Tagalog Association of Australia

Tagalog Association of Australia Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Tagalog Association of Australia, Sydney.

Provide support and assistance to the members of the Tagalog Association of Australia including the whole Tagalog region in Philippines affected by floods, disasters or any calamities by way of giving relief goods, services and associated with Balagtasan

02/02/2026

Kumusta pamilyang TAA?Panoorin natin itong latest Bali-TAA 😃 Mabuhay mula sa inyong pangulo- Eric C Maliwat

Maraming Salamat Pangulong Eric Maliwat. Ang pagtitipon tungkol sa paksang "Governance of AI" ay isang proyekto na pinangungunahan ng University of the East Alumni Association of Australia Inc., sa magiting na liderato ni Manny Diel Unang Pangulo ng UE Alumni Association of Australia Inc., na siyang nagbunsod para maimbitahan si Roberto Manabat na isa mga piling Pilipino na malawak ang karanasan sa AI at isa ring itinuturing na eskolar ng UE Alumni bilang magaling na CPA. Ang Forum na ito ay suportado ng ating Kunsolado sa Sydney na nagbigay ng pahintulot na gamitin ang Bulwagang Rizal at gayon din ang pagsuporta ng ibang mga organisasyon sa Sydney gaya ng Philippine Community Council of NSW Inc., (PCC NSW); Philippine Community Herald, Pinegrove Memorial Parks and Gardens at Tagalog Association of Australia or TAA. Maraming Salamat Po. Gumagalang, Danny Peralta - Unang Pangulo ng Tagalog Association of Australia (TAA).

16/11/2025
Sa tuwing darating ang buwan ng Agosto taon taon ay ating ginugunita at ipinagbubunyi and ating kasarinlan lalo na ang p...
19/08/2025

Sa tuwing darating ang buwan ng Agosto taon taon ay ating ginugunita at ipinagbubunyi and ating kasarinlan lalo na ang pagiging makabayan sa puso, diwa at pananalita na ang wikang Tagalog / Pilino ay siyang maging paninindigan bilang isang tunay na Filipino. Akin pong inahahandog ang maikli kung tula na aking kinatha o isinulat para sa ating mga Kabataan na sinabi ng ating bayaning G*t Dr. Jose P. Rizal na "Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay masahol pa sa mabahong Isda" na may pamagat na "Ang Dakilang Tungkulin".

ANG DAKILANG TUNGKULIN
Sa panulat ni Sir Danilo C. Peralta, KGOR ANZO Region
TAA Lakandiwa – Balagtasan 2021

Mula’t sapol noong unay Pilipino akong ganap
Nananatili sa aking isipan at puso, ang kayumangi kong anyo
Hindi dapat ipagkait yaring tunay na dugo
Matapang, mapagmahal sa sariling bansang sawi sa aruga at pagsuyo.

Ano pa kayang pagibig ang hihigit sa lahat
Lubos ang pagkadalisay at pagkadakila na tunay na ibibigay
Gaya ng pagibig na inihahandog sa ating Inang bayan
Wala na ngang ibang pagibig, buhay man ay iaalay.

Musmos pa ang isipan ay nahubog na sa kadakilaan
Ng mga bayaning nauna gaya nila Bonifacio, Mabini at Rizal.
Sila ang nagbigay ng pondasyon sa mga kabataan.
Iniwan sa atin ang tungkuling paglingkuran ang ating inang bayan.

Ang ating mga bayani ay siyang ninanasa
Kung ang ating bansa ay nasa panganib, na tayong lahat ay magkaisa.
Ito ang kanilang ipinaglaban upang kalayaan ay makamtan
Dapat ipagtanggol nating lahat na huwag ng mawala ang kalayaan tungo sa kapayapaan.

Nalagasan man tayo ng mga bunga’t bulaklak
Na nagbibigay buhay sa mga nasalantang ginhawa at galak
Balakid man ito sa ating paghihirap
Sa ating tapang ginhawa ng inang bayan ang siyang makakamtan.

