Barangay Children Association - Brgy. Maslun • BCA

Barangay Children Association - Brgy. Maslun • BCA This is the Official page of the BCA of Brgy. Maslun

Isang karangalang ipinagdiriwang ng buong komunidad—taos-pusong pagbati G. Marc Kenneth Sales, BCA President, sa pagkila...
29/04/2026

Isang karangalang ipinagdiriwang ng buong komunidad—taos-pusong pagbati G. Marc Kenneth Sales, BCA President, sa pagkilala bilang Dangal ni G*t Tayaw 2026 – Kabataan sa Mataas na Paaralan. Ang parangal na ito ay sumasalamin sa kanyang sipag, dedikasyon, at walang sawang paglilingkod sa kapwa kabataan. ✨️

Sa murang edad, pinatunayan niyang ang tunay na lider ay hindi lamang nangunguna, kundi nagsisilbi nang may puso at malasakit. Nawa’y magsilbi itong inspirasyon sa marami pang kabataan na patuloy mangarap, kumilos, at makiisa para sa ikabubuti ng ating komunidad. Isang karangalan ang iyong tagumpay—ipinagmamalaki ka namin! ✨️

The Barangay Children’s Association of Barangay Maslun extends its heartfelt congratulations to BCA President Marc Kenne...
06/04/2026

The Barangay Children’s Association of Barangay Maslun extends its heartfelt congratulations to BCA President Marc Kenneth Sales for being nominated for Dangal ni G*t Tayaw 2026. This recognition reflects his dedication, leadership, and commitment to serving the children and youth of our community. May this nomination continue to inspire greater service, excellence, and meaningful contributions toward the welfare and development of the next generation. We are proud of your achievement and wish you continued success in your journey of leadership and service. ✨️

Totoo ngang hindi hadlang ang edad pagdating sa paglilingkod.✨️Isang pagbati at pasasalamat sa inyong mga lider-kabataan...
12/01/2026

Totoo ngang hindi hadlang ang edad pagdating sa paglilingkod.✨️

Isang pagbati at pasasalamat sa inyong mga lider-kabataan ng Barangay Maslun. Hindi makakaraos at maipagdidiwang ang ating munting outreach program kung hindi dahil sa tulong at suporta ninyo. Walang hanggang pasasalamat at nawa'y hindi kayo magsawang maglingkod sa inyong sinumpaang pangako at responsibilidad sa ating barangay.✨️

Sa mga namumuno sa Barangay. Ang ating minamahal na ABC President at Barangay Chairwoman, Hon. Heidiliza V. Monfero, kasama ang ating VAWC Commitee Head, BCA Head, at Baranagay Kagawad, Kgg. Haydee Borgonia. Kasama ang ating MSWDO Gng. Cherrie, taos puso po ang aking pasasalamat kasama ang bumubuo sa Baranagay Children's Association sa pangunguna ni G. Marc Kenneth E. Sales, sa inyong walang sawang suporta at paggabay sa amin sa loob ng Barangay Children's Association. Gayun rin po sa mga bumubuo ng ating Barangay, kasama ang Sangguniang Barangay, BHW, at iba pa.✨️

Mula po sa puso naming mga Lider-Kabataan ng Barangay Maslun patungo sa mga bata ng Barangay Maslun na dumalo at sumuporta sa proyekto, Maraming Salamat po!✨️

Hanggang sa susunod na pagbuo at pagpapatupad ng proyekto at paglilingkod.✨️

✨ "Kabataang Maslun, Tinig ng Pagbabago at Haligi ng Kinabukasan!" ✨Isang makabuluhan, makulay, at puno ng inspirasyong ...
23/10/2025

✨ "Kabataang Maslun, Tinig ng Pagbabago at Haligi ng Kinabukasan!" ✨

Isang makabuluhan, makulay, at puno ng inspirasyong araw para sa lahat! 💙

Sa ginanap na Barangay Children’s Association (BCA) Elections, muling pinatunayan ng mga kabataang taga-Maslun na ang pagiging lider ay nagsisimula sa pagkakaroon ng puso para sa kapwa. 💫

Sa pagtutulungan ng ating mga opisyal ng barangay, mga tagapayo, at ng masisiglang kabataan, matagumpay nating naisagawa ang halalan na siyang maghuhubog sa panibagong henerasyon ng mga batang may malasakit, disiplina, at dedikasyon sa paglilingkod. 🙌

Narito ang ating bagong hanay ng mga opisyal na handang tumindig para sa kapwa kabataan:

👑 President: Marc Kenneth Sales
🤝 Vice President: Roby Brosas
📝 Secretary: Althea Cassandra Gonzaga
💰 Treasurer: Sherilou Colona
📋 Auditor: Miah Rose Viriña
📢 Public Information Officers: Precious Sulte Ardez & Kyle Angelo Brosas
👥 Representative’s:
Amaru Calvin Dre Brena
Hazel Anne B. Piad
John Alfred P. Restar
Sam Kerwin C. Dans
Liam Angelo C. Brosas
Hannah Mae B. Nacion

