Kuya Eddniel Patrick Ilagan Papa

Kuya Eddniel Patrick Ilagan Papa Official page of Former Brgy. Coun. Eddniel Patrick Ilagan Papa of San Antonio Bay, Laguna.

Isang karangalan na muling tanggapin ang pagkilala mula sa aking komyunidad at bayan na patuloy na pinagsisilbihan.Maram...
20/08/2026

Isang karangalan na muling tanggapin ang pagkilala mula sa aking komyunidad at bayan na patuloy na pinagsisilbihan.

Maraming-maraming Salamat po! ✊🏼💚🌻

𝗣𝗿𝗼𝗷𝗲𝗰𝘁 𝗗𝗔𝗚𝗜𝗧𝗔𝗕: 𝗣𝗿𝗼𝗷𝗲𝗰𝘁 𝗣𝗶𝘁𝗰𝗵𝗶𝗻𝗴 𝗖𝗼𝗺𝗽𝗲𝘁𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻"Ang mulat na kabataan ay hindi lamang tagamasid ng pagbabago—sila ang nags...
23/05/2026

𝗣𝗿𝗼𝗷𝗲𝗰𝘁 𝗗𝗔𝗚𝗜𝗧𝗔𝗕: 𝗣𝗿𝗼𝗷𝗲𝗰𝘁 𝗣𝗶𝘁𝗰𝗵𝗶𝗻𝗴 𝗖𝗼𝗺𝗽𝗲𝘁𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻

"Ang mulat na kabataan ay hindi lamang tagamasid ng pagbabago—sila ang nagsisimula nito." ✊🏼

Maraming-maraming Salamat po sa imbitasyon at pribelehiyo na mapakinggan at mas linangin ang bawat proyekto na nakatuon sa sektor ng bata at kabataan.

Sa pangunguna ni Congressman Roy Gonzales, Mayor Arlene Arcillas, at sa lahat ng bumubuo ng KBK - Kabataan ng Bagong Kongreso, maraming salamat sa mga ganitong uri ng inisyatibo upang mas ilahok at isentro ang pag-unlad ng lipunan sa kamay ng kabataan.

Lagi't lagi para sa bata, kabataan, at bayan! 💚🌻

Malaki ang utang na loob ko sa bawat isa sa inyo. Taong 2021 nang gawin ko ang page na ito, upang ibahagi sa in...
27/12/2025

Malaki ang utang na loob ko sa bawat isa sa inyo. Taong 2021 nang gawin ko ang page na ito, upang ibahagi sa inyo ang mga aktibidad, proyekto, resolusyon, at iba’t ibang uri ng paglilingkod natin hindi lamang sa Brgy. San Antonio, Bay, Laguna, kundi sa iba’t iba pang mga lugar.

Kaya naman, nais kong ibahagi sa inyo ang tagumpay na ito. Ang tagumpay natin.

Dahil sa unang pagkakataon, may hinirang nang PINAKA NAMUMUKOD-TANGI sa bayang minsan ay tinaguriang sinumpa, ngunit ngayo’y patuloy na sumusulong at pinagpapala.

Pinunla nina Basilisa, Angela, at Elena — BAYAN NG BAE! ✊🏻🌸💚

Muli, taos puso po akong nagpapasalamat sa lahat ng naging pundasyon ko sa paglalayag sa barko ng Gawad. Ito po ang ating panata; patuloy tayong magsisilbi sa taumbayan — bitbit ang dangal, husay, at prinsipyo para sa pinakamainam at nararapat.

Ang tagumpay po na ito ay hindi para sa akin; kundi para sa ating lalawigan at masang Pilipino na ating patuloy na pagsisilbihan.

📸 Gawad Laguna Inc.




Sa isa sa napakasipag, dedikado, at walang sawang tumutulong na Barangay Health Worker (BHW) na naging ina ko na rin sa ...
20/11/2025

Sa isa sa napakasipag, dedikado, at walang sawang tumutulong na Barangay Health Worker (BHW) na naging ina ko na rin sa Barangay, hindi sapat ang salitang “salamat” sa iyong serbisyo at pagmamahal.

Maraming-maraming salamat sa buhay mo. Higit, sa paggamit nito upang maging instrumento sa pagtulong sa nakararami. Salamat sa hindi matatawarang samahan natin sa barangay. Salamat sa pagsamang sagipin at tugunan ang pangangailangan ng bawat bata at Aplayeños.

Hinding-hindi ka namin malilimutan, Nanay/Lola Vinia. Ang iyong serbisyo sa loob ng 2 dekada sa ating mga kabarangay ay nagdulot ng malaking kaginhawaan sa kanilang kalusugan.

You’ll be missed and we love you so much 🥺

REST IN PEACE, LOLA DIVINIA ORTILLA 🕊️

Manatili po tayong ligtas at handa, Bayeños! 💚
07/11/2025

Manatili po tayong ligtas at handa, Bayeños! 💚

Endereço

San Antonio Bay
Laguna
4033

Notificações

Seja o primeiro recebendo as novidades e nos deixe lhe enviar um e-mail quando Kuya Eddniel Patrick Ilagan Papa posta notícias e promoções. Seu endereço de e-mail não será usado com qualquer outro objetivo, e pode cancelar a inscrição em qualquer momento.

Entre Em Contato Com A Organização

Envie uma mensagem para Kuya Eddniel Patrick Ilagan Papa:

Atalhos

Compartilhar