Santa Rosa City Population Office

Santa Rosa City Population Office Informações para nos contatar, mapa e direções, formulário para nos contatar, horário de funcionamento, serviços, classificações, fotos, vídeos e anúncios de Santa Rosa City Population Office, Public & Government Service, Bldg. B, City Government Compound, Rizal Boulevard , Brgy. Market Area, City of Santa Rosa, Laguna.

HAPPY BIRTHDAY MAYOR Arlene B. Arcillas!🎉Wishing you good health, happiness, and continued success in your dedicated ser...
31/07/2026

HAPPY BIRTHDAY MAYOR Arlene B. Arcillas!🎉

Wishing you good health, happiness, and continued success in your dedicated service to the people of Santa Rosa.💗

Warmest greetings from your City Population Office family.




REGISTRY OF BARANGAY INHABITANTS AND MIGRANTS (RBIM) TRAINING Matagumpay na isinagawa ng Office of the City Population O...
24/07/2026

REGISTRY OF BARANGAY INHABITANTS AND MIGRANTS (RBIM) TRAINING

Matagumpay na isinagawa ng Office of the City Population Officer ang Registry of Barangay Inhabitants and Migrants (RBIM) Training para sa mga kawani ng mga barangay sa Lungsod ng Santa Rosa nitong Hulyo 22–24, 2026 sa Gusaling Museo.

Pinangunahan ang pagsasanay ng mga kinatawan ng Commission on Population and Development (CPD) – CALABARZON na sina Bb. Sara Jane Buela at Bb. Jasmine Rose Osias. Nakiisa rin si Bb. Jaclyn J. Moran ng City Population and Development Office ng Lungsod ng San Pedro upang ibahagi ang kanilang mga karanasan at pinakamahusay na pamamaraan sa pagpapatupad ng RBIM.

Ang pagsasanay na ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Lungsod ng Santa Rosa tungo sa mas mahusay na pagpaplano, pagbuo ng mga programa, at mas epektibong paghahatid ng serbisyo sa pamamagitan ng tama at napapanahong datos.





RBIM TRAINING, PINANGUNAHAN NG CITY POPULATION OFFICESinimulan ang tatlong araw na Registry of Barangay Inhabitants and ...
23/07/2026

RBIM TRAINING, PINANGUNAHAN NG CITY POPULATION OFFICE

Sinimulan ang tatlong araw na Registry of Barangay Inhabitants and Migrants (RBIM) Training para sa mga kinatawan ng iba't ibang barangay sa lungsod ngayong Hulyo 22, 2026 sa Gusaling Museo.

Pinangunahan ito ng Office of the City Population Officer bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng kapasidad ng mga barangay sa pangangalap at pamamahala ng tamang datos ng kanilang mga residente.

Layunin ng pagsasanay na mabigyan ang mga kalahok ng sapat na kaalaman sa wastong pagpapatupad ng RBIM upang matiyak ang maayos na pagrerehistro ng mga naninirahan at lumilipat sa bawat barangay.

📸: CIO Reymar





🦁

TINGNAN | Isinagawa ang oryentasyon sa panibagong batch ng SPES nitong April 6, 2026 sa City of Santa Rosa Multi-Purpose...
08/04/2026

TINGNAN | Isinagawa ang oryentasyon sa panibagong batch ng SPES nitong April 6, 2026 sa City of Santa Rosa Multi-Purpose Complex.
Ang SPES o Special Program for Employment of Students ay isang programa na naglalayong magbigay ng pansamantalang trabaho sa mga mag-aaral at kabataang nangangailangan ng dagdag na pantustos sa kanilang pag-aaral.
Sa Lungsod ng Santa Rosa, ang programang ito ay 100% fully funded ng Pamahalaang Lungsod, bilang patunay ng patuloy nitong suporta sa kabataan upang matulungan silang maitaguyod ang kanilang edukasyon habang nagkakaroon ng mahalagang karanasan sa trabaho.
📸: CIO Reymar & Jojo




🦁

18/12/2025

Suspendido ang pasok sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan sa 29 Disyembre 2025 (Lunes) at 2 Enero 2026 (Biyernes) para mabigyan ng oras ang mga kawani ng gobyerno na magdiwang ng Bagong Taon at makabiyahe nang ligtas.

Mananatiling bukas ang mga ahensiyang nagbibigay ng basic, vital, at health services, habang ang suspensyon ng trabaho sa mga pribadong kumpanya at opisina ay nakadepende sa desisyon ng kanilang pamunuan.

PABATID: Dahil SUSPENDIDO ang pasok sa Pamahalaang Lungsod bukas (Agosto 26, 2025), ang lahat ng kliyenteng naka-iskedyu...
25/08/2025

PABATID:

Dahil SUSPENDIDO ang pasok sa Pamahalaang Lungsod bukas (Agosto 26, 2025), ang lahat ng kliyenteng naka-iskedyul sa Pre-Marriage Orientation & Counseling ay amin pong ILILIPAT sa Huwebes (Agosto 28, 2025) sa parehong oras at venue.

Para sa mga katanungan, mangyari po lamang na makipag-ugnayan dito sa aming page o sa contact number na nakalagay sa list of requirements.

Maraming salamat at mag-iingat po ang lahat.

