12/09/2025
Ano ba talaga ang trabaho ng Punong Barangay at mga Kagawad? Taga Bigay lang ba sila ng Ayuda?
Sagot
Malaki ang responsibilidad ng mga Barangay Officials dahil kami ang nagsisilbing tulay sa mga programa ng National Government hangang sa kasuluk sulukan ng mga Barangay mula sa away ng magasawa, away tungkol sa lupa o pera. Ang Punong Barangay ang kadalasang unang namamagitan. Responsibilidad din ng isang Punong Barangay ang magpatupag ng Batas at Ordinansa, mamuno ng mga meeting ng Sangguniang Barangay at mag approve ng kanilang taunang Budget. Role din namin na tiyakingnabibigay ang mga basic services sa aming nasasakupan gaya ng mga ayuda galing sa National o City Government. Kapag may bagyo at iba pang sakuna kami ang inaasahang manguna sa pag responde.
Ano naman ang trabaho ng pitong Kagawad?
Legislative ang role nila sila yung mga gumagawa ng mga ordinansa para sa Barangay, sa kanila rin kumukuha ng permiso ang Punong Barangay na pumirma ng mga kontrata.
Ang Barangay Treasurer naman para sa mga gastusin sa Barangay kasama ang Punong Barangay tungkulin din nilang siguraduhing maayos at payapa ang kanilang lugar. Sila rin ang nangangasiwa sa mga public facilities mula sa barangay hall mga kanal hanggang sa mga poste ng ilaw. Kahit ang barangay ang pinakamaliit na yunit ng gobyerno. Malaki
pa rin ang papel nito sa komunidad pag maayos sila maayos nipapaabot ang serbisyo ng pamahalaan sa tao.
Isang kaalaman mula sa
Liga ng mga Barangay
Luisiana, Laguna