Partidong Pagbabago ng Palawan - San Vicente

Partidong Pagbabago ng Palawan - San Vicente This is the official page of Partidong Pagbabago ng Palawan (PPP)- San Vicente.

MARAMING MARAMING SALAMAT MGA SAN VICENTEHANON! Lubos ang aming pasasalamat sa inyong tiwala at suporta sa Team PPP-San ...
14/05/2025

MARAMING MARAMING SALAMAT MGA SAN VICENTEHANON!

Lubos ang aming pasasalamat sa inyong tiwala at suporta sa Team PPP-San Vicente. Sa bawat tiwala at pagmamahal, ipinakita ninyo ang inyong paninindigan para sa isang pamahalaang tapat, may malasakit, at tunay na naglilingkod.

Ang tagumpay na ito ay hindi lamang tagumpay namin, ito ay tagumpay ng bawat San Vicentehanon na naghahangad ng mas maayos, mas maunlad, at mas makataong serbisyo.

Itutuloy at paiigtingin pa natin ang Serbisyong Tapat at Dapat para sa bawat komunidad, bawat pamilya, at bawat isa sa inyo. Ang inyong tiwala ang aming inspirasyon para magsikap pa nang higit, para sa San Vicente na maipagmamalaki ng bawat mamamayan nito.

Muli, mula sa puso: SALAMAT, SAN VICENTEHANON!
Tuloy ang laban, tuloy ang serbisyo!




HINDI MATATAWARANG PASASALAMAT SA INYONG LAHAT!
13/05/2025

HINDI MATATAWARANG PASASALAMAT SA INYONG LAHAT!

NANG DAHIL SA PAGKAKAISA NATIN, NAGBAGO, NAGING MAGANDA AT MAUNLAD ANG SAN VICENTE! NGAYONG 2025, IPAGPAPATULOY NATIN AN...
10/05/2025

NANG DAHIL SA PAGKAKAISA NATIN, NAGBAGO, NAGING MAGANDA AT MAUNLAD ANG SAN VICENTE! NGAYONG 2025, IPAGPAPATULOY NATIN ANG ATING NASIMULAN!

Iboto ang PPP-San Vicente! Serbisyong Subok, Lideratong Tapat at Dapat!

Sa loob ng mga nagdaang taon, kitang-kita natin ang pagbabago.
Ang dating sinubok na Bayan ng San Vicente ng pandemya at odette, ngayon ay muli nang masigla, maganda, at patuloy na umuunlad. At ang dahilan? Ang Lideratong PPP-San Vicente at Tayo! Tayong mga mamamayan ng San Vicente.

Sa ilalim ng PPP-San Vicente, hindi lang serbisyo ang ibinibigay, kundi malasakit, aksyon, at tunay na pag-unlad para sa bawat SanVicentehanon.

Ngayon, muli naming hinihiling ang inyong tiwala at suporta para sa pagpapatuloy ng serbisyong Tapat at Dapat para sa ating bayan!

Iboto ang PPP-San Vicente!



HINDI NATIN KAILANGAN NG BAGO, KUNDI MGA LIDER NA MAGPAPATULOY NG SERBISYONG TAPAT AT DAPAT PARA SA MGA SAN VICENTEHANON...
08/05/2025

HINDI NATIN KAILANGAN NG BAGO, KUNDI MGA LIDER NA MAGPAPATULOY NG SERBISYONG TAPAT AT DAPAT PARA SA MGA SAN VICENTEHANON!

Sa panahong maraming nangangako ng pagbabago, TEAM ARMStrong ang naninindigan na hindi kailangang baguhin ang tama at may napatunayan na! Kailangan na lamang natin na ipagpatuloy at palakasin ito para sa ikabubuti ng bawat SanVicentehanon.

Mula Governor, Mayor, Vice Mayor, hanggang sa Sangguniang Bayan, ang TEAM ARMStrong ay binubuo ng mga lider na may napatunayan na, may nagawa na, at may kakayahang ipagpatuloy ang progresong nasimulan.

Sa TEAM ARMStrong ng PPP-San Vicente,
✅ Magsasaka at mangingisda ay may suporta.
✅ Kabataan at edukasyon ay may direksyon.
✅ Proyekto at imprastraktura ay tuluy-tuloy.
✅ Kalusugan at serbisyong bayan ay mas pinapalakas.
✅ Kalikasan at turismo ay pinangangalagaan.

Sa darating na halalan, isang matatag na boto ang kailangan ng ating bayan. Ipagpatuloy natin ang nasimulan na ng SERBISYONG TAPAT AT DAPAT. Ipanalo ang TEAM ARMStrong!




PJ ACOSTA: BOSES NG BAYAN, KATUWANG SA KAUNLARAN NG AGRIKULTURA AT YAMANG-DAGAT!Sa bawat pag-ikot ni PJ Acosta sa mga ba...
07/05/2025

PJ ACOSTA: BOSES NG BAYAN, KATUWANG SA KAUNLARAN NG AGRIKULTURA AT YAMANG-DAGAT!

