19/11/2025
Aksyon agad para sa kaligtasan at kalinisan . Inaayos na ng Barangay Laurel Ang suliranin sa malabong tubig sa Sitio Aambon .
Sa pagharap ng Sitio Aambon sa suliranin ng malabong tubig, agad na kumilos Ang Sangguniang Barangay ng Laurel upang masiguro Ang kaligtasan at kapakanan ng bawat residente . Mabilis na nagsagawa ng inspeksyon Ang Sanggunian ,nagsagawa ng pagpupulong kasama Ang mga residente, at naglatag ng agarang hakbang upang masolusyonan ito. Sa pamamagitan ng sama - samang pagtutulungan ,maiipatupad Ang paunang solusyon habang patuloy na hinahanap Ang pang matagalang remedyo. Ipinakita ng Sangguniang Barangay na bawat hamon ,Ang kailangang serbisyo ay nakatuon sa responsableng aksyon at pangangalaga sa buong komunidad.