Alyadong Lakas at Bagwis ng Kabataan - ALAB Kabataan

Alyadong Lakas at Bagwis ng Kabataan - ALAB Kabataan Informações para nos contatar, mapa e direções, formulário para nos contatar, horário de funcionamento, serviços, classificações, fotos, vídeos e anúncios de Alyadong Lakas at Bagwis ng Kabataan - ALAB Kabataan, Partido político, Brgy. San Juan, San Pablo City, Laguna, Laguna.

Ito na ang tamang panahon upang ang Alyadong Lakas at Bagwis ng Kabataan (ALAB Kabataan) ay magningas at magdala ng pagb...
22/10/2023

Ito na ang tamang panahon upang ang Alyadong Lakas at Bagwis ng Kabataan (ALAB Kabataan) ay magningas at magdala ng pagbabago! 🔥✊

Sa bawat hakbang, kami ay nagtataguyod ng mga adhikain na naglalayong itaas ang antas ng edukasyon, kabataang liderato, at makabuluhang pagbabago. Ipinaglalaban namin ang karapatan ng bawat kabataan na magtagumpay at maging boses ng pagbabago.

Makakatiyak kayo, hindi lamang kami salita, kundi may gawa. Nang buong pagmamalaki, inihahandog namin sa inyo ang pagkakataon na kilalanin kami nang mas mabuti. Sama-sama nating itaguyod ang karapatan at boses ng kabataan, patungo sa isang mas maayos at mas maunlad na kinabukasan!

Isang nag-aalab na araw sa ating lahat! ❤️‍🔥Narito na ang pagkakataon upang maghalal ng mga natatanging lider kabataan n...
19/10/2023

Isang nag-aalab na araw sa ating lahat! ❤️‍🔥

Narito na ang pagkakataon upang maghalal ng mga natatanging lider kabataan na maglilingkod nang tapat sa ating barangay. Narito na ang ALAB Kabataan!

Kakayahan ang puhunan, tungo sa mas maunlad na San Juan.

Nawa’y samahan ninyo kami sa pagbuo ng mas maunlad at mas matatag na pwersa ng kabataan ng Barangay San Juan.

Lakas ng Kabataan, Bagwis ng Kinabukasan!

🔥


Isang naglalagablab na pagpupunyagi sa lahat ng nakiisa at sumuporta sa ALAB KABATAAN Intercolor Basketball League ❤️🔥Ta...
27/08/2023

Isang naglalagablab na pagpupunyagi sa lahat ng nakiisa at sumuporta sa ALAB KABATAAN Intercolor Basketball League ❤️🔥

Taos-puso ang aming pagbati sa apat na koponan na tumanggap ng hamong ipakita ang lakas at bagwis ng kabataan sa larangan ng basketball. Bagama't umulan ay hindi rito natapos ang pagnanais ng mga kabataan na ipamalas ang kanilang galing sa palakasan.

Muli, isang pagbati sa lahat ng nanalo, lalong-lalo na sa nagkamit ng kampyonato.

Tunay ngang iba ang kabataan ng San Juan! 🔥

🔥


ALAB KABATAAN INTERCOLOR BASKETBALL LEAGUE GAME 3 BATTLE FOR 3RD ❤️🔥  🔥
27/08/2023

ALAB KABATAAN INTERCOLOR BASKETBALL LEAGUE GAME 3 BATTLE FOR 3RD ❤️🔥

🔥

Isang nag-aalab na hapon sa ating lahat! ❤️🔥Narito na ang pinaka inaabangang lineup para sa ALAB KABATAAN INTERCOLOR BAS...
27/08/2023

Isang nag-aalab na hapon sa ating lahat! ❤️🔥

Narito na ang pinaka inaabangang lineup para sa ALAB KABATAAN INTERCOLOR BASKETBALL LEAGUE Battle for 3rd at Championship. Dito pa rin yan sa Brgy. San Juan Basketball Court.

GAME 3 (Battle for 3rd)
5:00 PM

GAME 4 (Championship)
6:00 PM

Kita-kits mga kabarangay!

🔥

ALAB KABATAAN INTERCOLOR BASKETBALL LEAGUE GAME 2 ❤️🔥  🔥
27/08/2023

ALAB KABATAAN INTERCOLOR BASKETBALL LEAGUE GAME 2 ❤️🔥

🔥

ALAB KABATAAN INTERCOLOR BASKETBALL LEAGUE GAME 1 ❤️🔥  🔥
27/08/2023

ALAB KABATAAN INTERCOLOR BASKETBALL LEAGUE GAME 1 ❤️🔥

🔥

Isang nag-aalab na gabi sa ating lahat! ❤️🔥Narito na ang ating lineup para sa ALAB KABATAAN INTERCOLOR BASKETBALL LEAGUE...
26/08/2023

Isang nag-aalab na gabi sa ating lahat! ❤️🔥

Narito na ang ating lineup para sa ALAB KABATAAN INTERCOLOR BASKETBALL LEAGUE na gaganapin bukas, AUGUST 27, sa Brgy. San Juan Basketball Court.