Sa bawat pag-ikot ni PJ Acosta sa mga barangay, isang bagay ang malinaw: ang tunay na pagbabago ay nagsisimula sa ugat, sa lupa at dagat na bumubuhay sa ating bayan. Bilang kandidato sa Sangguniang Bayan, dala niya ang konkretong adbokasiya na may malasakit sa kabuhayan ng mangingisda, magsasaka, at bawat pamilyang umaasa sa likas-yaman ng ating komunidad.

PANGANGALAGA SA YAMANG-DAGAT AT PAMAMAHALA NG KATUBIGAN
Hindi sapat ang batas kung walang aksyon. Si PJ ay nangunguna sa panawagan para sa mahigpit na proteksyon sa ating karagatan at pagtuturo ng responsableng pangingisda. Dahil ang dagat ay hindi lang kabuhayan, ito’y pamana sa susunod pang mga henerasyon.

MEKANISASYON SA PAGSASAKA
Panahon na para patuloy na iangat ang antas ng pagsasaka gamit ang makabagong kagamitan. Si PJ ay naninindigang dapat bigyang suporta ang mga magsasaka sa pamamagitan ng makinaryang magpapagaan sa kanilang trabaho at magpapataas ng ani. Hindi puwedeng laging mano-mano sa panahon ng makabago.

ISUSULONG ANG MARINE AQUACULTURE
Habang lumiliit ang huli sa dagat, kailangang lumawak ang alternatibong solusyon. Kaya’t isinusulong ni PJ ang pagpapaunlad ng marine aquaculture, mula sa seaweed farming hanggang sa fish cage culture bilang dagdag kabuhayan ng coastal communities.

PAGPAPATAAS NG PRODUKSYON NG PANANIM PARA SA SAPAT NA PAGKAIN
Para kay PJ, hindi dapat magutom ang mamamayan sa sariling bayan. Kailangan ang suporta sa mga magsasaka upang mapalago ang lokal na ani, mula binhi hanggang ani, upang masigurong may pagkain sa bawat mesa.

PJ Acosta ay hindi pangako ang dala, kundi plano, aksyon, at tunay na serbisyo. Bilang Sangguniang Bayan Member, isusulong niya ang mga panukalang may direksyon, may puso, at may malasakit sa lupa at dagat na ating kinabubuhayan.

PJ ACOSTA para sa SANGGUNIANG BAYAN!
NUMBER 1 SA BALOTA!




07/05/2025

SA TULOY-TULOY NA SERBISYONG TAPAT AT DAPAT, LAHAT TAYO AANGAT!



TANDAAN AT WAG KAKALIMUTAN! #18 SA BALOTADOLOY VARQUEZPara SANGGUNIANG BAYAN MEMBER!
06/05/2025

TANDAAN AT WAG KAKALIMUTAN!

#18 SA BALOTA
DOLOY VARQUEZ
Para SANGGUNIANG BAYAN MEMBER!



TANDAAN AT WAG KAKALIMUTAN! #14 SA BALOTAVICTORIO "TINONG" ONCEPIDOPara SANGGUNIANG BAYAN MEMBER!
06/05/2025

TANDAAN AT WAG KAKALIMUTAN!

#14 SA BALOTA
VICTORIO "TINONG" ONCEPIDO
Para SANGGUNIANG BAYAN MEMBER!



TANDAAN AT WAG KAKALIMUTAN! #11 SA BALOTAVANGIE MAAGADPara SANGGUNIANG BAYAN MEMBER!
06/05/2025

TANDAAN AT WAG KAKALIMUTAN!

#11 SA BALOTA
VANGIE MAAGAD
Para SANGGUNIANG BAYAN MEMBER!



TANDAAN AT WAG KAKALIMUTAN! #9 SA BALOTATONG HIKILANPara SANGGUNIANG BAYAN MEMBER!
05/05/2025

TANDAAN AT WAG KAKALIMUTAN!

#9 SA BALOTA
TONG HIKILAN
Para SANGGUNIANG BAYAN MEMBER!



TANDAAN AT WAG KAKALIMUTAN! #5 SA BALOTACESAR CABALLEROPara SANGGUNIANG BAYAN MEMBER!
05/05/2025

TANDAAN AT WAG KAKALIMUTAN!

#5 SA BALOTA
CESAR CABALLERO
Para SANGGUNIANG BAYAN MEMBER!



TANDAAN AT WAG KAKALIMUTAN! #2 SA BALOTAMELVIN BALLESTEROSPara SANGGUNIANG BAYAN MEMBER!
04/05/2025

TANDAAN AT WAG KAKALIMUTAN!

#2 SA BALOTA
MELVIN BALLESTEROS
Para SANGGUNIANG BAYAN MEMBER!



Dirección

Purok Rosal, Brgy. Poblacion
San Vicente
5309

Página web

Notificaciones

Sé el primero en enterarse y déjanos enviarle un correo electrónico cuando Partidong Pagbabago ng Palawan - San Vicente publique noticias y promociones. Su dirección de correo electrónico no se utilizará para ningún otro fin, y puede darse de baja en cualquier momento.

Contacto La Organización

Enviar un mensaje a Partidong Pagbabago ng Palawan - San Vicente:

Compartir

Categoría