Dati ay masagana ang buhay natin sa parang at bukid
Na nagbibigay sigla sa araw araw na hindi alintana ang mga balakid.
Nagbago ang hangin sa haplip ng mga manlulupig
Tuluyang nalugmok sa pighati, lupa ay kinamkam buhay ay pinagkait.

Sa mga hirap nating naranasan sa mga dayuhang mananakop
Sila ang nag bunsod para tayong lahat ay mag away at mag kalansog lansog
Regionalism, nepotism siya ngayong nagiging salot
Na ang naging bunga nito’y mag kanya kanya tuluyang bayanihan ay mawala na.

Bakit natin titiisin itong ating mga pighati at mabuhay ng marangal
Ating ipaglaban ang karapatan ng bawat isa, tumindig at ating iwagayway.
Kabuhayang nawala na sinakop ng mga dayuhan.
Ito’y dapat ibalik sa mga mamamayan na siyang tunay na may-ari ng lupang kinagisnan.

Pagmamahal sa ating sariling wikang kinagisnan
Kaakibat ng ating lubos na pagmamahal sa ating inang bayan
Siyang nagbibigay buhay pag tayong lahat ay tumindig sa ating mga karapatan
At sa dulo man ng daigdig ay ating makakamit ang siyang ninanais
Na makamtan ang tunay na kalayaan tungo sa ating maginhawang buhay.

Sa hirap ngayon ng ating bansa dulot ay kagutuman at kaguluhan
Ito and ninanais ng ating mga politikong walang budhi at magnanakaw.
Walang inaatupag kundi walisin at ibulsa ang kaban ng bayan
Kaya dulot ay paghihirap, kagutuman at pighati sa ating mamamayan.

Panahon na upang ating ibandira ang tunay na dugong Pilipino
Na tayong lahat ay mag kaisa mag aklas at iluklok ang tunay na sasaklolo
Sa ating dangal, na may takot sa Diyos at tunay na magsisilbi sa ating bayan
Atin ng ibasura ang mga politikong ganid sa kapangyarihan at nagpapayaman lamang at gutumin ang mga mamamayan.

Iyan ang habilin ko sa ating mga kabataan
Matupad kaya itong dakilang tungkulin
Atin bang ihahandog ang pagmamahal sa bayan
At tuluyang masilayan ang ginhawa ng bukang liwayway.
GISING AKING MGA KABABAYAN……

Sir Danilo C. Peralta, KGOR
Former Supreme Auditor RY2021-23
Knights of Rizal HQS and
UNANG PANGULO AT LAKANDIWA – Balagtasan Tagalog Association of Australia

06/07/2025

Nais ko po lamang na ilathala ang isang napakagandang tula na katha ng ating magiting na kapatid na Makata ng Tagalog Association of Australia na walang iba at walang kupas at hindi tumatanda Ka Obet Dionisio na tubong Hagunoy Bulacan na aming binansagang Makatang Sampay Bakod. Ang tula pong ito ay patungkol sa ating selebrasyon ng ating Kalayaan na ating ginugunita tuwing ika labing dalawa (12) ng Hunyo taon taon. Pasensya na po at hindi namin kaagad na ilathala sa aming TAA FB page kaagad. Marami Pong Salamat. Mabuhay ang Pilipinas at Mabuhay ang TAA at tayong mga Pilipino.

Ito po ang tula na ibinabahagi sa atin ng aming kapatid na si Ka Obet Dionision aka Makatang Sampay Bakod.

TULA – ARAW NG KALAYAAN NG PILIPINAS - June 12, 2025

Sa matagal na panahon ng ating pagkakahimbing
Sa mga Kastila, buhay ay nakabalot sa pagka-alipin
Mga ninuno natin ay natauhan, biglang nagsigising
Upang ang tunay na kalayaan ay makamtam natin

Unang pumutok ang himagsikan sa Balintawak
Uhaw sa kalayaan, kaya ito ay madaling lumawak
Kulang sa sandata, walang dala kundi ang itak
Pagmamahal sa bayan ang kanilang tanging hawak