Ang inyong paninindigan, sipag, at malasakit ay magsisilbing ilaw sa mga susunod na lider ng Maslun. 🌟
Mabuhay ang Kabataang Maslun— kabataang may boses, may layunin, at may kakayahang baguhin ang kinabukasan! 💪💖

Head's Up Kabataang MaslueñoWhat: Brgy. Maslun Children Assembly & Barangay Children's Association ElectionWhen: October...
15/10/2025

Head's Up Kabataang Maslueño

What: Brgy. Maslun Children Assembly & Barangay Children's Association Election

When: October 16, 2024 (Thursday)
Time: 9:00 am
Where: Brgy. Maslun Hall (NEW BRGY. HALL)

Expected Attendees: All Children of Kabataang Maslun ages 9-17 years old

See you there, Kabataang Maslueño

"SAMA-SAMA TAYO MGA KABATAAN"Kabataan ang Pag-Asa ng Bayan, ika nga ni Dr. Jose Rizal. Ngayong araw ng Linggo (June 15, ...
15/06/2025

"SAMA-SAMA TAYO MGA KABATAAN"

Kabataan ang Pag-Asa ng Bayan, ika nga ni Dr. Jose Rizal. Ngayong araw ng Linggo (June 15, 2025) namigay ang Barangay Children's Association ng Brgy. Maslun kasama ang Sangguniang Barangay at Barangay Health Workers ng Maslun ng mga School Supplies para sa mga kabataan.

Para sa mga kabataan ng Maslun, nawa makatulong itong munting gamit na ibinigay ng Brgy. Maslun sa inyo sa inyong pag-aaral. Tandaan ang Edukasyon ay mahalaga para sa magandang kinabukasan.

Kami po ay nagpapasalamat sa mga taong sumusunod:

Hon. Haidee Monfero - ABC President / Brgy. Captain

Hon. Haydee Borgonia - Barangay Children's Association Head

Hon. Marc Kenneth E. Sales - BCA Maslun President

Sangguniang Barangay ng Maslun

Brgy. Maslun Barangay Health Workers (BHW)

Barangay Maslun Children's Association Officers

To God be all the Glory!

𝗦𝗔𝗩𝗘 𝗧𝗛𝗘 𝗗𝗔𝗧𝗘 ‼️‼️‼️𝗪𝗛𝗔𝗧: Palarong Panlahi 2025𝗪𝗛𝗘𝗡: Abril 26, 2025 | 8:00 AM  𝗪𝗛𝗘𝗥𝗘: Monleon’s Place, Brgy. Tuy-Baanan𝗪...
15/04/2025

𝗦𝗔𝗩𝗘 𝗧𝗛𝗘 𝗗𝗔𝗧𝗘 ‼️‼️‼️

𝗪𝗛𝗔𝗧: Palarong Panlahi 2025
𝗪𝗛𝗘𝗡: Abril 26, 2025 | 8:00 AM
𝗪𝗛𝗘𝗥𝗘: Monleon’s Place, Brgy. Tuy-Baanan
𝗪𝗛𝗢: Kabataang Liliweños

Mga kabataang Liliweño, tara na’t magsama-sama sa ikalawang araw ng ating 𝗚𝗮𝘁 𝗧𝗮𝘆𝗮𝘄 𝗧𝘀𝗶𝗻𝗲𝗹𝗮𝘀 𝗙𝗲𝘀𝘁𝗶𝘃𝗮𝗹 para sa masayang 𝗣𝗮𝗹𝗮𝗿𝗼 𝗻𝗴 𝗟𝗮𝗵𝗶! Muling balikan ang mga paboritong larong Pinoy at damhin ang diwa ng pagkakaisa, kultura, at kasiyahan!

Bukas ito para sa lahat ng kabataan sa ating bayan—kaya ihanda na ang sarili, magsuot ng komportableng damit, at dalhin ang iyong game face!

𝘒𝘪𝘵𝘢𝘬𝘪𝘵𝘴, 𝘬𝘢𝘣𝘢𝘵𝘢𝘢𝘯𝘨 𝘓𝘪𝘭𝘪𝘸𝘦ñ𝘰!


*tTayawTsinelasFestival

𝐍𝐚-𝐦𝐢𝐬𝐬 𝐦𝐨 𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐤𝐢𝐩𝐚𝐠𝐥𝐚𝐫𝐨? 𝐎 𝐧𝐚𝐢𝐬 𝐦𝐨 𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐢-𝐡𝐞𝐚𝐥 𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐧𝐧𝐞𝐫 𝐜𝐡𝐢𝐥𝐝 𝐦𝐨?Mga kabataang Liliweños, ito na ang pagkakataon up...
10/04/2025

𝐍𝐚-𝐦𝐢𝐬𝐬 𝐦𝐨 𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐤𝐢𝐩𝐚𝐠𝐥𝐚𝐫𝐨?
𝐎 𝐧𝐚𝐢𝐬 𝐦𝐨 𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐢-𝐡𝐞𝐚𝐥 𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐧𝐧𝐞𝐫 𝐜𝐡𝐢𝐥𝐝 𝐦𝐨?