GAME 1
10:00 AM

GAME 2
11:00 AM

GAME 3 (Battle for 3rd)
5:00 PM

GAME 4 (Championship)
6:00 PM

Kita-kits mga kabarangay!

🔥

PARA SA MAS MATATAG AT MAS PROGRESIBONG SANGGUNIANG KABATAAN! 🔥Dumalo ang ALAB Kabataan sa katatapos lamang na SK Aspira...
26/08/2023

PARA SA MAS MATATAG AT MAS PROGRESIBONG SANGGUNIANG KABATAAN! 🔥

Dumalo ang ALAB Kabataan sa katatapos lamang na SK Aspirants’ Orientation: SK Handa Ka Na Ba? na pinamunuan ng Local Youth Development Office ng Lungsod ng San Pablo.

Dito ay tinalakay ang iba’t ibang mga paksa na kaugnay ng Sangguniang Kabataan gaya ng SK History and Salient Features, SK Functions, SK Reform Act, at ang kasalukuyang mga pagsubok na kinakaharap ng Sanggunian.

🔥

Isang matagumpay na araw para sa ating komunidad!Sa pangunguna ng mga miyembro ng inyong lingkod, ALAB Kabataan, kasama ...
22/08/2023

Isang matagumpay na araw para sa ating komunidad!

Sa pangunguna ng mga miyembro ng inyong lingkod, ALAB Kabataan, kasama ang mahal nating Chairman Ani Belda at ang Sangguniang Barangay, ay matagumpay nating naipatupad ang “Pailaw SKnita Project” sa Brgy. San Juan noong ika-19 ng Agosto.

Sa tulong ng modernong teknolohiya, naging posible ang paglalagay ng mga solar-powered light fixtures sa isa sa mga madidilim na eskinita sa ating barangay. Ang hakbang na ito ay naglalayong magbigay ng mas mataas na antas ng liwanag at kapanatagan sa mga residente lalo na sa mga posibleng insidente ng krimen o aksidente sa nasabing lugar.

Lubos po ang aming pasasalamat sa mga manggagawang naglaan ng oras at lakas upang maisagawa ang proyektong ito. Higit sa lahat, sa ating Chairman Ani Belda, na nagbigay ng suporta at nagkalinga sa lahat ng mga materyales na kinailangan upang maisakatuparan ang inisyatibong ito.

Hindi lamang tayo nakapagbigay liwanag sa eskinita, kundi pati na rin sa mga puso ng bawat isa sa atin. Ang pagkakataong ito ay nagdulot ng inspirasyon at pag-asa para sa mas marami pang mga proyektong makakatulong sa ating barangay.

Nawa'y maipagpatuloy natin ang ating adbokasiya para sa magandang kinabukasan ng Brgy. San Juan. Isang nag-aalab na pasasalamat sa lahat ng nagbahagi ng kanilang oras, talento, at suporta sa tagumpay na ito. Mabuhay tayong lahat! 🌟🌆🤝


🔥

Maraming salamat po sa lahat ng nakiisa sa UkaySaya ng Libre! Handog ng ALAB Kabataan. Naging matagumpay ang inisyatibo ...
20/08/2023

Maraming salamat po sa lahat ng nakiisa sa UkaySaya ng Libre! Handog ng ALAB Kabataan.

Naging matagumpay ang inisyatibo na ito sa tulong ng mga miyembro ng ALAB Kabataan, Sangguniang Barangay ng San Juan, at ang ating mga minamahal na kabarangay. Nakapagbahagi tayo ng mahigit 100 piraso na libreng damit sa loob lamang ng isang araw.

Nawa ay nasiyahan ang ating mga kabarangay sa kanilang natanggap na munting regalo. Malay natin, meron pa palang part 2 👀

Muli, isang nag-aalab na pasasalamat po sa inyong lahat! ❤️🔥


🔥

Mga kabarangay, okay pa ba kayo dyan? Baka naman ukay therapy lang ang magpapangiti sa inyo dyan!Tamang tama dahil iniha...
15/08/2023

Mga kabarangay, okay pa ba kayo dyan? Baka naman ukay therapy lang ang magpapangiti sa inyo dyan!

Tamang tama dahil inihahandog ng Alyadong Lakas at Bagwis ng Kabataan ang libreng damit para sa mga kabarangay!

Walang dalang pera? UKAY lang yan! 👗👚👖

Walang ibang kailangang dalhin bukod sa kanya-kanyang lagayan para siguradong hassle-free ang inyong pamimili. Pumunta lamang sa Covered Court sa BIYERNES, August 18, 2023, mula 9AM hanggang 6PM.

Talaga namang UKAYsaya ng libre!


🔥

Endereço

Brgy. San Juan, San Pablo City, Laguna
Laguna

Notificações

Seja o primeiro recebendo as novidades e nos deixe lhe enviar um e-mail quando Alyadong Lakas at Bagwis ng Kabataan - ALAB Kabataan posta notícias e promoções. Seu endereço de e-mail não será usado com qualquer outro objetivo, e pode cancelar a inscrição em qualquer momento.

Compartilhar