21/02/2026
1𝐬𝐭 𝐐𝐮𝐚𝐫𝐭𝐞𝐫 𝐊𝐊 𝐀𝐒𝐒𝐄𝐌𝐁𝐋𝐘: 𝐌𝐀𝐊𝐈𝐀𝐋𝐀𝐌, 𝐌𝐀𝐊𝐈𝐋𝐀𝐇𝐎𝐊, 𝐌𝐀𝐊𝐈𝐁𝐀𝐇𝐀𝐆𝐈
𝗪𝗵𝗮𝘁: 1st KK Assembly (2026)
𝗪𝗵𝗼: Residents of Barangay Banago aged 15-30 years old
𝗪𝗵𝗲𝗻: February 27, 2026 @ 5:00pm
𝗪𝗵𝗲𝗿𝗲: Barangay Banago Covered Court
𝗟𝗶𝗴𝗮 𝗴𝘂𝘀𝘁𝗼, 𝗽𝗲𝗿𝗼 𝗞𝗞 𝗔𝘀𝘀𝗲𝗺𝗯𝗹𝘆 𝗮𝘆𝗮𝘄?
Kabataang Banago, naririnig namin ang mga paghahanap ninyo, “Nasaan na ang SK? Bakit wala pang projects?” Wait, teka lang, eto na kami, at magsisimula na. Pero bago ang lahat, magkita-kita muna tayo sa KK Assembly, dahil dito ninyo malalaman ang buong plano para sa 2026 at kung paano kayo magiging bahagi nito.
Sa ating pagpupulong, tatalakayin ang mahahalagang bagay tulad ng:
• 𝗔𝗽𝗽𝗿𝗼𝘃𝗲𝗱 𝗔𝗻𝗻𝘂𝗮𝗹 𝗕𝘂𝗱𝗴𝗲𝘁 2026
– malinaw na pagpapaliwanag kung saan mapupunta ang pondo ng kabataan.
• 𝗨𝗽𝗰𝗼𝗺𝗶𝗻𝗴 𝗦𝗞 𝗣𝗿𝗼𝗷𝗲𝗰𝘁𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗔𝗰𝘁𝗶𝘃𝗶𝘁𝗶𝗲𝘀
– hindi lang liga ang inihahanda namin para sa inyo🤦♂️.
• 𝗦𝘂𝗯𝗺𝗶𝘀𝘀𝗶𝗼𝗻 𝗻𝗴 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗧𝗲𝗮𝗺 𝗟𝗶𝗻𝗲-𝗨𝗽𝘀
- para sa Banago Sports Fest at ang mga bagong Rules and Regulations ng Liga.
- 𝗕𝗮𝘀𝗸𝗲𝘁𝗯𝗮𝗹𝗹 (10–12 𝗺𝗲𝗺𝗯𝗲𝗿𝘀 𝗽𝗲𝗿 𝘁𝗲𝗮𝗺):
• 𝗠𝗼𝘀𝗾𝘂𝗶𝘁𝗼: 7–13 years old
• 𝗠𝗶𝗱𝗴𝗲𝘁: 14–17 years old
• 𝗝𝘂𝗻𝗶𝗼𝗿: 18–30 years old
- 𝗩𝗼𝗹𝗹𝗲𝘆𝗯𝗮𝗹𝗹 (10 𝗺𝗲𝗺𝗯𝗲𝗿𝘀 𝗽𝗲𝗿 𝘁𝗲𝗮𝗺):
• 𝗠𝗲𝗻’𝘀: 13 years old and above
• 𝗪𝗼𝗺𝗲𝗻’𝘀 𝗝𝘂𝗻𝗶𝗼𝗿: 13–30 years old
• 𝗪𝗼𝗺𝗲𝗻’𝘀 𝗦𝗲𝗻𝗶𝗼𝗿: 31 years old and above
𝐓𝐚𝐧𝐝𝐚𝐚𝐧: sa araw ng KK Assembly lamang kami tatanggap ng official line-ups, kaya ihanda na ang inyong mga team.
• 𝗙𝗶𝗹𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗼𝗳 𝗩𝗮𝗰𝗮𝗻𝗰𝘆
- Special Election para sa SK Kagawad.
- 𝗡𝗮𝗿𝗶𝘁𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗿𝗲𝗾𝘂𝗶𝗿𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁𝘀 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗻𝗮𝗶𝘀 𝘁𝘂𝗺𝗮𝗸𝗯𝗼:
• Certificate of Residency
• Voter’s Certification
• Photocopy ng PSA Birth Certificate
• 𝗢𝗽𝗲𝗻 𝗙𝗼𝗿𝘂𝗺
– para marinig ang boses at opinyon ninyo
Ang KK Assembly ay hindi lang simpleng meeting, ito ang pagkakataon ninyo na malaman ang plano, magtanong, magbigay ng suhestiyon, at maging bahagi ng mga desisyong makakaapekto sa kabataan ng Banago. Kung gusto ninyo ng mas maayos na liga, mas maraming proyekto, at mas aktibong SK, magsimula tayo sa pagdalo at pakikiisa.
Makiisa. Makialam. Magpahayag.
Para sa Kabataang Banago, para sa mas makabuluhang 2026.