Tayo nga ay nagkaisa, upang ang dayuhan ay maitaboy
Walong lalawigan ang nagsimula, laban ay ipinagpatuloy
Buhay ang isinugal, dugo ng bayani ay dumaloy
Kalayaan ay makamtam, wakasan ang mga panaghoy

Sa buhay ng pagka-alipin at dalita, walang pagkain madakot
Ang mga Pilipino ay nagkaisa, lumaban ng walang takot
Kahit nasusugatan at nasasalanta, sa panganib ay sumugod
Hangang sa makamit ang mithing kalayaan na nilulugod

Ngunit hindi nagwakas ang ating pagka-duhagi
Nagtiwala tayo sa mga pangakong puro palamuti
Ang kalayaang nakamtam, sinambot ng mga Puti
Muli tayong nasadlak sa buhay ng pagdadalamhati

Ng sumiklab ang digmaan pang daigdig, wala tayong malay
Sa labanang Amerikano at Hapones, tayo ay napadamay
Nasalanta tayong lubos, kahit hindi kasali sa kanilang away
Nagbuwis muli ng buhay ang mga bayani nating namatay

Sa loob ng tatlong taon, mga dayuhan Hapon tayo ay sinakop
Walang katapusang hirap ang sinapit, panay pagdarahop
Maraming naulila, sa lansangan nabuhay ng walang kupkop
Mga mamamayan ay muling napaluhod, kamay ay naka-daop

Nang ang mga Hapones ay nagapi, tayo nga ay nagdiwang
Sinundan ng pangalawang pagbibigay sa atin ng Kalayaan
Sa unang pagkakataon, Pilipino ang nasa Pamunuan ng Bayan
Nagkaroon ng pansamantalang katahimikan at pag-unlad ng kabuhayan

Ngunit ano nga ba ang Kalayaan, at buhay na ating dinaranas
Kung ating tatantuin, halos limandaang taon na ang nakalipas
Tunay na kalayaan, sa mga kamay natin ay naka-alpas
Pagkat tayo ay nanatiling bilango at alipin ng mga taong mararahas

Mga dayuhang Kastila, mga Hapones at mga Amerikano
Sa bayan natin ay sumakop, tayo ay ginawang alipin, hindi tao
Mga namuno mula kay Aguinaldo hanggang sa ngayon na kapuwa mga Pilipino
May naranasan na ba tayong pag-angat sa buhay at tunay na pagbabago?

Bakit hindi natin pinangalagaan ang unang kalayaan na nakamtam
Tayo ba ay mga duwag at mangmang, walang tunay na pakiramdam
Bakit pinag-walang bahala, mga pagpapakasakit ng Katipunan
Tayo ba ay walang pagpapahalaga sa ating sariling lipunan

Bakit hinayaan natin sa pagkaduhagi ay patuloy tayong masadlak
Wala ba tayong kagitingan, panay na lamang pagpapaunlak
Di natin natatanto, dito nakasalalay kinabukasan ng ating mga anak Panahon ng para tayo magbangon at Kalayaan ay maging hawak

Kung mananatili tayong tahimik at walang tinig walang sabi
Anong pamana ang iiwan natin sa susunod na saling lahi
Mga pagmamalabis, atin na lamang bang i-i-isang tabi
O, sa Edsa ay muling maglalakad, sama-sama araw at gabi

Sa matagal nating pananahimik at pagkakahimbing
Panahon na upang tayo ay magkaisa muli at gumising,
Ang nagsasamantala sa pamahalaan ay ating lupigin
Upang tunay na kalayaan ay maging sariling atin

Karapatan natin ay nasupil, ang kapangyarihan ay sinungab
Labanan at palayasin ngayon ang mga mapagsamantalang sukab
Ang aking panawagan, sa lahat ng nakikinig ito sana ay tumalab Pagnanais sa Kalayaan at pagmamahal sa bayan ay muling mag-alab