20/08/2025

𝗢𝗙𝗙𝗜𝗖𝗜𝗔𝗟 𝗦𝗧𝗔𝗧𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧

The City Government of Santa Rosa is working closely with the Santa Rosa Science and Technology High School and DepEd Santa Rosa regarding the incident that occurred on August 19, 2025. We are extending all necessary assistance to the family and to the school community.

We offer our deepest sympathy to the bereaved family. In this time of grief, we ask everyone to respect their privacy, and 𝘁𝗼 𝗿𝗲𝗳𝗿𝗮𝗶𝗻 𝗳𝗿𝗼𝗺 𝘀𝗽𝗲𝗰𝘂𝗹𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗼𝗿 𝘀𝗵𝗮𝗿𝗶𝗻𝗴 𝘂𝗻𝘃𝗲𝗿𝗶𝗳𝗶𝗲𝗱 𝗶𝗻𝗳𝗼𝗿𝗺𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗼𝗻𝗹𝗶𝗻𝗲.

We also strongly urge the public 𝘁𝗼 𝘀𝘁𝗼𝗽 𝗰𝗶𝗿𝗰𝘂𝗹𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗼𝗿 𝗽𝗼𝘀𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗮𝗻𝘆 𝗽𝗵𝗼𝘁𝗼𝘀 𝗼𝗿 𝘃𝗶𝗱𝗲𝗼 𝗿𝗲𝗹𝗮𝘁𝗲𝗱 𝘁𝗼 𝘁𝗵𝗲 𝗶𝗻𝗰𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁 – on social media or in group chats – as this causes additional distress to the family and may run afoul of privacy laws.

The City Government remains committed to the welfare and safety of our learners. We continue to coordinate with the school and the appropriate authorities, and will share verified updates through our official channels as needed.

Let us show compassion by allowing the family the space and time they need to mourn. Thank you for your understanding, cooperation, and sensitivity.




🦁

‼️ANUNSYO SA MGA NAKA-ISKEDYUL BUKAS SA PRE-MARRIAGE ORIENTATION & COUNSELING‼️KANSELADO muna ang Pre-Marriage Orientati...
23/07/2025

‼️ANUNSYO SA MGA NAKA-ISKEDYUL BUKAS SA PRE-MARRIAGE ORIENTATION & COUNSELING‼️

KANSELADO muna ang Pre-Marriage Orientation & Counseling bukas, Hulyo 24, 2025. Hintayin lamang po ang tawag o mensahe mula sa aming tanggapan para sa magiging iskedyul ng PMOC sa susunod na linggo.

Maraming salamat at mag-iingat po ang lahat.

PABATID SA PUBLIKO

WALANG PASOK ANG MGA PAARALAN AT PAMAHALAANG LUNGSOD – HULYO 24, 2025

Alinsunod sa DILG, SUSPENDIDO ang lahat ng face-to-face classes sa LAHAT NG ANTAS sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Lungsod ng Santa Rosa sa Hulyo 24, 2025 (Huwebes).

Ayon sa abiso ng DepEd Schools Division, pinapayuhan ang mga paaralan na lumipat sa Blended Learning Modality – maaaring online o modular.

SUSPENDIDO rin ang pasok sa mga tanggapan ng Pamahalaang Lungsod ng Santa Rosa, maliban sa mga frontline emergency services na patuloy na maglilingkod para sa kaligtasan at kapakanan ng ating mga kababayan.

Mag-ingat po ang lahat at manatiling nakaantabay sa mga opisyal na anunsyo.




🦁

PABATID SA PUBLIKOWALANG PASOK ANG MGA PAARALAN AT TRABAHO SA PAMAHALAANG LUNGSODDahil sa inaasahang buong araw na malak...
17/07/2025

PABATID SA PUBLIKO
WALANG PASOK ANG MGA PAARALAN AT TRABAHO SA PAMAHALAANG LUNGSOD

Dahil sa inaasahang buong araw na malakas na pag-ulan dulot ng Bagyong , SUSPENDIDO ang klase sa LAHAT NG ANTAS, pampubliko at pribado, at SUSPENDIDO din ang trabaho sa lahat ng opisina ng Pamahalaang Lungsod ng Santa Rosa bukas, Hulyo 18, 2025 (Biyernes).

Maliban sa mga frontline offices at mga tanggapan na may kaugnayan sa rescue at relief operations.

Ipagpapaliban din muna ang mga aktibidad ng lungsod tulad ng GREEN Awards at distribution ng free movie passes sa senior citizens.

Maghintay po tayo ng karagdagang anunsyo para sa bagong iskedyul ng mga ito.

Ito ay bilang pag-iingat sa posibleng epekto ng masamang panahon.

Magsagawa po tayo ng kaukulang paghahanda at laging mag-ingat.






🦁

Endereço

Bldg. B, City Government Compound, Rizal Boulevard , Brgy. Market Area, City Of Santa Rosa
Laguna
4026

Horário de Funcionamento

Segunda-feira 08:00 - 17:00
Terça-feira 08:00 - 17:00
Quarta-feira 08:00 - 17:00
Quinta-feira 08:00 - 17:00
Sexta-feira 08:00 - 17:00

Notificações

Seja o primeiro recebendo as novidades e nos deixe lhe enviar um e-mail quando Santa Rosa City Population Office posta notícias e promoções. Seu endereço de e-mail não será usado com qualquer outro objetivo, e pode cancelar a inscrição em qualquer momento.

Atalhos

Compartilhar