Mga kabataang Liliweños, ito na ang pagkakataon upang muling maranasan ang sayang hatid ng mga larong Pinoy sa Palaro ng Lahi 2025! Magsama-sama tayo sa isang makulay na selebrasyon ng kultura, pagkakaibigan, at kasiyahan kasama ang iba pang kabataan!

Ito ay gaganapin sa 𝐀𝐛𝐫𝐢𝐥 𝟐𝟔, 𝟐𝟎𝟐𝟓, 𝟖:𝟎𝟎 ng umaga, sa 𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫 𝐈𝐝𝐞 𝐌𝐨𝐧𝐥𝐞𝐨𝐧’𝐬 𝐏𝐥𝐚𝐜𝐞, 𝐁𝐫𝐠𝐲. 𝐓𝐮𝐲-𝐁𝐚𝐚𝐧𝐚𝐧.

Bukas ito para sa lahat ng kabataan ng ating Bayan.

Kaya naman, ano pang hinihintay ng mga beshie natin diyan? Halina’t ipakita ang galing ng kabataang Liliweño — tara na’t maglaro! Kita-kits!


*tTayawTsinelasFestival

October 27, 2024Election of Barangay Children AssociationCongratulations to the new Officers of the Barangay Children As...
04/11/2024

October 27, 2024

Election of Barangay Children Association

Congratulations to the new Officers of the Barangay Children Association of Brgy. Maslun, Liliw, Laguna.

President - Marc Kenneth E. Sales
Vice President - Roby D. Brosas
Secretary - Sean Matthew E. Brosas
Treasurer - Sherilou E. Colona
Auditor - Matt Gabriel E. Hilajan
Public Information Officer:
1. Rocel L. Caparos
2. Quincey Basco Sarmiento

Representative's

1.Kyle Angelo M. Brosas
Miah Rose P. Viriña
3. Guia,Arkin Joseph F.
4. Bien Carlo Monedo
5. Althea Cassandra Gonzaga

Head's Up Kabataang MaslueñoWhat: Brgy. Maslun Children Assembly & Barangay Council Associaton ElectionWhen: October 27,...
25/10/2024

Head's Up Kabataang Maslueño

What: Brgy. Maslun Children Assembly & Barangay Council Associaton Election

When: October 27, 2024 (Sunday)
Time: 1:00 pm

Where: Brgy. Maslun Hall (NEW BRGY. HALL)

Expected Attendees: All Children of Kabataang Malsun ages 9-17 years old

See you there, Kabataang Maslueño

𝐻𝑎𝑛𝑑𝑎𝑛𝑔-𝐻𝑎𝑛𝑑𝑎 𝑛𝑎 𝑝𝑎𝑟𝑎 𝑠𝑎 𝑏𝑙𝑒𝑠𝑠𝑖𝑛𝑔 𝑛𝑔 𝑏𝑎𝑔𝑜𝑛𝑔 𝐵𝑟𝑔𝑦. 𝐻𝑎𝑙𝑙 𝑛𝑔 𝐵𝑟𝑔𝑦. 𝑀𝑎𝑠𝑙𝑢𝑛! Inaanyayahan po namin ang lahat ng mga residente...
15/08/2024

𝐻𝑎𝑛𝑑𝑎𝑛𝑔-𝐻𝑎𝑛𝑑𝑎 𝑛𝑎 𝑝𝑎𝑟𝑎 𝑠𝑎 𝑏𝑙𝑒𝑠𝑠𝑖𝑛𝑔 𝑛𝑔 𝑏𝑎𝑔𝑜𝑛𝑔 𝐵𝑟𝑔𝑦. 𝐻𝑎𝑙𝑙 𝑛𝑔 𝐵𝑟𝑔𝑦. 𝑀𝑎𝑠𝑙𝑢𝑛!

Inaanyayahan po namin ang lahat ng mga residente ng Brgy. Maslun na dumalo sa blessing ng bagong Brgy. Hall sa San Isidro ibaba, mamayang ika-2 ng hapon.

Magkita-kita po tayo mga taga-Maslun!

Endereço

Brgy. Maslun, Liliw
Laguna
4004

Notificações

Seja o primeiro recebendo as novidades e nos deixe lhe enviar um e-mail quando Barangay Children Association - Brgy. Maslun • BCA posta notícias e promoções. Seu endereço de e-mail não será usado com qualquer outro objetivo, e pode cancelar a inscrição em qualquer momento.

Compartilhar