Tulang Katha ni: OBET DIONISIO MAKATANG SAMPAY BAKOD
June 22, 2025

22/12/2023

Before the Advent is over (we are now on the Fourth Week of Advent on Dec. 24, 2023), I wish to share with you the Poem/Tula I made for Advent and Christmas:
(PAMASKONG TULA)
DIWA NG ADBENTO
Sa pagpasok pa lamang ng buwan ng Nobyembre
Binibilang na ang araw hanggang Bente-Sinko ng Disyembre
Ano ano ang ihahanda at bibilhin pagkat ito ang kostumbre
Gastos kaliwa kanan kahit utang, ni walang sinkong libre
Ano nga ba itong panahon na ating ipinagdiriwang
Ano nga ba itong araw na ating pinaghahandaan
Parang hindi sapat ang taon at tila may kakulangan
Kundi magsasaya at mamimili sa darating na kapaskuhan
Si Kristo Hesus ay minsan lamang ipinanganak
Sa kanyang pagsibol ang buong mundo ay nagalak
Kahit siya ay isinilang sa isang sabsabang payak
Ngunit bakit tayo ngayon ang tampulan ng gayak
Binibigyan ng pansin, kapanganakan ni Kristo
Pagkat ito ang isinasaad sa Banal na Testamento
Ngunit hindi kaya natin tunay na mapagtatanto
At di nauunawaan ang mahalagang Diwa ng Adbento
Di ba ang dapat paghandaan ay ang kanyang pagbabalik
Upang ating makamit ang pangakong buhay na hitik
Di ba ang nais natin ay buhay na tiwasay at matahimik
Walang sagabal, walang suliranin, at matatalim na tinik
Ngunit paano nga ba ang pangarap ay ating makakamtam
Kung ayaw harapin ang katungkulan, sa iba ay walang
pakialam
Ang tama at nararapat ay wala sa isip at hindi alam
Pagkat ang puso at damdamin ay sakbibi ng agam-agam
Ako ay Kristiyano, pinamamarali mo at sinasabi sa lahat
Di ba ito ay parang ang sarili mong banko ang binubuhat
Kung tunay na ikaw ay isang Kristiyanong karapat-dapat
Sa katotohanan ng buhay mo, ang iyong mata ay imulat
Bago dumating si Hesus, ano ang sabi ni Bautista Juan
Maglinis ng sarili at magsisi sa mga nagawang kasalanan
Ngunit sa Kanyang pagbabalik na dapat paghandaan
Ni hindi tayo nagtitika at nagpupunta sa kumpisalan
Sa araw araw matapos sa trabaho na tayo ay manggaling
Hindi kinalilimutan ang mamili ng pasalubong at parating
Pagdating ng Sabado at Linggo, lakad at pasyal pa rin
Nalimutan ng magsimba upang ang Panginoon ay sambahin
Ikaw ba ay nagpapasasa sa kasaganaang nalalasap
Nabibili mo ang gusto, mga pagkaing masasarap
Ngunit sumaisip ba sa iyong gising na pangangarap
Marami tayong kababayan sa Pilipinas ay naghihirap
Maliban sa kamag-anak, ikaw ba ay tumutulong
Nag-abuloy sa mahihirap ng pagkain at datong
Kahit na kaunting halaga, sa buhay nila ay pang-agtong
Parang daloy ng tubig at init ng apoy na pang-gatong
Kaya sa dalawang buwan, bago matapos ang taon
Sa Kanyang pagbabalik, ang iyong isipan ay ituon
Gamitin ang Adbento sa pagsunod sa Panginoon
Baka sa buhay mo, ito na ang huling mong pagkakataon
Ang pagsilang ni Kristo Hesus ay naganap na dito sa daigdig
Ang paghandaan natin ngayon ay ang ang kanyang pagbabalik
Ang mga naaapi, mahihirap at aba ay ating itangkilik
Punuin ang buhay natin ng pagmamahal at tunay na pag-ibig

OBET DIONISIO ANG PANGALAN
NG INYONG ABANG LINGKOD
ISINILANG SA BULAKAN
MAKATANG SAMPAY BAKOD

Address

Sydney, NSW
2770

Telephone

+61410464107

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tagalog Association of Australia posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Tagalog Association of Australia:

Featured

Share