na bang uminom ng maintenance na gamot
✔ Magpa-follow up kung may dati nang kondisyon

💡 Tip: Kahit wala kang nararamdaman, importante pa rin ang regular check-up. Prevention is better than cure!

📢 I-share ito sa pamilya, kaibigan, at kapitbahay mo.
Tayo-tayo na ang magtulungan para sa isang komunidad na malusog at may tamang kaalaman!

💖 Sama-sama tayong maging

15/08/2025

🎥 𝐖𝐀𝐓𝐂𝐇 𝐍𝐎𝐖: 𝐄𝐏𝐈𝐒𝐎𝐃𝐄 𝟑 🎥
𝐁𝐏 𝟏𝟎𝟏: 𝐆𝐀𝐁𝐀𝐘 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐀𝐋𝐔𝐒𝐎𝐆 𝐍𝐀 𝐏𝐔𝐒𝐎
❗TAMA BA ANG GINAGAWA MO PARA SA IYONG PUSO?
Alamin kung ano ang mga DAPAT at HINDI DAPAT gawin upang mapanatiling normal ang blood pressure at makaiwas sa komplikasyon ng altapresyon.

🧠 Kaalaman = Proteksyon!

✅ DAPAT Gawin:

✔ Kumain ng balanced diet – prutas, gulay, whole grains, at low-fat food
✔ Uminom ng sapat na tubig
✔ Mag-ehersisyo ng regular (30 mins/day)
✔ Matulog ng 7-9 na oras gabi-gabi
✔ Magpatingin sa doktor regularly
✔ I-manage ang stress – deep breathing, relaxation, o hobbies

❌ HINDI DAPAT Gawin:

✘ Labis na pagkain ng maalat, mamantika, at processed food
✘ Laging nakaupo at walang physical activity
✘ Paninigarilyo at labis na pag-inom ng alak
✘ Puyat at labis na pagod
✘ Hindi pag-inom ng gamot kung may reseta
✘ Pagwawalang-bahala sa mga sintomas

💡 Tip: Maging consistent sa healthy habits. Hindi lang ito para sa ngayon, kundi para sa panghabang-buhay na kalusugan.

📢 I-share ito sa mga mahal mo sa buhay—turuan silang alagaan ang kanilang puso at iwasan ang altapresyon.

💖 Sama-sama tayong maging

01/08/2025

🎥 𝐖𝐀𝐓𝐂𝐇 𝐍𝐎𝐖 : 𝐄𝐏𝐈𝐒𝐎𝐃𝐄 2🎥
𝐁𝐏 𝟏𝟎𝟏: 𝐆𝐀𝐁𝐀𝐘 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐀𝐋𝐔𝐒𝐎𝐆 𝐍𝐀 𝐏𝐔𝐒𝐎

❗BAKA MAY ALTAPRESYON KA NA?
Alamin ang mga risk factors na maaaring magdulot ng high blood pressure para maagapan agad bago ito lumala.

🧠 Kaalaman = Proteksyon!
Narito ang ilang karaniwang risk factors ng altapresyon:

⚠ Hindi tamang pagkain – mahilig sa maalat, mamantika, at processed foods
⚠ Kakulangan sa ehersisyo – sedentary lifestyle
⚠ Pagiging overweight o obese
⚠ Paninigarilyo at labis na pag-inom ng alak
⚠ Labis na stress o kulang sa tulog
⚠ Family history – may lahi ng altapresyon
⚠ Edad – mas tumataas ang risk habang tumatanda

💡 Tip: Alamin ang iyong risk factors at magpatingin sa doktor regularly para maagapan ang anumang komplikasyon.

📢 I-share ito sa mga mahal mo sa buhay—tulungan silang maging aware at proactive!
Sama-sama tayong maging 💖

25/07/2025

🎥 𝐖𝐀𝐓𝐂𝐇 𝐍𝐎𝐖 : 𝐄𝐏𝐈𝐒𝐎𝐃𝐄 𝟏🎥
𝐁𝐏 𝟏𝟎𝟏: 𝐆𝐀𝐁𝐀𝐘 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐀𝐋𝐔𝐒𝐎𝐆 𝐍𝐀 𝐏𝐔𝐒𝐎

ANO ANG ALTAPRESYON?

Alamin kung ano nga ba ang altapresyon (high blood pressure) at paano ito maiiwasan upang mapanatiling malusog ang ating puso at buong katawan.

🛡 Prevention is better than cure!
Narito ang ilang paraan para makaiwas sa altapresyon:
✅ Kumain ng masustansyang pagkain
✅ Iwasan ang sobrang alat at matatabang pagkain
✅ Regular na mag-ehersisyo
✅ Bawasan ang stress
✅ Iwasan ang paninigarilyo at labis na pag-inom ng alak
✅ Magpatingin sa doktor at magpa-check ng presyon nang regular

📢 Ibahagi ito sa iyong pamilya at mga kaibigan—dahil ang kaalaman ay sandata laban sa sakit!
Mas marami ang maging 💓

OPISYAL NANG INILUNSAD!"BP in your Area: Bantay Presyon, Buhay Proteksyon"Inilunsad kahapon, 15 Hulyo 2025, ang proyekto...
16/07/2025

OPISYAL NANG INILUNSAD!
"BP in your Area: Bantay Presyon, Buhay Proteksyon"

Inilunsad kahapon, 15 Hulyo 2025, ang proyektong pangkalusugan ng mga mag-aaral ng PH 280 mula sa UP Manila College of Public Health, katuwang ang Pagsanjan RHU at PHO Laguna - Public Health Services.

Kasama sa paglulunsad sa Pagsanjan RHU ang ating masisipag na barangay health workers, barangay captains, at mga miyembro ng barangay health committees.

Sama-sama nating bantayan ang presyon para sa protektadong buhay!

15/07/2025

🎥 WATCH NOW: Ano ang Altapresyon?

Alamin kung ano nga ba ang altapresyon at paano ito maiiwasan.
Sa kaalaman, may laban tayo!

📢 I-share sa pamilya at kaibigan para mas marami ang maging 💓

Endereço

Sitio I, Barangay Biñan, Pagsanjan
Laguna
4008

Horário de Funcionamento

Segunda-feira 08:00 - 17:00
Terça-feira 08:00 - 17:00
Quarta-feira 08:00 - 17:00
Quinta-feira 08:00 - 17:00
Sexta-feira 08:00 - 17:00

Notificações

Seja o primeiro recebendo as novidades e nos deixe lhe enviar um e-mail quando Pagsanjan RHU posta notícias e promoções. Seu endereço de e-mail não será usado com qualquer outro objetivo, e pode cancelar a inscrição em qualquer momento.

Compartilhar