05/06/2026
Bilang bahagi ng patuloy na adbokasiya ng Sangguniang Kabataan ng Pao-o na suportahan ang edukasyon ng bawat kabataan, narito ang opisyal at pinal na talaan ng mga students beneficiaries na makatatanggap ng school supplies sa ilalim ng ating programang pang-edukasyon. Ang mga nakalista rito ay mga estudyante na nakapagpalista sa itinakdang araw.
Ang simpleng handog na ito ay sumasalamin sa ating paniniwala na ang bawat mag-aaral ay nararapat na mabigyan ng pagkakataong makapag-aral nang may sapat na kagamitan at kumpiyansa. Higit pa sa mga school supplies, ito ay simbolo ng ating pagkakaisa bilang isang komunidad na handang umalalay sa mga kabataang nagsisikap na maabot ang kanilang mga pangarap.
Nawa’y magsilbi itong inspirasyon upang patuloy ninyong pagbutihin ang inyong pag-aaral, harapin ang bawat hamon nang may determinasyon, at magsikap para sa mas maliwanag na kinabukasan. Ang tagumpay ng bawat kabataan ay tagumpay rin ng buong pamayanan.
𝐀𝐧𝐠 𝐞𝐝𝐮𝐤𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐚𝐲 𝐩𝐮𝐡𝐮𝐧𝐚𝐧 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐚𝐬 𝐦𝐚𝐥𝐢𝐰𝐚𝐧𝐚𝐠 𝐧𝐚 𝐤𝐢𝐧𝐚𝐛𝐮𝐤𝐚𝐬𝐚𝐧. 𝐒𝐚𝐦𝐚-𝐬𝐚𝐦𝐚 𝐧𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐬𝐮𝐩𝐨𝐫𝐭𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐰𝐚𝐭 𝐤𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧𝐠𝐚𝐫𝐚𝐩. ✨
🖼&✍🏻: 𝐃𝐞𝐧𝐢𝐬𝐞 𝐔𝐦𝐛𝐚𝐥, Pao-o BCA President
-o